"Kumusta ka na, Mom?" tanong ko kay Mommy, narito kami sa coffee shop na wala masyadong pumupunta. Nais makipagkita sa akin si Mommy kaya pumunta na rin ako, gusto ko naman dahil nais kong makasama.
"Okay lang, anak. Sana wag mong kalimutan ang plano natin," iyan agad ang bungad sa akin. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga at mag-alangan ngumiti.
Paminsan lang kaming nagkikita ni Mommy at sa bawat pagkikita namin ito palagi ang kanyang pinapaalala sa akin, kung ano ba ang pakay ko sa Guerrero, kung ano dapat kong gawin.
Hindi sapat na dahilan na nasaktan si Mommy ng mga Guerrero para gawan ko rin sila ng masama at sirain ang kanilang pamilya. Pinapahalagahan ko si Mommy, malalagay ba ako sa ganito kung hindi ko ito mahal? Pero masyadong napakababaw ng rason, baka may rason kung bakit nasaktan ng mga Guerrero si Mommy, tao lang din naman sila, may kamalian .
Ilang taon na akong nasa poder ng mga Guerrero, pero ang nakikita ko lang sa kanila hindi kasamaan kundi kabutihan.
"Mom, pwede po bang wag na natin silang guluhin?" Ilang araw ko rin itong pinag-isipan dahil malaking takot pa rin sa parte na umalis si Mommy at hindi na magpakita sa akin. Nakakatakot nga naman ngunit makasarili ako kong papabayaan ko lang ang aking sarili na guluhin ang mga Guerrero.
Hindi lang si Mommy ang iniisip ko rito, ang mga triplets, ayaw kong makita ang mga mata nilang may luha dahil sa akin, mga bata pa sila.
Napaigtag ako bigla ng pinalo ni Mommy ang mesa ng malakas, naging masama ang timpla ng mukha nito. Ata alam kong dahil sa akin iyon, mabuti nalang at kami lang ang tao dito.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Jimely!" singhal nito sa akin. Natakot ako bigla sa boses ni Mommy, tumayo pa ito na parang gusto na akong saktan, nakakasira ba ng ulo kong gusto mo lang hindi manakit.
"Mom, gaano ba ka laki ang kasalanan nila sa inyo para kailangan sirain ang pamilya nila? Mabait sila, Mom, maniwala ka sakin," paliwanag ko dito, ano ba ang dahilan? Hindi ako naniniwalang kinuha lang ng mga Guerrero ang para kay Mommy, impossible dahil subrang napaka desididong sirain ang pamilya nila.
"Gusto mong malaman ha!, pinatay ng mga Guerrero ang ama mo!! Kaya ayusin moyang decision mo Jimely!! wag Kang tanga!!," tila nagimbal ako sa sinabi ni Mommy, parang may tumosok sa dibdib ko, sinungaling!, hindi nila magagawa yon.
Mabuti silang tao, ayaw kong maniwala kay Mommy pero kung hindi ako maniniwala, ano nga bang dahilan? Ni larawan ng ama ko hindi ko nakita.
"Hindi 'yan totoo," umiling ako dito, hindi ko rin alam kung bakit ayaw tanggapin ng buong sistema ko na ang Guerrero ang dahilan kung bakit wala akong kinagisnan na ama.
Parang pag-iisipin ko nasasaktan ako, hindi masama si Mr. Guerrero, mabuting tao ito nakikita ko sa mata hindi matatanggap kung ito ang dahilan kong bakit wala akong ama.
"Totoo iyon at yan ang itatak mo sa utak mo, sila ang dahilan kung bakit wala kang ama. Sinagasaan ni Mr. Guerrero ang walang laban mong ama at hindi na bigyan ng hustisya dahil ginamit lang naman nila ang kanilang kapangyarihan " kusang tumulo ang luha ko dahil sa galit at lungkot. Malinaw saakin na ginamit ni Mr. Guerrero ang kanyang stado para takasan ang kasalanan, masyado akong nasikaw sa ipinapakita nilang kabutihan.
Buo sila ngunit habang wasak naman ang pamilya namin,masaya sila ngunit nangongolila ako, kailan man hindi na iyon mapupunan ni Mr. Guerrero. Lalo pa't nalaman ko na ito pala ang dahilan sa pagkawala ng ama ko.
"Wag mong hayaan na maging masaya sila, Jimely. Masama sila, bigyan mo ng hustisya ang ama mo." Iyon na ang huling sinabi ni Mommy bago ito umalis. Kaya ako naiwanang mag-isa sa coffee shop, hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang aking mga luha, pero ayaw kong mamaga ang aking mata kaya tumigil na ako.
Pakiramdam ko'y napuno ng puot at galit ang aking puso dahil sa nalaman ko. Bibigyan ko ng hustisya ang ama ko, maniningil ako at sisimulan ko kay kuya dahil ito ang gagamitin ko laban sa kanyang sariling ama.
Gabi na ako nakauwi. Gumala-gala pa kasi ako para madali lang akong makatulog. Tahimik nga ang buong mansion dahil umalis na si Mama at Papa kasama ang triplets papuntang ibang bansa, si Ate naman nagpaalam sa akin kanina na mag-sleepover daw sila ng kanyang mga kaklase. Kaya ako na lang ang mag-isa dito sa mansion.
Masyadong magabi na talaga dahil wala ng mga katulong ang naglalakad-lakad sa buong mansion at maging ang mga ilaw nakapatay na kaya medyo madilim na ang buong mansion, pero hindi naman ibig sabihin wala ng liwanag, may kaunting ilaw pa rin namang na titira.
Dumiretso ako sa itaas para pumunta sa aking silid, hindi na ako kumain . Sa mga nalaman ko ngayong araw, may gana paba akong kumain.
Sobrang dilim ng aking silid kaya agaran kong binuksan ang ilaw, ngunit ang hindi ko inaasahan, may pamilyar nanamang pigura sa aking silid, nakatayo ito at nakasandal sa pader kung nasaan naka-posisyon ang aking kama, matalim itong nakatining sa akin habang ang dalawang nitong braso pinagkros sa dibdib.
May galit akong nararamdaman ngunit sa mga oras na ito mas nangunguna ang takot. Ano na naman ba ang problema nito, bakit kung bakit kong makatingin
saakin parang may kasalanan nanaman ako.
"Saan ka galing?" Malamig nitong tanong sa akin, mas lalong lumala ang kaba ko nang dahan-dahan itong lumalapit sa akin.
"P-Pumunta lang ako sa ka-klase ko, kuya," pilit kong hindi mautal para hindi ito magtaka kung bakit ako ginabi.
Akala ko talaga ako lang mag-isa dito, hindi ko man lang naisip na maaaring pumunta si kuya dito.
"Thin, bakit gabi ka na nakauwi, wala lang sila mama, gumala ka na," bigla akong nainis dahil sa sinabi nito. Ang kapal naman nitong sabihin iyon pero kahit mag-ngitngit man ako sa galit ngayon, wala pa akong magawa. Kailangan ko pang kunin ang loob nito.
"Napasarap kasi ang kwentuhan namin ng kaibigan ko, kaya hindi ko namalayan ang oras," paliwanag ko dito. Mabuti nalang at hindi ito masyadong lumapit sa akin, baka hindi ko alam ang gagawin.
"Sino kasama mo?, may lalaki?" Iwan ko kay kuya, sa tuwing iisipin nitong may kasama akong lalaki, parang papatay. Tinalo pa nito sina mama kong makapagbawal sa akin.
"Wala kuya, puro mga babae kami," umiling pa ako para ipakitang totoo ang aking sinabi. Sana man lang maniwala ito. Pagod na ang puwet ko sa pamamalo nito.
Parang kinikilatis muna ni kuya kung nagsasabi ba ako ng totoo bago ito umupo sa kama ko, kaya parang nabunotan ako ng tinik.
"Come here," utos nito. Hindi na ako nagmatigas, sumunod na ako sa utos nito pero may pangamba parin baka hindi pa talaga ito tuloyang naniwala na wala akong kasamang lalaki.
Nang makalapit ako dito, parang biglang pinaso ang katawan ko nang bigla nitong hawakan ang aking maliit na bewang at pinatalikod.
Ano nanaman 'to, papaluin ba ako nito uli?
Gusto kong magtanong pero hindi ko nagawa nang maramdaman ko ang mangahas nitong kamay na ibinaba ang suot kong pants kasama na rin ang suot kong underwear.
"K-Kuya?" nagtataka kong sambit dito ng tuloyan na nitong nababa ang aking pangibabang suot.
"Behave," iyon lang bago nito hawakan ang pang-upo ko, para talagang pinapaso ang buong katawan ko dahil sa mainit nitong kamay, parang biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko nang hinimas nito ang sugat ng pang-upo bago ko naramdaman ang basa nitong labi.
"Masakit pa ba?" tila na-gulat ako dahil ngayon kulang narinig na naging malamyos ang boses nito, parang hindi ito marunong manakit, hindi ko rin mapigilang makagat ang aking pangibabang labi nang mas lalo kong naramdaman ang malambot nitong labi na parang sa halik nito pili nawawala ang sakit sa puwet kong may sugat.
Umiling na ako dito dahil hindi naman talaga masakit ang pang-upo ko, pakiramdam ko rin parang nakatulong ang halik nito para mawala ang sakit.
"Let's eat."