Nagsimula na ang celebration sa kaarawan nina kuya at ate. Sa totoo lang, gusto ko nang pumunta ngayon sa aking silid para mag pahinga.
Nakakahiya dito sa baba dahil pinagtitinginan ako ng mga bisita nila mama. Pakiramdam ko, sa mga tingin nila may halong panghuhusga. Hindi naman lahat, ngunit alam ko na may pagtataka rin ang iba kung sino ako at bakit ako narito. Pati rin ang mga kaklase nila ate nakatingin din sa akin.
Kanina pa talaga ako nangangatal na umalis ngunit ayaw kong maging bastos Kay mama. Ayaw kong masira ang aking imahe sa mga Guerrero.
Nakaupo lang ako dito sa tabi habang nakatingin sa mga bisita ng mga Guerrero na nag-uusap.
"Bored?" bigla naman akong napatingin sa aking tabi nang may biglang magsalita.
Isa itong lalaki na sa tingin ko kaedaran lang ni Kuya dahil pareho sila ng taas. Masasabi kong may itsura ito pero mas gwapo si Kuya. Hindi ko rin malaman kung bakit bigla ko itong nakumpara kay Kuya.
"Hindi naman," mahinang sagot ko dito. Tumango lang siya, kahit hindi naman ito seryoso kong tumingin sa akin, hindi parin ito nakakatakot . Hindi katulad ni Kuya, isang tingin molang parang may malaki kanang kasalanan.
"Can I sit here?" aniya nito sa akin.
"Sige," sagot ko naman bago ito umupo sa tabi ko ngunit hindi naman gaano ka dikit.
"Jemily, right?" tanong nito tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung tatanongin korin ba ito sa kanyang pangalan.
"Are you adopted?" tanong nito ulit sa akin na aking kinatigil. Hindi ba halata o sadyang hindi ito malapit sa mga Guerrero? Tango parin ang naging sagot ko dito.
"Madaldal ka pala, no?" biglang aniya nito na kinagulat ko pero kalaunan napangiwi na lamang ako , Iwan koba Kong pang sarkastiko ba ang sinabe nito ngonit ang tunog naman ay pabiro, kanina pa kasi ito nag sasalita samantalang tango lang ang aking sinasagot ,nakakahiya baka palihim na ako itong pinagtatawan dahil sa ampon ako, ngonit diko naman gusto maging ampon dahil may totoong magulang naman ako .
Pero ito,...ang magulang ko mismo ang naglagay sa sitwasyon ko ngayon.
"Pasensya na," nahihiyang paumanhin ko dito. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung paano makipaghalubilo sa ibang tao. Hindi ko alam kasi wala naman akong kaibigan at wala namang gustong lumapit sa akin noong nag-aaral pa ako. Ngayon lang talaga na parang may gustong kumausap sa akin.
"Just kidding, napapansin ko kasi hindi ka komportable talaga kong makipag-usap sa ibang tao," sabi niya sa akin.
Napapansin pala niya, sabagay, sino bang hindi kung parang pipi ako dito.
"Hindi naman sa ganon," nakayuko pa rin ako.
"Ano pangalan mo?" lakas loob kong tanong para magkaroon ng kabuluhan ang aming usapan.
Hindi naman seguro patas diba..Kong alam nito ang pangalan ko ngonit hindi ko alam ang pangalan nito.
"Sa wakas, itinanong mo rin. I'm Carlos," nakangiting sagot nito sa akin na kinamangha ko. Lumabas kasi ang biloy nito sa pisngi.
"Wag kang mag-alala, I'm harmless," sabi nito sa akin para bang pinapanatag ang loob ko upang maging komportable ako dito. Hindi naman talaga ito mapanakit kung titignan kaya hindi ko masasabi na hindi ako komportable dito. Nababagohan lang talaga ako.
"Hindi naman ganon ang tingin ko sa'yo, Carlos. Kaibigan mo ba ang kuya ko?" tanong ko sa dito. Gusto ko lang itanong kung may kaibigan ba si Kuya, curious lang ako.
"You mean Zyro? We just know each other but we are not friends," deretsong sagot nito sa akin. Kalmado lang talaga itong magsalita kaya hindi nahirap pakisamahan.
"Narito lang talaga ako dahil sa parents ko" dugtong pa nito. Pareho sila ni Kuya, parang nakakatanda kong makipag-usap pero hindi pareho ng ugali.
Mga kalahating oras din bago kami natapos mag-usap ni Carlos. Gusto ko itong tawagin na "Kuya Carlos" bilang paggalang dahil kompermado ko na mas nakakatanda siya sa akin ngunit pareho sila ni Kuya Zyro ,ayaw nilang magpatawag na kuya kahit wala naman akong nakikitang mali.
Nakakatuwa rin si Carlos, nagkekwento ito sa akin ngunit hindi naman gaano karami. Tila pinapakilala lang nito ang kanyang sarili.
Kailangan rin talaga matapos ang aming usapan dahil tinawag na ako ni mama upang ipakilala sa mga bisita niya. Kahit nakakahiya, pumunta pa rin ako. Wala naman akong nakikitang panghuhusga sa mga mata ng bisitang pinakilala ni mama pakiramdam Kolang talaga iyon kanina pero hindi naman Pala ako hinushusgahan nila . Sa halip, natutuwa pa sila sa akin at pinupuri ako.
"Ang gandang bata nito," puri pa sa akin ng matandang bisita ni mama na aking kinangiti . Ang sarap purihin, ramdam ko ang kanilang pagkatotoo.
"Salamat po," nahihiyang pasalamat ko sa ginang kaya ngumiti ito sa akin bago nagpaalam dahil uuwi na sila.
Hindi ko nakita si ate, nais ko itong hanapin ngunit nahihiya akong gumalaw o maglakad para hagilapin ito. Pakiramdam ko kasi sa bawat galaw ko may nakamasid sa akin.
Parang kakaiba, ngunit hindi ko alam kung sino. Kaya nanatili na lang ako sa iisang pwesto maliban na lang kung tinatawag ako ni mama. Si Kuya naman ay ganoon rin, hindi ko ito nakita simula ng tagpo namin kanina.
pero pakiramdam ko'y nakamasid ito sa akin, ngunit nakakapagtaka naman kung gagawin iyon ni Kuya, dahil ayaw naman nito sa akin, pwera na lang kung hinahanapan ako nito ng palya para mapalayas ako sa bahay nila.
Ngunit nag-usap naman kami, malinaw ang kanyang sinabi na tatanggapin niya ako basta't sundin ko lamang ang kanyang utos.
Hindi pa talaga tuluyang natapos ang celebration nina kuya at ate. Naisip ko nang magpaalam kay mama para magpahinga. Wala kasi akong masyadong ginagawa at panay nood lang sa mga bisitang dahan-dahang umaalis.
Nang matapos na akong magpaalam kay mama, agad na pumunta ako sa aking silid.
Binuksan ko agad ang aking silid nang makapasok ako. Binuksan ko rin ang ilaw pagkatapos pumunta ako sa banyo upang maglinis ng aking katawan. Nagbihis na agad ako ng pangtulog ngunit hindi pa lamang ako makapunta sa kama. Napatalon ako sa gulat ng makita ko si Kuya na nakaupo sa bandang kama habang may hawak na hindi ko alam kung ano.
Seryoso itong nakatingin sa akin, ramdam ko ang bigat at talim ng tingin nito sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan...
ganito naman ito palagi
"K-kuya?" kinakabahan kong aniya nito kahit hindi ko naman alam kung bakit ako kinakabahan.
Tumayo ito habang pinapanatili ang tingin sa akin, maging ang dilim ng awra nito hindi pa rin nagbabago.
"Nag-e-enjoy ka bang kausap ang lalaking 'yon?" mariing tanong nito sa akin, ngunit nagtaka ako kung sino ba ang tinutukoy nito,
pero si Carlos agad ang aking naiisip dahil Wala naman akong Ibang naka usap na lalaki kanina kondi si carlos lang.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sinungaling rin ako kung sasabihin ko na hindi ako masaya na kausap si Carlos.
"Do you know there is a punishment if I don't like what you do?" aniya naman nito, ngunit hindi dito nakatuon ang aking atensyon kundi sa hawak nitong sinturon.
"K-kuya, wala naman akong ginagawang mali," sagot ko dito habang nananatili pa rin sa aking kinatatayuan.
"Really, so I'm the one who's wrong?" mariing saad nito sa akin na parang hindi nito nagustuhan ang aking sagot, kahit wala naman talaga akong nakikitang mali sa pakikipag-usap kay Carlos o kahit nino man.
"Tell me, ako ba ang mali?" umiling ako.
Sino nga ba?.. at saanong paraan ako naging mali.
"H-hindi naman kuya, pero wala namang mali kung makikipag-usap ako kay Carlos, o sa ibang tao" sagot ko dito habang nilalakasan ko talaga ang aking loob, napakabigat kasi ng presensya nito.
"You really remember his name'' ngising saad nito sa akin habang dahan-dahan lumalapit sa aking kinatatayuan.
may ngisi man sa mga labi nito ngonit kita ko naman ang galit nitong mata ,saan ba ito nagagaglit?. .
""I will be the one to say if what you are doing is wrong or not, at ang ginagawa mong pakikipag-usap sa ibang lalaki ay mali," kalmado ngunit nakakatakot ang pagkakasabi nito, pero palaisipan sa akin kung paano ba naging mali ang makipag-usap sa ibang tao lalo na't wala naman itong ginagawang masama.
"H-hindi ko alam," lumonok muna ako bago ako magsalita, pakiramdam ko kasi may nakabara na sa aking lalamunan.
Ayaw kong makipagtalo dito kaya mas mabuti pang sundin ko na lamang kung ano ang sasabihin nito. Ayaw kong mag-away kami ni kuya. baka hindi ko na matuloy ang pakay ko dito.
Ang mainit nitong paningin sa akin hindi pa rin nagbabago kaya mas lalo pa akong napalunok.
"Kung magkakamali ka pa, I will beat your pretty little ass until it turns red ,gamit ang senturon nato."