"I'm sorry for the behavior of my sister, principal," paumanhin ni Kuya Zyro sa principal, kahit ilang beses ko nang sinabi na hindi ako ang unang nanggulo, pero hindi parin ito nakinig.
Naki-usap ako sa principal na sana wag nang tawagin sina mama , kaya si Kuya nalang ang pinatawag ng principal dahil nasa legal na edad naman daw si Kuya kaya ito nalang ang pinatawag para pumirma sa violation ko. Gusto ko sana si ate, pero hindi ko ito mahagilap kaya wala akong choice si Kuya nalang kaysa naman si mama o papa.
"It's okay, Mr. Zyro Guerrero," sagot ng principal namin. Wala na akong salitang makita para ipaliwanag ang side ko, narito rin kasi ang mga magulang ni Bella humingi narin sila ng tawad pero ma-e-expeled parin si bella sa paaralan, mabuti na rin para wala nang manggulo sa akin.
Pero bakit narinig na ni Kuya na si Bella talaga ang unang nanggulo, pakiramdam ko'y galit parin ito sa akin.
Pagkatapos mag-usap ni kuya at ng principal, umalis agad ito nang hindi manlang tumingin sa akin Kaya agad akong tumayo at lumabas ng principal's office para sundan ko ito, narinig ko pa ang tawag sa akin ni Ladylyn pero hindi ko ito pinansin dahil kailangan kong maabutan si Kuya.
"Kuya!" tawag ko dito pero hindi parin ito lumingon sa akin kaya tinawag ko ito muli.
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng huminto rin si Kuya bago lumingon sa akin. Hindi parin maalis ang seryoso at madilim nitong tingin sa akin, naparang may nagawa talaga akong hindi nito nagustuhan.
Mas lalo tuloy akong kinakabahan, parang gusto ko nalang pangaralan ang sarili ko ,na sana lumayo na nalang ako Kay Bella at sana hindi ko nalang hinabol si kuya.
Kahit mahirap man ihakbang ang aking paa dahil para bang may pandikit doon, pinilit ko parin igalaw ang aking sarili para lumapit dito.
"K-kuya, p-pwede wag mo nang sabihin sa mga magulang mo," nilakasan ko ang aking loob para masabi ang bagay na iyon. Mas lalong dumilim ang awra nito.
Pakiramdam ko kasi, ayaw rin nitong tawagin ko na magulang ang mga magulang nito. Ako rin naman dahil pakiramdam ko'y hindi ako karapat-dapat.
"Sa bahay na lang tayo mag-usap," iyon lang ang sinabi ni Kuya bago ito tuluyang umalis kaya malaya ko nalang napagmamasdan ang malapad nitong likod.
Nagpapaisip rin ako kung usap lang ba ang gagawin namin, sana usap nga lang talaga.
Maya-maya lang naisipan ko nang bumalik nalang sa classroom. Medyo natatakot akong umuwi dahil Kay Kuya,darating ang araw at isusumbong niya ako kay mama at papa, maaring mag-aalala sila pag nalaman nilang may gulo akong kinasangkutan dito sa eskwelahang . Ganoon ang nakikita ko Kay mama, masyadong mapagmahal pagdating sa mga mahal nito sa buhay, pero hindi ako nito tunay na anak, malay ba natin ,hindi ko hawak ang isip ni mama.
Matagal man akong nakatira sa mga Guerrero at palaging nakakasama, minsan nag-dududa pa rin ako sa tunay nilang kulay, dahil sa mga masasamang sinasabi ni mommy patungkol sa mga Guerrero, subrang gulo at nakakalito.
Ng tumunog ang bell, wala na akong paligoy-ligoy pa at agad kong isinokbit ang aking bag sa aking braso bago ako umalis.
Tila naman damit ang aking ngiti dahil agad ko itong isinuot nang makita ko si ate na hihintay sa akin. Napaisip rin ako baka hindi ko mahagilap si ate kanina dahil baka nasa bookstore ito. Mahilig kasi itong magbasa ng novel. Minsan napagkwentuhan namin, nagbabasa rin naman ako pero hindi masyado.
Hindi ko naiisip kanina na maaring nasa bookstore ito dahil kailangan mong lumabas para makapunta sa room at hindi ko alam kung paano ito nalalabas kahit na may bantay. Sabagay, paaralan naman nila ito.
"O, Jimely, mukhang balisa ka?" biglang tanong ni ate sa akin.
Balisa ba ako? Baka dala lang ito ng kaba at takot, baka pag-uwi ko nalaman na ng pamilya ni ate, oo pamilya lang nila ate at Kuya pati narin ng mga triplets sa ilang taon kong kasama ang mga Guerrero, naging importante na rin sila sa akin ngunit mas importante parin si mommy, mahal ko sila pero nangunguna parin ang takot na baka isang araw hindi ko na makita si mommy.
"Wala lang ate, na pagod lang ako, dami kasing assignment," pagsisinungaling ko.
"Ganon ba? Gusto mo tulongan kita. Wala rin akong masyadong gagawin mamaya," nakangiti na sagot nito sa akin. Diko alam pero nakakagaan ng loob pag ngumingiti ito, yong tipong ngiti na makikita ko na totoo talaga.
Umiling ako rito. Hindi naman pwede dahil ang totoo wala naman talaga akong assignment, nag-leave nga ang ibang subject namin.
"Wag na ate, kaya ko naman, ayaw kong maka-abala sayo," saad ko dito ng makapunta na kami sa sasakyan susundo sa amin.
"Segurado ka?" panigurado nito sa akin kaya tumango akong muli kaya bumuntong hininga muna ito bago naisipan sumakay na sa sasakyan.
Hindi sumasabay sa amin si Kuya dahil may sariling kotse na ito at ito narin ang sumasabay sa mga triplets kapag umo-uwi sila galing pa-aralan kung minsan din gabi na itong umuuwi ng mansion. Hindi ko alam kung bakit.
Habang bumabyahe kami pauwi, nagpatugtog si ate ng musika. Kakaiba rin ang taste ni ate sa kanta, yong hindi na halos maintindihan ang lyrics ng tugtog, pero kahit ganun pati ako ay nagugustuhan rin pakinggan.
Hindi naman nagtagal, nakarating na kami sa bahay. Agad sumalubong sa amin ang bisig ni mama maging ang mga nakakasilaw na ngiti ni mama sumalubong rin sa amin.
"Kumusta ang mga dalaga ko?" malambing na tanong ni mama sa amin. Nakita ko pa si papa may kausap ito sa telepono, pero nang nakita kami ibinaba agad nito at pumunta sa amin. Ipinapakita talaga ni Mr. Guerrero na mas importante ang pamilya niya kaysa sa anumang bagay.
"O-okay lang, mama," nag-aalangan kong aniya dito. Medyo gumaan rin ang aking loob dahil wala pa ata si kuya hindi ko kasi nasisilayan ang triplets.
Kapag ganito kasi pati rin sila sumasalubong din pag dumadating kami.
"Pumasok na tayo," may maliit rin na ngiti ang ginawad ni papa.
Nang makapasok na nga kami sa luob ng bahay nag paalam muna ako na pupunta sa aking silid para maligo .
Dahan dahan na akong pumanik sa taas bago pumasok sa aking silid ,madilim pa ang buong g silid pero hindi kona inabala pa ang aking sarili na buksan ang ilaw ang binuksan konalang ay ang ilaw na nasa banyo para maaninag ko ang aking sarili pag naligo .
Nang papasok na sana ako sa luob ng banyo hindi kona natuloy ng matigilan ako dahil sa boses na aking narinig.
"Bend over, Jimely," para akong kinilabutan sa boses ni Kuya. Hindi ko ito napansin dahil narin sa kadiliman ng aking silid, akala ko hindi pa ito dumating.