Sa mall
Tapos na akong mag groceries kaya naisipan muna naming pumunta ng food court para kumain. Sinama ko na din si Wendy para may kasama ako.
" i want flies mami" lambing sa akin ng anak ko. Ang cute naman nito dahil sa pag pout nya. Pinisil ko tuloy ang pisnge nya.
" ok tara na" pumunta kami sa pinaka malapit na fast food chain para mag order ng hinihingi ng anak ko.
Nag order ako ng spaghettie 1pcs, 1 bucket of chicken,mango dessert, 3 pcs of fries, and 2 pcs ng mango floats and 3pcs ng drinks.
Pagkatapos kong magbayad ay pumunta na ako sa kanila.
***
Third person's POV
' Babalik ka ha? " sabibng isang babae sa kanya dahil nagpaalam ito sa kanya na pupunta sya ng pinas para may asikasuhin.
"Oo babalik ako..." pinagsaklop nila ang kanilang mga kamay at niyakap nila ang isa't isa.
" Mag-iingat ka sa byahe mo, ok? " bilin sa kanya ng babae. Agad naman na tumango sya at nagpaalam na papasok na sya sa kotse.
Nagpabaling-baling naman ang kanyang ulo dahil sa mga panaginip na 'yon. Kaya bigla syang nagising. Bumangon sya at kumuha ng tubig sa ref para mahimasmasan sya.
Iniisip pa din nya kung sino ang babae na laging nagpapakita sa kanyang panaginip. Napailing na lamang sya at bumalik na ulit sa higaan para matulog.
Tinignan nya ang oras sa kanyang tabi at 4 o'clock ng madaling araw. Lagi nalang syang may napapanaginipan na eksena. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga ito sa kanya?
Sino ang babae na lagi nyang kasama sa kanyang panaginip?
Ano ang koneksyon nito sa kanyang buhay?
Maraming tanong ngayon ang naiisip nya. Hindi nya alam kung sino ang makakasagot. Bumangon na lamang sya dahil hindi na sya makatulog dahil sa panaginip na 'yon.
Nagtimpla na lamang sya ng kape at umupo sa dining table. Kinuha nya ang phone sa ibabaw ng table at nag browse.
Meron syang notification na 300 plus and may friend resquest syang isa kaya tin-up nya 'yon at nakita nyang si kate ang nag add sa kanya. Tinignan nya ang mga photos nito at tumambad sa kanya ang mga larawan.
Wala namang masama kung titignan nya ang mga photos nito kaya nag scroll sya hanggang sa may mahagip syang larawan na ikinagulat nya.
Dalawang tao na magkayakap at ang sweet nila sa isa't isa. Tinignan nya ang date kung kailan ito.
'march 15,2***'.
Sino ka nga ba talaga Kate Mendez? Bakit may ganito kang larawan? Napahawak sya sa kanyang ulo kaya minabuti na lang nyang isara ang acc nya dahil may pupuntahan pa syang meeting mamayang 10 o'clock.
Hindi na ulit sumagi sa kanyang isipan ang mga nakita nyang mga larawan dahil naging busy na ito sa trabaho.
Matagal-tagal pa bago matapis ang ginagawa nilang proyekto. Isa itong lesbian story.