Chapter 3

1664 Words
Jusko po. Magtatapat ata to sakin. Hindi ako handa. Kailanman ay hindi ako magigigng handa pagdating kay Charlie. Buong buhay namin simula kolehiyo ay magkaibigan na kami at hindi ko alam kung anong mangyayari kung lalagpas sa pagiging magkaibigan ang samahan namin. “Oo matagal na...haha, bakit? Ayaw mo na bang maging kaibigan ko?” sabi ko na lang dahil nagbabablangko na talaga ang utak ko. Dapat heartbroken ako ngayon pero napalitan na ng sobrang kaba. “Hindi. Hindi. Mamamatay muna ako bago mangyari yon,” Ay shet! Mangyayari ba talaga ito? “Wow! Ahaha,” alangan ko na tawa. “Matagal ko na itong gustong sabihin sayo pero dahil alam kong abala ka pa sa mga bagay-bagay, pinagsantabi ko muna,” sabi ni Charlie at bumuntong-hininga na naman. “Ano ba naman Charlie, sabihin mo na lang,” “Haha, Annie talaga. Sige na. Hindi ko lang talaga akalain na ganito pala kakaba. Nakakatakot.” “Sabihin mo na dahil mas natatakot ako,” Kita ko ang pagpahid ni Charlie ng pawis. Nako seryoso talaga ito, hindi naman ito basta-basta pinapawisan. “Hay nako, Annie. Ikaw talaga. Eto na. Simula nang ibilin ka sakin ni Mitch bago siya mawala, ikaw na ang tinuring kong kapatid,” Natigilan ako at sa isang iglap ay unti-unti akong nalunod sa sarili kong mga hinaing. Ang sakit! Double dead na ako. Dalawang beses na umasa sa isang araw, grabe naman ang tadhana sakin. Umasa pa ako na sa haba ng panahon naming magkaibigan, ay baka gusto na rin niya ako. Oo, isang rason kung bakit mabilis akong mag move-on o sabihin na natin na hindi ko masyado dinidibdib ang mga lalaking nirereto sakin ni Mama ay dahil si Charlie talaga ang gusto ko. Siya ang mahal ko ng mahabang panahon kaso wala akong lakas ng loob na sabihin dahil sa takot na baka mawala ang pagkakaibigan namin. Dahil alam ko na hindi ako deserve ni Charlie. Kakaiyak. “Ah!” Nanginginig ang mga labi ko na react sa sinabi niya. “Salamat.” Pilit akong ngumiti. “Binigay ko ang best ko para alagaan ka. To the point na kahit sobrang sama ng loob ko noong mabuntis ka, sinuportahan pa rin kita dahil ganon naman ang magkakapatid, di ba? Kaya habang sinasamahan ka na palakihin si Leo, naisip ko kahapon na handa na ako magkapamilya. At mahalaga sakin ang presensiya mo kapag hiningi ko na ang kamay ng taong papakasalan ko,” Hinayaan ko na ang sarili ko na umiyak. Umiyak dahil masakit pero kailangan kong maging masaya para sa kaniya, kapalit na lamang ng mga sinakripisyo niya sa akin at sa anak ko. Maraming taon ng buhay niya ang nasayang dahil sa akin. Ano ba naman ito? “Handa? Kayang-kaya mo yan. Napakabuti mong tao, Charlie. Swerte, ah hindi...napakaswerte ng taong mamahalin mo at mamahalin ka. Ikaw ang magiging pinaka the best na ama at asawa.” “Salamat, Annie.” “Ano ka ba, wala naman akong ginawa no?” Ang sakit na ng lalamunan ko, parang anytime, sasabihin ko na lang na wag na nyang ituloy at ako na lamang. Buti na lang at perfect timing ang Mama ni Charlie na si Tita Rose. “Annie,” magiliw na tawag ni Tita Rose mula sa likuran namin. Madali kong binaling ang tingin kay Tita, dahil kung hindi, bibigay na ako. “Congratulations, Tita.” Bati ko rito. Nakipagbeso pa ako at yumakap ng mahigpit. “Sa wakas ay nagkalakas na ng loob si Charlie. Hay nako, sobrang torpe. Kala nga namin bakla na,” nangingiyak-ngiyak na sabi ni Tita. “Tita naman. Kagwapo ni Charlie, eh,” sabi ko saka pinunasan ang luha ni Tita pagbitaw sa yakap. Sobra na kaming napalapit na mag-ina sa pamilya ni Charlie dahil best-friends kami ni Mitch, ang bunsong kapatid niya. “Bakla naman. Sabi ko sa Tita mo, baka ikaw ang gusto, kaya di nag-aasawa,” sabat ni Tito Arman, Papa ni Charlie, na panay na rin ang pagpahid ng pawis. Kita ko agad ang mukha ni Tita na nagbago. “Nako Tito...malabo po yon. May anak na po ako saka magkapatid lang ho talaga ang turingan namin ni Charlie.” Masyado nang maraming nangyari ngayong araw, ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko kaya inunahan ko na. Buti at nawala naman agad ang tensiyon sa mukha ni Tita. Mahal kami ni Tita pero alam ko, bilang ina, ay wala siyang ibang hiling kundi ang mapunta ang kaniyang anak sa tamang tao. Dumilim na ang paligid at hinawakan ko ang kamay ni Tita dahil kabang-kaba na ito. Umiyak ito ng sobra kaya tahimik akong lumuha.Wala nang sasakit na makita ang taong mahal mo na may kasamang iba. Lumingon pa ng isang beses si Charlie at tumango samin. Tumango na rin lang ako bilang tugon at nag thumbs-up. Nagsimulang tumugtog ang nagpi-piano at nagva-violin ng paborito ko pang kanta, ang Canon D. Bumukas ang dalawang pinto at lahat kami ay inintay ang paglabas ni Sydney. Nahirapan ako tanggapin noong unang umamin sila, pero wala naman akong magagawa. Masaya si Charlie at masaya rin naman si Sydney. Maganda si Sydney at matalino. Wala manlang akong panama. Kung ako nga ay magiging lalaki, magugustuhan ko rin siya. Siya iyong tipong pinapakasalan at pinangangakuan ng habangbuhay. Nagkatinginan pa kami ni Tita Rose na ganon ang pagkasabik. Kaso, walang lumabas na Sydney kundi ang Mama nito. Umiiyak ito at yumakap ng mahigpit kay Charlie. “I’m sorry, Charlie.” Hagulgol nito. Kita ko ang pagbagsak ng balikat ni Charlie. “Anong nangyayari?” gulong-gulo na tanong ni Tita Rose. “Hindi ko rin po alam,” “Hindi pwede ito. Paraanan mo, Annie. Paraanan mo! Please! Hanapin mo si Sydney! Hanapin mo! Pabalikin mo!” Parang titigil ang paghinga ko. Nasasaktan ako ng sobra para kay Charlie. Nagagalit pa nga. Pero, di ko maitanggi ang sayang nararamdaman ko. “Sige po. Masusunod po,” Mabilis akong tumakbo palabas dahil napagtanto ko na si Sydney nga yong nakita kong naka jacket ng itim at jeans na itim na naglalakad palabas ng building kanina. “Susi.” sabi ko sa valet. “Mr. Reyes.” “Mam, kaano-ano ka po ni Sir?” “Kapatid.” “Ah sige po,” Hinablot ko na ang susi mula rito at agad na nagmaneho pero saglit muna akong tumigil. “May babaeng lumabas rito na maganda, sobrang ganda, matangkad, mahaba ang buhok at naka jacket ng itim.” “Si Mam Sydney po?” “Oo,” “Mam..sumakay po siya sa lalaking naka motor,” “Sabi ko na nga ba. Sige salamat!” Madali akong nagmaneho papunta sa bahay nina Sydney. Pagbaba sa kotse ay dire-diretso akong naglakad papasok. “Sydney!” tawag ko sa aking kaibigan. Grabe na ang gigil ko dahil nasa labas ng bahay ang motor ni Paolo pero pinili ko pa ring kumalma dahil mabait naman si Sydney, tanga lang talaga pagdating kay Paolo. Kita ko itong naglalakad pababa ng hagdan at may bitbit na mga maleta. “Sydney, mag-usap tayo,” “Annie, please wag ngayon,” “At bakit? Kelan pa? Aalis ka na? Ano, sasama ka na naman kay Paolo?” “Annie, please.” “Anong please?” Naiiyak na ito habang naglalakad palapit sakin. “OH bakit ka umiiyak? Ikaw ang naiwan? Ikaw ang naloko?” Lalagpas sana ito pero pinigil ko ang braso nito. “Wag mo akong lalagpasan pag kinakausap kita ha,” galit kong sabi rito pero nanatiling mahinahon ang boses ko. “Annie bitawan mo ako. Kahit para na lang sa pagkakaibigan natin,” “Ah wow. Ginamit mo pa yon. Gusto mong marinig ang sasabihin ko bilang kaibigan mo? Ayaw kitang pagsalitaan ng masama pero, shet, ang tanga mo kung sasama ka sa gagong Paolo na yon na wala nang ginawa kundi saktan ka tapos iiwan mo si Charlie na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng tama? Nauunawaan mo ba? Ang swerte mo sa kaniya,” “Annie, humingi na ng patawad si Paolo,” Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan si Sydney, “Hindi mo manlang ba minahal si Charlie? Kasi yong tao, sobrang mahal ka.” “Annie, sobra-sobra ang pasasalamat ko kay Charlie dahil sa kaniya, naramdaman ko ang mahalin ng tama. Ang pahalagahan ng tama. Pero...Annie alam mo...kung gaano ko kamahal si Paolo. Sorry. Sorry. Sorry, Annie.” Yumakap ito sakin. Napalunok naman ako ng laway bago nagsalita, “Sana pagdating ng araw ay kay Charlie ka humingi ng patawad. Mapapangako mo ba na magiging masaya ka?” “Oo,” tatango-tango na sabi ni Sydney. “Panindigan mo na sana this time. Kasi wala akong ibang hiling sa inyong mga kaibigan ko kundi ang maging masaya kayo kasama ng mga taong totoo ninyong mahal,” “Salamat, Annie. Mauuna na kami, wag mong iiwan si Charlie ha...” Tinulungan ko ito sa pagbitbit ng mga maleta at inilagay sa likod ng kotseng gagamitin nila sa pag-alis. “Annie, maraming salamat,” sabi pa ni Paolo na tanging ngiti lamang ang kaya kong ibigay. Pinanooran ko ang paglayo ng sasakyang lulan si Sydney. Naiinis ako sa sarili ko pero hindi ko hahayaang masayang pa ang pagkakataong ito. Sabik akong sumakay sa kotse ni Charlie at nagmaneho pabalik. Pagdating ko sa Sweets and You, ang ice cream parlor s***h tambayan namin, tumabi ako kay Charlie na kasalukuyang nakaupo sa ibaba ng sofa. Magulo na ang kaninang ayos na ayos na VIP room. Sabog-sabog ang mga lobo at nagkalat na ang mga roses. “Oh, kain,” sabi ko pagkaabot ng paborito niyang flavor ng ice cream at naupo sa tabi nito. Ngumiti naman si Charlie, “Salamat. Ano nga palang sabi ni Sydney?” “Ha?” “Alam kong galing ka kina Sydney at nakiusap na balikan ako. Annie, hindi mo naman kailangan iyon gawin,” malungkot na sabi ni Charlie. “Tinirhan mo naman sana ako kahit kaunting kahihiyan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD