Hinatid ako ni Kuya sa aking silid kung saan ako papasok. Pagkatapos ka agad na itong umalis at walang sinabi sa akin, hinatid lang talaga ako . diko korin alam kung ano bang tamatakbo sa isip ni Kuya at bakit biglang ganoon ang trato nito sa akin.
Kaya pakiramdam ko'y ako lahat ang kumain ng hiya dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante kanina.
Pinakilala ako ng guro namin kanina bago nagsimula ang klase namin. Pinagtitinginan man ako ng mga estudyante kanina, nawala na iyon dahil sa pagtuturo ng aming guro, ramdam ko ang mapagtanong nilang tingin sa akin. Pakiramdam ko kasi sikat si Kuya dito dahil habang patungo kami ni Kuya sa magiging silid ko, lahat ng estudyanteng babae at binabae ay nagpapatingin at puno ng paghanga. Hindi sa akin kundi kay Kuya, o baka agaw-pansin lang talaga si Kuya dahil ang mga Guerrero ang may-ari ng paaralan na ito.
Pagkatapos ng aming klase, agad kong niligpit ang aking mga gamit bago tumayo.
"Hi," bigla akong napatigil sa aking paghakbang ng may biglang magsalita sa aking harapan. Babae ito, nakangiting nakatingin sa akin, napakacute nitong tingnan dahil medyo chubby ang katawan .
"H-hi," mahinang bati ko rin dito.
"Pupunta ka ba sa canteen, sabay na tayo?" masiglang aya nito sa akin na kinatuwa ng kalooban ko, hindi ko akalain na may mag-aaya sa akin sa unang pasok ko palang. Nakakagaan ng loob, pakiramdam ko'y welcome na welcome ako sa paaralan na ito.
"S-sige," utal ko pa rin ang sagot dito, di lang siguro ako sanay na may ganito sa akin kaya palagi akong nauutal.
Nauna itong maglakad bago ako sumunod. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ba ang canteen nila rito, sumunod lang ako rito hanggang sa makarating na kami sa canteen na sinasabi nito. Hindi masyadong ganun ka dami ang tao dahil magkaiba naman ang canteen ng high school at elementarya, kaya hindi masyadong masikip kung mag-oorder ka ng pagkain.
"Upo ka na jan, ako na ang kukuha ng pagkain natin," usal nito na aking kinatango bago ako umupo sa bakanteng upuan. Hindi ko pa alam ang pangalan nito ngunit magaan na ang loob ko dito.
Madali lang itong nakabalik at may dala ng dalawang sandwich at dairy milk, abot-tenga pa ang ngiti nitong naglalakad patungo sa akin bago umupo.
"Tig-iisa tayo nito," wika nito pagkatapos ilapag sa aking harapan ang dala nitong sandwich at dairy milk.
"Ay, hindi pala tayo magkakilala, ako nga pala si Chasie," maligayang pakilala nito sa akin. Ako naman ay napangiti na rin, nakakahawa ang masyadong pagkamasiyahin nito.
"Jimely," maikli kong sagot dito.
"Gandang pangalan, Jimely. Pwede ba akong magtanong?" usal nanaman nito sa akin habang ngumunguya. Tumango pa rin ako dito bilang sagot.
"Kaano-ano mo ba ang mga Guerrero at bakit ganon ang trato ni Zyro Guerrero sa iyo?" tila na-curious nitong tanong sa akin na ikinatigil ko sa pagkain. Hindi ko alam ang sasabihin, hindi naman siguro ako nito pag tatawanan diba ?. kung sasabihin ko na inampon lang ako.
"Ay nako, wag mo nang sagutin, kain ka na lang," parang sumosukong aniya nito Kaya napayuko na lang ako. Nainis ko ba ito dahil hindi ko masagot ang tanong nito.
"P-pasensya na," nakayuko kong sagot dito.
"Hoy, ano ka ba!, okay lang, nagtanong lang naman ako. Kung hindi mo kayang sagutin, walang problema. Basta friends na tayo, ah," napatingin ako rito dahil sa sinabi nito, parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa wika nito.
"Sige," ngiting sagot ko dito. Nagpatuloy kami sa pagkain ni Chasie. Maraming kaming pinag-usapan katulad ng kung ano ang mga paborito naming bagay, kainin at kulay. Sobrang napaka-maligalig nitong kausap kaya bigla nawala ang pagka-ilang ko dito.
Napakunot naman ang aking noo nang biglang mamula ang pisngi ni Chasie habang nakatingin sa aking likuran.
"Chasie, okay ka lang?" tanong ko dito ng mas lalo pang pumula ang pisngi nito ,para atang nag mistulang kamatis ang pisngi nito dahil sa sobrang pula.
"Ayan na siya," nagulat ako bigla, dahil sa pagtili nito, ngunit hindi naman malakas ang pagkakatali. Pakiramdam ko'y pinipigilan nitong ang mapa-sigaw. Hindi ko na ito pansin at tiningnan ko na lang ang tinuturo niya sa aking likuran.
Nang tumingin nga ako sa Kong saan ito nakatingin, wala naman pinagbago. Makikita ko pa rin ang mga estudyanteng kumakain, maliban nalang sa lalaking paparating sa aming gawi ngayon. Nakangiti ito habang naglalakad, may itsura ito kaya hindi nakakapagtakang agaw-pansin ito sa mga kumakain rito.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit tumili si Chasie. May gusto ata ito sa lalaking paparating sa aming gawi.
Pero masyadong bata pa si Chasie, at alam ko na sa kabilang building ang lalaking ito nag-aaral, iba kasi ang uniporme nito katulad lang sa sino soot kanina ni Kuya at Ate.
Kong ganon, anong ginagawa nito dito? Hindi rin pwedeng kakain din ito dito, dahil ang alam ko may canteen naman sa high school kung saan building ito nag aral.
"Ang gwapo, alam mo bang crush ko yan, Jimely," napatakip pa si Chasie sa kanyang mukha habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Crush?" nagtataka kong tanong dito. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Ni minsan hindi ko naririnig ang salitang crush sa kaklase ko noon. Pagkatapos kasi ng klase
agad na akong pinapauwi kaya minsan wala na akong panahon para humanap ng kaibigan. Hanggang sa pina-home school na lang ako ni Mommy para may tagalinis daw sa bahay.
"Hindi mo iyon alam?" parang nagulat nitong tanong sa akin, kaya nahihiya akong tumango.
"Crush, ibig sabihin nagugustuhan mo ang isang tao," paliwanag nito sa akin.
"Diba hindi pa tayo pwede magkagusto dahil mga bata pa tayo?" curious kong tanong dito, dahilan ng pagbuntong-hininga nito.
Tama naman seguro diba?..,iyon Kasi ang aking naririnig sa ibang tao, hindi pa dapat daw umiibig ang Isang tulad naming mga bata dahil Wala pa kaming alam pag dating sa pag ibig
"Ang ibig kong sabihin humanga kalang sa Isang tao jimely, o may nagustuhan ka lang sa kanya, katulad ng gusto mo lang siya dahil gwapo siya o dahil mabait ganon," paliwanag pa nito ulit sa akin na aking kinatango tango. Kung ganon, ang Ibig sabehin crush ko si Kuya dahil naggugwapuhan ako dito... diko tuloy alam Kong tama ba ang aking iniisip.
Nawala ako bigla sa malalim na pag-iisip ng may magsalita sa aking gilid.
"Hi, kayo lang ba dito?" napagtanto kong ang lalaki palang nagugustuhan ni Chasie ang nagsalita.
"H-hi kuya ,Oo, keme leng dite " bigla akong napatingin nang deretso kay Chasie dahil sa biglang pagliit ng boses nito, bahagya panitong dahan dahan pinasada ang daliri sa tinga sabay ayos ng maiksi nitong buhok.
Napano ito ?., ganito ba ang epekto kung nagkakagusto ka sa Isang tao, minsan nauutal at lumiliit ang boses.
"Eneng genigiwe mo dite kuye" pakiramdam ko'y nangingiwi na ang bibig ni Chasie, para na kasing nahihirapan itong magsalita.
"Pinuntahan ko lang saglit ang kapatid ko dito," sagot ng lalaki sabay ngiti kaya hindi nakatakas saakin Kong papano ni chasie kinagat ang pang ibabang labi nito . Nakatayo ang lalaki sa harapan namin ni Chasie, kaya klaro ang katangkaran nito, pero mas matangkad pa rin si Kuya kumpara dito.
"Bago kalang dito?" bigla akong napatingin sa lalaking nagsalita, dahil alam kong para sa akin ang tanong na iyon, ako lang naman ang bago rito at sa akin din ito nakatingin.
"Oo," mahinang sagot ko rito kaya naman tumango ito.
"Pwede ba akong umupo sa tabi mo?" bigla akong nagulat dahil sa sinabi nito, kaya napatingin rin ako kay Chasie na hanggang ngayon ay mumula pa rin ang mukha. Bahagya itong tumango naparabang pinapahiwatig na dapat akong pumayag ,kaya tumango na rin ako sa lalaki.
"I'm Blue," bigla pang ng lahad ng kamay ang lalaki saakin bago ito umopo saaking tabi, nabigla man ako . Sa huli, tinanggap ko pa rin ang pakikipag kamayan ng nagpakilalang blue, namangha rin ako dahil sa pangalan nito.