Chapter 4

1620 Words
Ibinaba niya ang ice cream at laking gulat ko na tumingin siya sakin na puno ng dismaya ang mga mata. “Charlie, h-hindi yon sa ganon. Kaibigan kita, parang kapatid pa nga, kaibigan ko rin naman si Sydney kaya kinailangan kong gawin yon,” “Hindi mo tungkulin na masaktan para sa akin lalo na ang ipaglimos ako ng pag-ibig,” Ramdam na ramdam ko ang lungkot at dismaya sa boses ni Charlie kaya parang napupunit rin ako. “Sinubukan ko lamang na ipaunawa kay Sydney. Alam na alam mo, nakita natin kung paano siya nawasak noong iwan siya ni Paolo, tapos hahayaan ko na naman siyang sumama don?” Kita ko ang malungkot na ngiti ni Charlie, “Sumama na naman siya kay Paolo?” “Oo. Sumama na naman siya. Sorry Charlie, pero hindi mo maaalis sakin na masaktan para sainyo, sayo,” Gusto kong magalit sa mga sinasabi ko pero napagpasyahan ko ng lumaban at handa akong gawin ang lahat para lamang mapagtanto ni Charlie na kaya ko rin maging higit pa sa kapatid. “Iwan mo muna ako, Annie. Gusto ko muna mapag-isa,” Napatingin ako sa wasak-wasak na dining table sa harapan namin at kinagat ang ibabang labi ko para hindi maiyak, “Charlie, simula nang maging parte ka ng buhay ko, sinamahan mo ako kahit di ko hiningi kaya sana...sana...hayaan mo ako na samahan ka. Hayaan mo rin akong masaktan para sayo. Ayaw kitang iwan.” “Please, Annie. Magiging ok din ako, hayaan mo na muna ako,” sumamo nito kaya tumayo na ako. “Sa bahay lang kami ni Leo kung gusto mo ng kasama,” sabi ko saka yumuko para damputin ang ice cream. Tinapik ko pa ito sa balikat bago tuluyang naglakad palabas ng VIP room at papasok ng elevator. Pagkasaradong-pagkasarado ng elevator, di ko na napigilang maiyak. Dismayado ako sa mga nangyari, dismayado ako sa sarili ko. Ang desperada ko. Ang makasarili ko. “Ang tanga-tanga mo, Annie!” ngawa ko saka sumandal sa pader ng elevator bago marahang dumausdos paupo at inilapag ang ice cream sa tabi ko. Dinama ko na. Tutal ilang palapag pa naman ang daraanan bago makarating ng first floor. Pero di pa man natatagal ang drama ko nang biglang bumukas ang elevator sa fifteenth floor at tumambad sakin ang isang lalaki na tumaas ang mga kilay nang magtama ang aming mga paningin. Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. “Tuloy, tuloy,” sabi ko pa habang todo yuko para itago ang mukha ko. Nasagintawan ko ang pag-iling nito pagpasok ng elevator. Sa unahan ito tumayo habang nakasuksok ako sa kanto. Pinindot nito ang first floor at inayos ang suot na coat bago nagcellphone. As if naman gusto ko rin siyang kasama. Pwede namang hindi na siya sumakay, di ba? “HA!” singhal ko bilga. Napalingon iyong lalaki sakin at doon ko lamang napagtanto na napalakas pala ang boses ko. “HA, haha? Ice cream you want?” alanganin kong alok dito. Umirap naman ito at bumaling na pabalik sa cellphone. “Tsk, feeling,” bulong ko pa. “Do you have a problem with me?” tanong nito bigla kaya nagulat ako. Hindi naman ito tumingin, bagkus diretso lamang sa pagsi-cellphone. “Wala,” maiksi kong sagot habang nakatitig sa malapad nitong likuran at nagdarasal na sana hindi na masundan ang tanong. Buti na lamang at hindi na talaga ito ulit nagtanong. Napasapo ang isa kong kamay sa mukha at mabilis na pinunas ang mga luha na natuyo sa magkabila kong pisngi. Grabe ang araw na ito. Kung pwede lang magrequest na ibuhos na lang ngayong araw na ito ang mga kamalasan ay ibuhos na, para isahan na lang. At hindi ko alam kung nagdilang-anghel ako o kung anong dila, nadinig agad ang hiling ko. Tumigil ang elevator at unti-unting nagdilim ang loob. “Anong nangyayari?” natatarantang tanong ko. “Relax ka lang,” sabi niyong lalaki na agad sinilid ang cellphone sa bulsa ng coat at hinawakan ang kamay ko. “Magiging ok lang tayo. Tulong!” sigaw nito. Kaso sa kaunting sigaw at galaw ay mas lalo lamang lumalala ang sitwasyon. Bumababa ang elevator sa kaunting tunog o galaw. “Ayaw ko pa mamatay, hindi pa pwede, bata pa ang anak ko,” taranta kong sabi habang matindi ang pagtibok ng dibdib sa sobrang takot. “Hindi ako makahinga.” “Walang mamamatay, kumalma ka. Hindi makakatulong ang pagpanic mo, madedeprive ka ng oxygen, hindi kita imamouth-to-mouth,” sabi nito na nagpainit ng pisngi ko dahil sa pagkainsulto. “Excuse me? Kahit naman maghingalo ako ay hindi ko hihingin sayo na gawin iyon, kung ano pang sakit ang maisalin mo sakin,” “Aba at ikaw pa ang mayabang,” “Aba, ikaw ang nauna. Nagsasabi lang naman ako,” Binitawan nito ang kamay ko at muli ay kinuha ang cellphone sa bulsa ng coat. “Walang signal!” reklamo nito. “Y-yong phone ko, try mo,” alok ko rito habang pilit na kinakalma ang sarili ko. “Nagpapatawa ka ba? Wala yong akin, sayo pa kaya? Tsk!” Hindi ko na napigilang maiyak dahil para namang galit na galit ang mundo sakin sa mga nangyayari. “Sir?” Rinig namin na may nagsalita mula sa labas. “Revi?” tanong nitong lalaki nang ibalik sa bulsa ang cellphone. “Opo, sir. Maghintay lang po kayo, parating na ang tulong,” “Ano ba ang nangyari?” kalmadong tanong nitong lalaki at bumaling ang tingin sakin. “Tauhan ko sila, magiging maayos rin ang lahat. Save your air, kumalma ka lang ng hinga.” Tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko kung magsasalita pa ako ay mawawalan na ako ng malay. “Sir, nagkaroon po ng malfuntion ang elevator. May pumutok na wire,” sagot niyong Revi. Hinawakan ulit nitong lalaki ang kamay ko at minasahe kaya kahit papano ay kumalma ako. Pero laking gulat ko nang umilaw ang kaniyang relo. Nakita kong nagbago ang kalmado nitong mukha at napalitan ng takot. “Anong problema?” tanong ko rito pero hindi ito nakasagot imbes ay napaupo bigla at namawis ng sobra. Yumukyok ako sa harapan nito at buong pag-aalalang sinipat kung saan may mali. At doon ko napansin ang paghirap nitong huminga. “Nahihirapan kang huminga?” Tumango ito. “Hindi ako marunong mag mouth-to-mouth,” aligagang sabi ko rito at agad sinubukang alisin sa pagkakabutones ang suot na polo sa ilalim ng coat. “Huwag, hindi na kailangan,” tanggi pa nito. “Hindi. Makakatulong ito. Ang sikip-sikip ng damit mo. Dapat kasi pag malaki ang katawan, maluwag rin ang damit. Buti sana kung may abs---WOW!” Natigilan ako nang tumambad sakin ang napakagandang katawan nito nang tuluyan kong mabuka ang polo. Eight pack abs na sobrang titigas. “Wag mo ako pagnasaan,” hirap nitong sabi. “Naisip mo pa yon? Talaga? Huwag kang umasa, wala akong balak na gawin iyon sa di ko kakilala at kagaya ng sabi ko, baka kung ano pa ang sakit mo. Nagulat lang ako,” “Hindi mo ako kilala?” tanong nito na tila di makapaniwala. “Malamang, ngayon lang kita nakita,” sabi ko nang tuluyang maalis sa pagkakatali ang necktie nito para mabuksan ng maayos ang polo. “Nakakahinga ka na ba ng maayos?” Umiling ito at tumingin ng nakakunot ang noo sa pinto ng elevator. “Ano ba talagang problema?” taranta kong tanong rito. “Hindi aabot. Matamis. Kailangan ko ng matamis,” hirap na hirap nitong sabi. “Diabetic ka?” “Wag na magtanong,” sabi nito habang panay ang tingin sa relo. “Saan ako kukuha ng matamis? Ah wait lang, ito,” agad kong kinuha ang ice cream sa likuran ko at nanginginig ang mga kamay na sinubuan siya. Pero imbes na pasalamat ang makuha ko sa kabila ng pagtulong, tinulak pa ako. “Bakit mo ginawa yon?” galit kong tanong habang bumabangon sa pagkakatumba. “Malinis ba ang pinakain mo sakin?” “At talagang naisip mo pa mag-inarte?” Tumingin ito sa relo at kita kong diretso pa rin sa pagblink ng kulay pula. Sa pagkakataong iyon ay marahan itong humiga at kusang inubos ang ice cream. “Kita mo ito, magrereklamo-reklamo pa tapos kakain din naman—” Natigilan ako sa sinasabi ko nang makita kong lumupaypay ang kamay nito na may hawak ng ice cream at pumikit ang mga mata. “Hala, hoy! Anong nangyari sayo?” Pero wala talaga itong kibo. Kabang-kaba kong nilapitan ito at inayos sa pagkakahiga saka inalog-alog, “Gising! Hoy, hindi pwede ito! Ayaw kong mapapagbintangan ako tapos makukulong. Hindi pwedeng lalaki ang anak ko na wala ako tapos itatakwil ako matapos kong makulong ng mahabang panahon.” Ang dami ko ng sinabi pero hindi talaga ito nagising kaya lumuhod na ako at pinilit na alalahanin kung paano ginagawa ang CPR. “Gising na,” sumamo ko rito habang pina-pump ang dibdib nito pero wala talaga. Kaya labag man sa loob ko ay marahan na lumapit ang mukha ko para imouth-to-mouth ito. Wala talaga akong ideya sa ginagawa ko kaya nang maglapat ang mga labi namin, pahigop ang atake ko. Ilang higop din ginawa ko pero wala talagang nangyari. “Wala na, katapusan ko na,” takot na takot na sabi ko. Muli ay inulit ko ang ginawa ko pero talagang walang pagbabago. Hanggang sa laking gulat ko nang gumalaw ang kamay nito at hinawakan ang kamay ko. “Buhay ka na!” masaya kong sabi pero agad rin nagalit nang makita itong tumatawa. “Anong tinatawa-tawa mo? Pinagtitripan mo ba ako?” singhal ko rito. Pero pilit itong umiling at bumulong, “Pakasalan mo ako.” "Ay gago!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD