chapter seven

1426 Words
Ngayon ang araw na papasok ako sa paaralan, medyo may kaba akong nararamdaman dahil iba't ibang estudyante nanaman ang aking makakasalamuha pero may kaunti parin naman sa aking nai-excite. After our encounter with Kuya last night, I immediately went to sleep even though it's hard to erase what he said from my mind. I also wonder if there's something wrong with how I talk to other people, especially with Carlos. Di kaya galit si Kuya kay Carlos. Kahit ano mang dahilan, hindi na iyon importante. Ayaw kong magtanong kay Kuya baka magalit nanaman ito at mas lalong ayaw kong makipagtalo dito. Hindi na ako nag-suot ng uniform dahil unang pasok ko palang naman, bukas na lang siguro, nag-suot nalamang ng ako ng simpleng dress na pinarisan ko ng puting sneakers, pinonityle ko rin ang aking buhok bago ko nilagay sa aking likod ang aking pink na bag. Nang makita ko na ang aking sarili na maayos, hindi ko mapigilang di sumilay ang ngiti sa aking labi. Ngayon ko lang makita ang aking sarili na ganito, nakakapanibago at nakakatuwa. "Jimely, handa ka na ba?" Napatingin ako sa pintuan ng magsalita si ate ngunit hindi pa rin naman ito nakapasok ng tuluyan. "Oo, ate, pasok ka." Nahihiya kong sagot dito kaya naman naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at iniluwa doon si ate na naka-suot ng kompleto nitong uniforme, nakangiti itong nakatingin sa akin na para bang namamangha. "Mukhang ready ka na nga," aniya ni ate na aking kinangiti ngunit nagtaka ako nang pumunta si ate sa aking gawi at may nilagay sa aking ulo kaya bigla na lang akong napasilip sa salamin , napagtanto ko na isang rebon pala na sigpit ang nilagay nito sa aking buhok. "Yan, mas lalo kang gumanda. Halika na," nakangiting aniya nito na kinapula ang aking pisngi. Hindi na lamang ako nagsalita at tumango na lang. Paglabas namin ni ate sa aking silid, naroon naghihintay si mama at papa. May ngiti sa labi si mama, pwera lang kay papa na seryoso ang anyo ngunit nakikita ko sa mga mata nito ang galak. "Naku, ang gaganda n'yo namang dalawa," natutuwang bati sa amin ni mama habang papalapit kami dito. Ako naman ay hindi magkamayaw sa pamomola ang aking pisngi dahil sa hiya. "Son, ikaw na bahala sa kapatid mo," biglang bilin ni papa. Napagtanto ko na nasa hamba na pala ng pintuan si kuya. Subrang napakaingat kong gumalaw si Kuya kaya hindi ko namamalayan ang presensiya nito. Napakagwapo nito sa suot nitong puting uniform, nakabukas ang dalawang butones ngunit nakikita ko naman ang puting t-shirt doon. Subrang linis nitong tingnan at nakasabit din ang bag nito sa isa nitong braso, mas lalo pang dumagdag sa karisma nito ang dalawang hikaw sa tenga. Mabuti pa ito, may hikaw samantalang ako kahit isa wala. Walang bahid ba imosyon itong nakatingin sa amin at nakahalukipkip, tila naiinip kaming hinihintay. Iwan ko ba pero pakiramdam ko ako ang tinutukoy ni Mr. Guerrero o feeling lang talaga ako. Wala akong narinig na kahit anong sagot ni Kuya, basta nakita ko na lang itong tumango pagkatapos umalis. "Ma, pa, aalis na kami," paalam ni ate kay Mrs. at Mr. Guerrero, bago pa man kami makaalis ng tuluyan hinalikan muna kami ni mama sa noo. "Good luck, anak," nakangiting aniya ni mama sa akin. Kaya naman napatango ako bago kami umalis ng tuluyan. Nang makalabas na kami ng mansion ng mga Guerrero, nakita ko si Kuya sa sasakyan. Seryoso itong nakatingin sa akin habang papalapit kami sa garahe kung saan ang sasakyan mag hahatid sa amin. Hindi ko na lamang pinansin ang mga malamig nitong tingin at umiwas na lang. Nais kong masanay sa trato nito sa akin nang saganon hindi ako masyadong matakot dito. Pinagbuksan ako ni Mamang Driver ng pintuan kaya agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan, ngunit gayon na lang ang aking pagkabog ng dibdib ng mapagtanto kong katabi ko pala si Kuya. Nawala kasi sa aking isip na sa backseat pala ito nakaupo. Napatingin naman ako kay ate na masayang nakaupo sa front seat. Gusto kong makipag-usap kay ate na sana siya na lang dito para magkatabi sila ni Kuya, ngunit hindi ko naman magawa dahil ayaw kong isipin ni Kuya na ayaw ko itong katabi kaya titiisin ko na lang ang presensiya nito. Hindi ko mapigilang mapasulyap kay Kuya na nakatingin sa bintana, mas lalong nakikita ang katangosan ng ilong nito habang naka-side view, kumikinang din ang mapupula nitong labi. "Don't stare at me," bigla akong napaiwas dahil sa biglang pagsasalita ni Kuya. Alam kong ako ang tinutukoy nito, sino pa ba ang tumitingin dito. "Kuya, don't be rude at Jimely," pagtatanggol ni ate sa akin ngunit hindi pa rin iyon tumalab kay Kuya dahil inirapan lang naman ito bago matalim na tumingin sa akin, dahilan ng aking pagyuko. Nais kong kastiguhin ang sarili ko kung bakit kasi ako tumitig kay Kuya, baka mali nanaman ito para sa kanya. "Sorry," mahinang sagot ko. Nakayuko lamang ako hanggang sa makarating kami sa aming paaralan. Nangangamba sana akong bumaba pero nakita kong pinagbuksan ako ni ate kaya agaran na akong lumabas sa sasakyan. Unang apak ko palang sa paaralan ng mga Guerrero, kakaibang atmospera na ang aking nararamdaman kaysa sa pinapasukan ko noon. O di kaya nababagohan lang talaga ako dahil public iyon at private ang magiging paaralan ko ngayon....siguro iyon nga. "Go to your school , Zyra," biglang imik ni Kuya kay ate. Ibig bang sabihin nito ako lang ang mag-isang hahanap sa magiging classroom ko. Pareho kami ng paaralan nila Kuya at ate ngunit nasa kabilang building pa sila dahil high school sila samantalang elementarya palang ako. "okay, Jimely, si Kuya na ang maghahatid sa'yo" nakangiting paalam ni ate sa akin na aking kinagulat. Pero naalala ko ang binilin ni papa kanina kay Kuya, diko akalain para sa akin pala iyon. Gusto ko man na si ate na lamang ang kasama ko ngunit sino ba naman ako para mag-demand. "Kuya, please don't be rude, at Jimely," bilin sana ni ate kay Kuya ngunit walang sinagot si Kuya at basta na lamang itong umalis. "Sungit talaga, sige na Jimely, sumunod ka na kay Kuya baka iwan ka pa," wika sa akin ni ate kaya wala na akong nagawa at napasunod na lamang kay Kuya. Tama naman ito, baka kung hindi ako susunod kay Kuya ay baka mawala ako ,malaki rin Kasi ang campus . Ang hirap sundan ni Kuya dahil ang bilis nitong maglakad kahit hindi naman masyadong malaking tao. Minsan nga napapatakbo lakad na lang ako dahil sa sobrang bilis nito. Hindi rin nakakapagtaka dahil mas malaki ang biyas nito kumpara sa akin na parang lakad ng isang bata. "Aray," bigla akong napadaing nang mabunggo ang aking noo ng isang bagay. Hindi pala isang bagay.... dahil likod iyon ni Kuya, gayon ko pa lang nalaman na huminto pala ito sa paglalakad. Sobrang sakit ng aking noo, pakiramdam ko'y nabangga ito sa pader. Hindi naman rin nakakagulat dahil sobrang liit ko talagang babae, kompara kay Kuya. "Bakit ka tumatakbo?" seryoso nitong tanong sa akin kaya napa-tingala ako upang matignan ito sa mata. "K-kasi a-ang bilis mong maglakad," nauutal kong sagot rito. Sana naman wag nitong isipin na sinisisi ko ito sa aking pagkabunggo. Wala itong naging sagot at basta na lang ako tiningnan kaya naman napakagat ako sa aking labi dahil sa tensyon, nakakailang itong kong tumitig, diko mahulaan kung anong iniisip nito. Hindi ko nga mapigilan sumigaw ng bigla ako nitong binuhat. Kakaiba ang pamamaraan ng pagbuhat nito, para akong sanggol, nakahawak ang isang kamay nito sa aking pang-upo upang hindi ako mahulog, ang isa naman nitong kamay ay naroon sa aking likod upang sumuporta mula sa pagkakabuhat nito sa akin. Nagpumiglas ako ngunit tila manika lang ako sa pagkakabuhat nito. "K-Kuya, a-anong ginagawa mo?" may pagtatakang tanong ko dito. "It's not obvious, binubuhat ka. Nahihirapan kang sundan ako, diba?" simpleng sagot nito bago ito naglakad na parang walang binubuhat. Alam kong nahihirapan akong sundan ito ngunit hindi kailangan ganito. "K-Kuya, i-ibaba mo a-ako," apila ko dito, naghalo ang aking nararamdaman hiya at takot. Nahihiya ako dahil pinagtitinginan kami ng lahat at natatakot ako dahil biglang humigpit ang pagkakabuhat ni Kuya sa akin na parang di nito nagustuhan ang aking sinabi, kahit wala naman talaga. Nais ko lang naman magpababa dito. "Sinusuway mo ba ako, Jimely?" mas dumoble pa ang kaseryosohan ng boses nito na mas lalong nagpatakot sa akin. Wala nanga akong nagawa at umiling na lang bago ko ipinuslit ang maliit kong mukha sa leeg nito upang magtago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD