chapter four

1268 Words
Maraming pinagawa sa aking pagsusulit para malaman kung saan lang ba ang aking kaalaman. Nang matapos ang aking pagsusulit, napagpasyahan na sa elementarya raw ako ilalagay. Ito lang naman talaga ang nararapat saakin dahil walong taong gulang pa lang naman ako. Madali daw akong matuto, puri ng guro ko sa akin. Ngunit para sa akin, hindi naman nakakapagtaka dahil itinuro naman ang mga iyon sa paaralan kung saan ako pinag-aral ni mommy. Kaya lang, hindi nila alam dahilan rin para masagot ko ng tama ang lahat ng tanong ng guro sa akin. Ang mga tingin ni mama sa akin ngayon ay halatang subrang proud dahil sa ngiti at kislap palang ng mata nito. Kaya ginaganahan tuloy akong mag-aral kahit pa kunwari lang ako na walang alam. "Ang talino mo, Jimely," puri sa akin ng guro ko. Ngumiti ako dito at nagpasalamat. "Ang galing mo anak, I'm so proud of you," aniya naman ni mama sa akin na mas lalo kong kinangiti. Matatagpi na ata ang bibig ko sa kakangiti. Hindi ko rin naman masisi ang sarili ko dahil ngayon lang ako nabusog sa papuri. Si mommy, hindi naman nito nagawang purihin ako kahit nga pina-perfect ko na ang test ko sa klase, wala parin itong pakialam. "Salamat mama, pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko" aniya ko kay mama kaya agad ako nitong hinalikan sa noo. "Maaari na po siyang makapasok bukas sa paaralan, madam," magalang na aniya ng guro kay mama bago ito umalis. "Mama, ano pong meron? Bakit nag hahanda sila?" curious kong tanong kay mama habang pababa sa hagdanan . Nakatingin kasi ako sa mga taong tila nagdedesinyo sa loob ng mansion. "Kaarawan ng ate at kuya mo ngayon anak, kaya busy sila," sagot ni mama na kinatigil ko. Hindi ko alam, ngayon pala ang kaarawan nila Ate hindi naman kasi nito sinabi sa akin kahapon, di sana man lang nabati ko sila lalo na si kuya kahit ayaw nito sa akin. "Ganon ba mama, hindi ko po alam," mahina kong anas dito. "It's okay anak, halika na, punta ka na sa kwarto mo. Seguradong dadating na rin yong mga kapatid mo galing sa school," saad ni mama sa akin kaya agaran naman akong tumango at pumunta na sa aking silid. Naligo muna ako sandali bago naisipang lumabas ng banyo. Napatingin naman ako sa pinto dahil sa biglang pag bukas nito. Inulawa doon ang isang ginang na sa paningin ko'y katulong nila dito. "Ma'am, pinapahatid ng mama mo, ito raw po ang sosootin mo mamaya," aniya sa akin ng ginang kaya agad akong napasulyap sa dala nitong paper bag. "Jimely na lang po, salamat po pala," magalang kong aniya sa ginang. "Sige Jimely, ilalagay ko na lang sa kama mo," saad nito bago pumunta sa kama ko upang doon ilagay ang mga paper bag na dala nito. Pagkatapos nitong ma ilagay ay agad itong lumabas. Ako naman, dali-daling pumunta sa kama upang tingnan ang laman ng mga paper bag. Parang biglang kuminang ang aking mga mata ng makita ko kung ano ang laman ng mga paper bag. Naglalaman iyon ng mga magaganda at mamahaling damit. Mayroon na ring doll shoes, iba-iba ang kulay, maging ang mga damit, iba-iba rin ang kulay at desinyo. Hindi ko talaga mapigilang mamangha dahil ngayon lang ako nagkaroon ng mamahaling damit. Wala namang kaso saakin Kong hindi mamahalin ang aking damit, ngunit ang mga damit na binibigay ni mommy sa akin ay parang basahan. Isa-isa ko iyong sinukat. Ang totoo ay nahihirapan akong mamili kung aling damit ba ang sosootin ko dahil lahat naman magaganda. Pero sa huli, pinili ko pa rin ang paborito kong kulay. Aniya ni mama sa akin, simple lang daw ang kanilang handaan dahil ayaw daw ng kambal ng bongga. Pero kung ako ang tatanongin, hindi simple ang kanilang ginagawa. Pakiramdam ko'y magarbo pa rin o sadyang hindi ko lang talaga alam na ganito ang simple sa kanila dahil hindi ko pa naman nararanasan. Sumapit ang hapon, marami-rami na rin ang mga tao. Sabi ni mama, mga kakilala lang daw nila katulad ng kasosyo. Darating rin daw ang mga kaklase nila, ate. "Jimely!" Napatingin naman ako sa hamba ng pintuan ng may pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan. "Ate!" Tawag ko, sabay punta sa gawi nito. Agad naman ako nitong niyakap na kinatuwa ko. "Happy birthday, ate. Bakit hindi mo sinabi sa akin? I-ide sana nabati kita kaninang umaga. Wala pa naman akong regalo,"nakayukong lintana ko dito. "Ano ka ba, dumating ka lang sa amin, regalo na iyon para sa akin. Nakalimutan ko rin sabihin sa iyo," sagot ni ate sa akin kaya naman napahigpit ang yakap ko dito. Pakiramdam ko'y bigla atang nasaktan ang puso ko. Paano ko ba sila sasaktan? Paano ko lolokohin ang mga inosenteng tao katulad ni ate . "salamat ate " "Jan ka mona jimely mag bibihis lang ako saglit" paalam ni ate saakin bago ito umalis diko mawari ngonit bigla nalamang lumakas ang kabog ng aking dibdib ng makita ko si kuyang seryosong naglalakad habang may dalang libro pakiramdam ko'y nakalimutan Kong huminga ng mag tagpo ang aming mata naroon parin ang matalim nitong tingin at pagka disgusto saakin hindi ko talaga mapigilang mamangha Kay kuya dahil sa ka angkinang kagwapuhan nito siguro marami na itong naging nobya kahit 12 palamang ito dahil magandang lalaki talaga si kuya lalo nasa kulay abo nitong mata para kang lolonorin kapag nangahas Kang tignan ito. bigla akong nakaramdam nang pagka dismasya ng hindi manlang ito lumapit saakin sabagay bakit kanaman lalapit sa taong ayaw mo, dumeritso ito sa kusina na parang hindi ako nakita kaya Wala sa sariling sinondan ko ito kahit alam Kong magaglit nanaman si kuya saakin . Marami akong nadadaanan na mga katulong , aligaga sila sa pag-aayos dahil malapit na ring mag-gabi. "Stop following, b***h!" bigla akong napahinto ng sumigaw si kuya at tumingin sa akin. Nakakapanginig ang titig nito sa akin ngayon. Kaya wala sa sarili, akong napahawak sa manggas ng aking damit, mahigpit ang paraan ng pagkakahawak ko kaya Hindi na ako mag tataka Kong gusot na ang aking damit. "K-kuya," hindi ako mapakali kaya marahas kong kinagat ang aking labi dahil sa kaba. Ngunit hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan at tumingin lang sa akin ng seryoso. "H-happy birthday, kuya," nauutal kong bati kay kuya. Ito talaga ang dahilan kung bakit ko ito sinundan. Nais ko itong batiin dahil natapos ko na ang pag bati kay ate. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata nito. Ngunit kalaunan ay napalitan na agad ng matalim na tingin parang hindi makapaniwala na binati ko ito. Wala itong naging sagot at nilampasan lang ako. Kaya agad rin akong naglakad upang masundan itong muli. Umakyat naman ito sa hagdanan patungo sa silid nito. Mukhang hindi ata ako nito napansin dahil hindi naman ito lumingon saakin. Iwan ko rin sa aking sarili kahit alam ko naman na hindi ako gusto ni kuya at palagi akong sinisigawan. Gusto ko pa rin itong makilala. Bigla akong napahinto ng huminto rin si kuya sa hamba ng kanyang pintuan. Nang maramdaman Kong lumingon si kuya sa aking gawi agad akong tumalikod at nagkunwaring may tinitignan para hindi ako mahalata na sinusundan ko ito. "Stupid, pasok!" bigla akong napaigtag dahil sa pag singhal nito ngunit hindi ko alam kung sa akin ba iyon sinasabi, bakit naman ako nito papapasukin sa kanyang silid Kong hindi ako nito gusto. "Are you deaf? I said pasok," madiin nitong saad ngonit sa pagkakataon ito saakin na nakatingin si kuya naparabang ako talaga ang tinutokoy nito Kaya wala sa sarili, akong naglakad papunta sa loob ng silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD