chapter three

1211 Words
Kinaumagahan, gumising ako at agad naligo. Hindi naman ako nagtagal sa pagligo dahil hindi pa ako sanay sa kung saan ako ngayon. Paglabas ko ng banyo, bumungad agad sa akin ang nakangiting mukha ni Ate Zyra. Gusto kong sanayin ang aking sarili na tawagin sila sa gusto nilang itawag ko sa kanila kahit ang totoo ay ayaw ko talagang masanay. Nakaupo ito sa aking higaan na halatang hinihintay ako. "Good morning, Jimely," bati nito sa akin. Paano nga ba hindi ako masasanay kung ganito ang trato nila sa akin? Baka isang araw ako mismo ang mahulog sa sarili kong patibong. "G-good morning, Ate," pabalik kong bati dito. Naka-ruba lang ako ngayon habang papunta sa aking closet. Hindi ko mapigilang mamangha ng tuloyan konang nabuksan ang closet Ko kong saan naka lagay ang binili nilang damit sa akin. Napakaganda ng mga damit. Pakiramdam ko'y hindi na nababagay sa Isang katulad ko halatang sobrang mahal. Sobrang hirap mamili pero nagulat na lang ako ng biglang pumunta si Ate sa aking gawi para tulungan akong pumili. Pinili nito ang kulay pink na dress kaya 'yon na lang ang sinuot ko. Paborito ko rin kasi ang kulay pink. "Bagay sa'yo, Jimely," puri ni Ate sa akin habang pinasadaan ako nito ng tingin. Ito ang kauna-unahang babae na pumori sa akin kaya parang may biglang humaplos sa puso ko. "Talaga, Ate?" magiliw kong tanong dito habang naka-ngiti. "Oo, Jimely. Gusto mo bang ipasyal kita sa mansion?" tanong nito sa akin kaya tumango naman agad ako. Hindi maipagkakailangang excited akong libutin ang mansion dahil alam Kong maraming magagandang puntahan dito sa laki panaman ng mansion kaya seguradong hindi ka ma babagot. "Jimely, nagkausap na ba kayo ni Kuya?" tanong na naman nito na kinatigil ko. Ano nga ba dapat sabihin ko na nagkausap kami ngunit hindi maganda ang aming tagpo? "Oo, p-pero ayaw ata ni Kuya sa akin," mahina kong sagot dito habang hindi tumitingin kay Ate. "Ano ka ba? I know gusto ka ni Kuya, mailap lang talaga 'yon sa ibang tao pero alam kong magkakasundo kayo. Ikaw pa sa cute mong 'yan. Kaya walang taong hindi ka gustong makasama," nakangiting saad nito sa akin na kinapula ng pisngi ko. Pero nagkamali ito na maraming taong gusto sa akin o gustong makasama ako. Hindi nga ako gusto ng sarili kong ina, ibang tao pa kaya? Pagkatapos akong ayusan ni Ate, lumabas na kami sa kwarto ko. Si Ate pa mismo ang nagsigpit ng buhok ko. Magaling daw kasi itong magsigpit ng buhok dahil mahilig ito sa mga Barbie doll. Nang tuluyan kaming makalabas sa silid ko, agad kong nakita si Kuya na kakalabas lang din sa silid nito. Matalim ang tingin nito sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin . Paano ko ba makukuha ang loob nito? "kuya gusto mobang sumama samin mag lilibot kami ni jimely sa mansion"Aya ni ate Kay kuya kahit paman natatabunan ako ng maliit na likod ni ate pakiramdam ko'y tumatagos parin ang ma talim na titig ni Kuya saakin kaya hindi ko mapigilang mailang . Wala akong narinig na sagot ni Kuya basta narinig ko na lang ang tunog ng pagsira ng pinto. "Tss, ang sungit. Halika na, Jimely," aniya sa akin ni Ate bago nito ikinapit ang kamay sa braso ko. Iwan ko ba kahit nakikita kong nakakatakot si Kuya? Parang may nagtutulak pa rin sa akin na kunin ang loob nito. Nagsimula na kaming mag-ikot sa mansion ni ate, Kong saan-saan kami pumupunta. Simula sa garden hanggang sa playground ni Ate, marami rin kaming pinag-usapan. Nakakatuwa dahil sobrang daldal ni Ate Zyra, parang hindi ata mauubosan ng kwento sa akin. Kwenento din nito sa akin na may nagugustuhan daw ito ngonit subrang layo daw ng agwat nila pero secret lang daw namin 'yon. Nakakapanghinayang dahil wala akong maikwento kay Ate. Wala namang magandang papangyayari sa buhay ko Sa sandaling nakilala ko si Ate Sobrang gaan na ng loob ko dito. Kaya paano ko ito magagawang linlangin? "Mga anak, halina kayo. Mayroon akong sasabihin," tawag ni Mrs Guerrero sa amin, pati rin dito parang nasasanay narin akong tawagin itong Mama. "Jimely, anak, halika. May sasabihin ako sa iyo," saad ni Mama nang makalapit na kami dito. May dala itong bagay na hindi ko alam kung para saan. "Ano po 'yon, Mama?" tanong ko dito habang naglalakad kami papasok sa mansion. Nakita ko naman doon ang asawa ni Mama, tila hinihintay ito. "Anak, we plan na pag-aralin ka na," maligayang saad ni Mama sa akin. Hanggang sa makarating kami sa mansion kung saan naroon ang asawa ni Mama, ng makalapit na si Mama kay Mr. Guerrero, agad nitong niyapos ang braso sa maliit na bewang ni Mama bago nito ginawaran ng magaan na halik sa noo . Makikita ko talaga kay Mr. Guerrero kung gaano nito kamahal si Mama. Ang sarap nilang panoorin. Sana ganito din kami noon ngunit hindi ko kilala ang ama ko, kahit larawan o pangalan lang sana pero maging iyon pinagkait parin ni Mommy na malaman ko. "Talaga, Mama? So magsasama kami ni Jimely ,doon siya mag aaral sa paaralan namin?" Saad ni ate kumikislap pa ang mata habang tinatanong si mama "Oo anak pero may pag susulit mona si jimely bukas para malaman Kong saang marka lang ang kanyang kaalaman " sagot ni mama Kay ate ako naman ay hindi alam ang mararamdaman pero ang maseseguro ko lang walang mapag lagyan ang aking saya "jimely pag may kailangan ka wag Kang mahiyang mag sabe saamin ng mama mo" aniya sakin ng Asawa ni mama na kinangiti ko "salamat Po Mr . Guerrero"nahihiya Kong sagot dito seryoso Kong mag salita si Mr Guerrero ngonit mararamdaman monaman ang senseridad sa boses nito sa unang kita ko palang Kay Mr Guerrero matatakot ka talaga Lalo na kapag sinubukan mong makipag usap dito dahil parang hindi manlang ito marunong ngomiti nakikita korin Kasi ito sa mga magazine at sa palabas lahat ng kanyang kuha sa camera o larawan Wala akong nakikitang ngomiti ito ngonit pag dating sa pamilya naman naririnig Kona itong tumatawa "just call me papa " Saad ni Mr Guerrero saakin sa pananalita palang nito maawturidad na kaya parang mag aatubili Ka talagang na sumuway. "opo p-papa" sagot ko dito. Ngayon Hindi na ako mag tataka Kong saan nag mana ang ugali ni kuya Nang matapos kaming mag usap agad kaming pumonta sa dining area para manang halian nasa kaliwa ko si ate kaya mag katabi kami habang Ang triplets naman ang nasa kanang bahagi ko naka upo "zyro anak halika na" bigla naman akong nanigas ng marinig Ko ang pangalan ni Kuya pakiramdam ko'y nanlalamig ako hindi ko Kasi ito napansin na lumabas sa kanyang silid . Naramdaman konalang si kuya na umopo sa upoan kaharap ko kaya hindi ko rin mapigilang mapatingin dito dahilan upang mag tagpo ang aming mga mata, napagtanto Kong saakin rin Pala ito nakatingin "son can you accompany your little sister to your school tomorrow" imik ni Mr Guerrero o papa Kay kuya, kahit Wala mang binabangit si papa alam Kong ako Ang tinutokoy nito Walang naging imik si Kuya at Tumango lang ito habang nakatingin saakin akala ko walang nang mas nakakatakot pa kapag nag salita na ito pero mas nakakatakot Pala Kong tahimik lang ito at naka ngisi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD