chapter ten

1298 Words
five years later ______ "M-mom," gulat kong aniya nang makita ko si mommy, nakakapagtaka kong ano ang ginawa nito dito sa mall, ang totoo nagpapakita rin si mommy saakin kahapon habang nagce-celebrate ako ng aking kaarawan. Oo, kaarawan ko kahapon, and I'm fifteen years old now, sinabi ko lang kina mama kung ilan taon na ako, ngonit nagkunwari lang rin ako na hindi ko alam Kong kailan ang aking kaarawan kaya ang naging batayan nalang sa aking kaarawan ay nang dumating ako sa kanila. Sa pagdaan ng ilang taon, unti-unti narin nagpapakita si mommy at iyon ang kinakatakot ko, dahil alam ko kung anong ibig sabihin nito, ayaw kong lokohin at saktan sina mama. Wala silang ginawa kundi ipadama lang ang pagmamahal nila saakin, pero mahal ko rin si mommy. "Anak, hindi mo naman nakakalimutan kung anong pakay mo sa mga Guerrero, diba," that's it, palaging pinapaalala ni mommy kung ano unang intensyon ko sa mga Guerrero. Minsan umiiyak pa ito kung magpakita saakin at sobrang nasasaktan ako mahal na mahal ko si mommy . I almost cry noong palagi na niya akong tinatawag na anak, na mahal niya ako pero hindi ko alam Kong totoo nga ba iyon. "B-but mo—," hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ito muli. "Do you love me anak? kung hindi sige aalis na ako hindi mo ako makikita kahit kailan, gusto mo ba yo?" bigla akong natakot sa sinabi niya, parang pag-iisipin kong mawawala si mommy pakiramdam ko'y hindi ko kakayanin. "N-no, mom, please don't leave, h-hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sayo," nag-aalangan man akong sabehin iyon pero wala akong magawa, masyadong ko itong mahal . May mga anak man na pinapabayaan at hindi minahal ang kanilang mga magulang pero hindi ako kabilang doon. Masyado kong pinapahalagahan si mommy at gagawin ko kung anong man ang gusto nito. 'Yon nga lang, ako ang maiipit sa huli. "Thank you, anak, lagi mong tatandaan, mahal ka ni mommy, okay, kaya ipaghiganti mo si mommy, sirain mo ang pamilya nila," nakangiti at malambing nitong anas saakin. Ako naman, tumango nalamang at ngumiti, sinisigurado ko talaga na hindi mangiwi ang aking ngiti ang hirap kasing sumagot. Gaano ba kalaki ang kasalanan ng mga Guerrero kay mommy, kung sinabi niya noon na inagaw ni mama ang dapat para sa kanya. Papaano ?..hindi ko nakita sa mukha at ugali ni mama ang mang-agaw ng hindi naman sa kanya. Hindi rin nagtagal ang aming pag-uusap ni mommy dahil agad na itong umalis. Nandito pala kami sa mall, nag-aya kasi si ate Zyra na mag-shopping daw kami, kaya pumayag narin ako dahil minsan lang din itong magyaya saakin. "Jimely sino 'yon," nagulat ako sa biglang bumongad si ate sa aking harapan , napagtanto narito na pala ito, busy kasi ito kanina sa pamimili ng mga sapatos. Sa kabila ng aking gulat, may kaba rin akong nararamdaman. Nakita kami ni ate, sana naman hindi nito narinig ang pinag-uusapan namin ni mommy. "A w-wala ate nagtatanong lang 'yon," pilit akong ngumiti dito para maitago ang aking kaba. "Ganon ba, halika na mamili tayo ng sa'yo," aniya nito sabay hawak ng kamay ko, kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Masaya ang paninirahan ko sa mansion ng mga Guerrero. Kay Kuya Zyro naman, hanggang ngayon, ganon parin ang ugali nito hindi ko mabasa basa ang tumatakbo sa isip ni Kuya pakiramdam ko'y pinag lalaruan ako nito ,pag may nagawa akong bagay na hindi ka aya aya sa paningin nito pinapalo ako , kaya Wala rin akong nagawa at masanay nalamang. "Ito Jimely bagay sa 'yo," masiglang sabi ni ate saakin habang pinakita nito ang pink na damit. Maganda nga nakakasilaw ang ganda at alam kong ganon rin ang presyo, pero wala doon ang atensyon ko kundi sa maari kong gawin kay ate. "Jimely ayos ka lang?" may pag-aalala tanong saakin ni ate, tumango lang ako dito at tipid na ngumiti. "Ate, cr lang ako saglit." "Sige, maghihintay ako dito," nakangiting sagot nito saakin at agad na bumalik sa pamimili ng mga damit na sa tingin ko para saakin. Umalis na agad ako at pumunta sa restroom, pero ang totoo, kaya ako pumunta doon dahil nakita ko ang dating close friends ni ate. Nagkasira sila dahil sa akin, siniraan ko si ate sa kanila kaya galit na galit sila kay ate ngayon. Pumasok ako sa loob, kunwari nagulat pa ako ng makita ko sila para hindi halata na sinusundan ko lang naman talaga ang mga ito. "You're here, kasama mo ba ang ate mong plastic?" mataray na tanong ng babae habang naglalagay ito ng kuleriti sa mukha. Ako naman ay tumango bilang sagot dito. "Akala ko totoo siya, plastic pala," saad naman ng isa pang babae na kaibigan rin ni ate noon. Noong hindi na pinapansin si ate ng kanyang mga kaibigan, nakita ko ang lungkot sa mga mata ni ate. Nalungkot rin naman ako, pero ako ang may kasalanan. "Ang kapal niya pa, para agawin ang jowa ko," ramdam ko ang panggagalaiti ng isa pang babae, tanda ko ito ang pinaka-maldita sa tatlong kaibigan ni ate zyra, Mari ang pangalan nito , naakita ko na ito na nakikipag-away, maluho at spoiled brat. mayaman rin kasi sila, hindi katulad ni ate. mayaman ngunit hindi spoiled. Wala na silang naging usapan at basta na lang umalis. Galit sila kay ate kaya alam kong doon sila pupunta. Inaway rin kasi nila si ate noon dahil nanaman sa paninira ko sa imahe ni ate sa kanila. Sinasaktan si ate ng kanyang mga kaibigan noon pero hindi ako tumulong at pinapanood lang ito na pinapahiya ng mga dati niyang kaibigan. Pasalamat na lang ako at hindi nagsumbong si ate kina mama at papa. Ayaw nitong magsumbong dahil ayaw nitong lumaki ang gulo at isa pa ayaw nitong masabihan na porket anak ito ng mga Guerrero ito na agad ang tama. Bago ako umalis sa restroom, pinagmasdan ko muna ang aking sarili sa salamin. Darating din ang araw na ang sarili ko mismo ang kamumuhian ko, sarili ko mismo ang isusumpa ko ,ngunit sa kabila noon tatanggapin ko dahil masama ako. pagkatapos Kong pagmasdan ang aking sarili naisipan konang lumabas sa restroom at pumunta sa mga taong nagkukumpulan. "You b***h, ipapahiya kita!" pamilyar sa akin ang boses na sumisigaw. "Bitawan nyo ako!" sigaw ni ate dahil hinawakan ito ng dalawang babae kanina sa restroom, sinubukan sana nitong kumawala sa pagkakahawak ngunit dalawang tao ang humawak dito. Hindi ako lumapit sa kanila at tinignan lang ang eksena kung paano sinampal si ate ni Mari ang pinaka-close nitong kaibigan, tanda ko pa kung paano sila nagtatawanan noon, pero look at now halos ipahiya na ni Mari si ate dahil sa paninira ko. "Akala ko totoo ka, plastic ka pala!" sigaw na naman ni Mari kay ate, halos lahat ng tao hindi magkanda umayaw sa pag-aawat sa kanila, ngunit kita ko kay Mari na wala itong pakialam kahit nakakagawa pa ito ng skandalo. "Wala akong alam sa pinagsasabi mo, kaya bitawan nyo ko!" sigaw na naman ni ate pabalik kay Mari, hanggang sa nagawa na nitong makawala sa pagkakahawak sa dalawang kaibigan ni Mari. "Ma'am, tama na po iyan, baka makasuhan kayo," aniya ng guard. Mabuti na lang at nakinig si Mari at ang dalawang kasama nito. "Hindi pa tayo tapos, Zyra," huling sabi ni Mari kay ate bago ito umalis kasama ang dalawang humawak kanina Kay ate zyra. Si ate naman ay dahan-dahan nitong inaayos ang buhok na nagulo, kita ko pa ang pamumula ng pisngi nito dahil sa pagkakasampal. "Ate, anong nangyari?" nagkunwari akong nagtataka ,pero totoong nag-aalala ako dito at na konsensya. "W-wala, halikana, uwi na tayo," ramdam ko na pilit itong ngumingiti at bumuntong-hininga. Halos kabutihan ang pinapakita ni ate sa akin, tinuturing nya akong tunay na kapatid. Pero anong ginawa ko, napakasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD