Nagsisisi ako ngayon kung bakit ko dinamay si ate Zyra. Dapat sana ginawa ko lang sirain ang pamilya ng mga Guerrero hanggang sa maghirap sila. Pero bakit nagawa kong saktan si ate na dapat si mama at papa lang naman dapat? Kahit mag-sisi man ako, tapos na. Hindi naman pwede na umamin ako.
Nakikita ko talagang nalulungkot si ate, dahil alam kong magkaibigan si ate at Mari simula noong mga bata palang sila. Kaya hindi ko mapigilang magsisi sa aking ginawa.
"Girl, okay ka lang?" biglang naputol ang aking malalim na pag-iisip ng mag-salita si Ladylyn, kaibigan ko siya, wala nayon kaibigan ko noong elementary pa ako, pumunta na siya ng UK para doon magpatuloy sa pag-aaral. Ganun naman talaga, may tao talagang dadaan lang sa buhay mo at mawawala lang sila ka agad. Wala na rin akong balita doon.
"May iniisip lang ako," sagot ko rito. Narito kami sa canteen ni Ladylyn panay salita ito pero wala ako sa sarili ngayon kaya hindi ko ito napansin.
"Tungkol sa kuya mo?" tanong naman nito muli, kaya tumango ako. Hindi naman pwedeng sabihin ko talaga dito ang totoo.
"Diba ate mo 'yon?" turo nito sa bandang likod ko dahilan rin para lumingon ako , Si ate Zyra nga mag-isa lang ito na kumakain, mas lalo akong naawa rito.
Hindi ko namang pinansin ang sinabi ni Ladylyn at inaya nalang ito na bumalik sa classroom, baka mas Lalo akong makonsinsya,kaya naman agad na kaming pumunta , malapit na rin naman magsimula ang klase.
Hindi ko palaging nakikita si Kuya dito sa campus, palagay ko naroon lang siya palagi sa kanilang silid. Makikita ko lang talaga si Kuya kapag may event dito sa paaralan, pero ni minsan hindi naman ito tumitingin sa akin, parang umaasta ata si Kuya na hindi kami magka-kilala.
Nang makarating kami ni Ladylyn sa aming silid bigla akong nadapa ng may biglang pumatid sa akin. Tinignan ko naman kung sino iyon, si Bella ang palaging galit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama dito.
"Ow, sorry, Jimely," ganito naman ito lagi. Pero tulad ni ate, hindi rin ako nag-susumbong. Hindi naman kasi ako elementary o bata para mag-sumbong tuwing may umaway sa akin. Balak ko lang sirain ang pamilya ng mga Guerrero, hindi ang kunin ang papel ni ate sa pamilya nito.
"Ano bang problema mo Bella?" tanong ko dito ng makatayo na ako. Akala ko talaga sa mga pampublikong paaralan lang may mga bully, pero mas malala pala dito.
"Problema? Nagtanong ka pa. Ikaw lang naman problema ko!" maldita nitong sagot sa akin. Nakaka-irita lang minsan dahil wala naman akong ginagawang masama dito,pero bakit parang abut langit ang galit nito saakin.
"Tumigil ka nga, Bella. Wala namang ginawa si Jimely sa iyo," si Ladylyn ang sumagot rito.
"Shut up. Wag kang makisali rito," ang kaibigan rin ni Bella ang sumagot kay Ladylyn.
"Aba, walang hiy-" hindi na natapos sa pagsasalita si Ladylyn ng hinila ko na ito. Minsan napapasabak rin ako sa gulo dahil kay Ladylyn, subrang palaban kasi ng babaeng ito.
Sa subrang palaban kahit kunting gulo pinapatulan .
"Hayaan mo na sila," aniya ko rito, pero hindi pa kami tuluyang naka-alis. Ng bigla na lang may humila sa buhok ko, malakas ang pagkahila kaya halos mapapikit ako sa sakit.
"And where do you think you're going, b***h?" maslalo pang hinila ni Bella ang buhok ko. Kahit si Ladylyn nawala na sa pag-kakahawak ko.
"Aray! Tama na!" sigaw ko dahil sa sakit, pero hindi pa rin ito nagpatinag. Kaya wala akong nagawa at makipagsabunutan na lang dito.
Binigay ko ang buong lakas ko para hindi ako matalo ni Bella, halos hindi ako magkandamayaw sa pagsabunot kay Bella dahil palakas rin ng palakas ang paghila nito sa buhok ko.
"You b***h, ang lakas ng loob mo, ampon ka lang naman!" sigaw nito habang walang hinto ang aming sabunutan.
Palagi rin pinapamukha ni Bella sa akin na ampon lang ako, ngunit hindi na ako nasasaktan. Dahil wala akong dahilan para masaktan, siguro noong bata pa ako may kunting kirot akong nararamdaman pero ngayon wala na. Napagtanto kong palabas lang pala ang lahat ng ito lahat planado Kong bakit ako narito kaya hindi dapat ako masaktan.
"Wala kang pakialam kung ampon ako!" lakas-loob kong sigaw dito. Halatang spoiled brat ito, ayaw malamangan.
Biglang natigil ang aming sabunutan ng may humila sa akin. Ganun rin kay Bella, ayaw pa ata nitong humiwalay sa akin.
Napagtanto ko na ang president pala ng paaralan ang humawak sa akin. Mas lalo pang sumama ang tingin sa akin ni Bella ng makita nito Kong saan naka-hawak ang kamay ng president, nasa bewang ko. Sa tingin ko may gusto ata ito sa president kaya galit na galit ito sa akin dahil palagi akong pinapansin. Pero hindi ako lumalapit, baka makita ako ni Kuya, ayaw kong mapalo na naman.
Napatingin ako kay Ladylyn dahil buhaghag rin ang buhok nito, maging sa kaibigan ni Bella ganun rin, pero may kalmot na ito sa mukha.
"Jimely and Bella, pumunta kayo sa office ng principal," tinignan ako ng guro bago tumingin kay Bella na hanggang ngayon mainit pa rin ang tingin sa akin.
"At kayo rin dalawa," tukoy nito sa kaibigan ni Bella at kay Ladylyn na hanggang ngayon nag susukatan pa rin ng tingin.
Para akong nanigas at natutop sa aking kinatatayuan ng makita ko ang bulto ni Kuya, ngayon kulang nakita si Kuya simula ng umalis kami sa bahay ,bakit ito narito ?. Wala namang event na dapat nitong daluhan , nakakapanibago
Nakatingin ito sa akin ng madiin, nakasandal ito sa pader habang ang dalawang nitong braso naka kros sa dibdib nito, mas lalo akong kinabahan dahil panay tiim bagang ito. Napagtanto kong naroon parin pala ang kamay ng presidente sa aking bewang, kaya dali-dali akong lumayo.
Hindi ko alam kung saan ba ito galit, sa paghawak ba ng presidente sa akin o sa pakikipag-away ko.
"Jimely, okay ka lang?" tanong ng presidente, pero hindi ko ito magawang lingunin dahil naroon si Kuya, nakatingin lang sa akin.
Hindi lang si Kuya ang kinatakot ko ngayon, pati ang pagpunta ko sa principal's office. Paano kung ipapatawag si mama. Ayaw ko nang ganon kahit naman ganito may hiya parin ako at tiyaka mas uunahin paba ako ni mama kaysa sa mga triplets.
Pumunta na kami sa principal's office at pilit kong winawaksi si Kuya sa aking isipan ,dahil mas lalo akong matatakot at kakabahan, pero kahit anong gawin ko hindi pa rin. Nakapasok na kami sa principal's office, pero si Ladylyn at ang kaibigan ni Bella, ramdam ko pa rin ang sikuhan.
"So tell me, sinong nanguna sa inyo?" saad ng Principal Villamar, matanda na ito at may salamin na.
"Si Jimely po, bigla niya akong sinabunutan," umarti pang umiiyak si Bella. Akala ko sa pelikula lang may ganito sa totoong buhay rin pala.
"Hala, siya. Maraming nakakita kung papano mo sinaktan si Jimely, kaya wag kang mag-drama!" sigaw ni Ladylyn, kaya nahawakan ko ang kamay nito para patigilin.
"Tahimik, Miss Ladylyn," saad naman ng principal kaya tumahimik si Ladylyn.
"Ipapatawag ko ngayon ang mga magulang ninyo," muling aniya ng principal na mas lalong kinakabog ang dibdib ko.