Chapter 11

1754 Words
“Itigil niyo yan!” sigaw niyong matandang babae at tinuktok ng tatlong beses ang dalang tungkod. Bumitaw si William sa pagkakasakal sa aking leeg at agad na umalis sa tubig. Naiwan akong nakahawak sa aking leeg at hindi maunawaan kung bakit ganon na lamang ang galit ni William sa akin. Kung inalis ang mga alaala, bakit kilala niya ako pero sa ibang paraan. “Magbihis ka na,” sabi ng matanda sa akin. “Pagkatapos, puntahan mo ako.” Gustong-gusto kong magtanong pero alam kong mas malaki ang tiyansang mapahamak ako kung malalaman nilang hindi ako nakokontrol ng kung ano mang iniligay nila aking utak. Umalis ako sa paliguan at naglakad patungo sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Madilim pero hindi ko na inabalang buksan pa ang ilaw. Hindi rin lang naman ako makakaiyak dahil sa nakalagay sa utak ko kaya kahit paano itong madilim na kwarto ang nakakadagdag ng lungkot. Pakiramdam ko ay karamay ko ang kadiliman. Sa ganitong paraan ay parang nagluluksa ako para kay Leo. Para sa aking anak na wala namang kamalay-malay sa mga ganitong kaguluhan pero nadamay. Binuksan ko ang closet at nakita kong iisa lamang ang istilo ng mga damit. Mabilis akong nagbihis at lumabas. “Halika, umupa ka,” sabi ng matanda nang ituro ng tungkod nito ang kaharap na sofa katapat ng pinag-uupuan nito. Mabilis akong sumunod at naupo na tila ba robot na wala manlang emosyon. “Pwede mo nang itigil ang pagpapanggap,” sabi nito dahilan para manlaki ang mga mata ko. Tumayo ito at muli, tiningnan na naman ako ng tingin na binibigay nito sa akin simula nang magising ako. Hindi ako agad umimik, dahil mamaya ay hinuhuli lamang ako nito. Inihain nito ang isang pinggang pagkain at laking gulat ko nang dumilim ang paligid ng sala kasabay nang paglabas ng mga monitors na akala ko ay glass doors lamang. “Eto ang Model 43 chipset na nasa utak mo. Itong mga pulses at lines na nakikita mo, recorded yan. Sa madaling sabi, lahat sayo ay alam ko. Maski ang iniisip mo. Bagamat hindi ko alam ang saktong nilalaman ng isip mo, may batayan kami na kung hindi sasakto roon ang brain pulses na standard ng pulses na dulot ng chipset, may mali. At base sa activity ng brain mo, fifteen percent lamang ng kabuuan ang nakocontrol ng chip,” sabi ng matanda. “Ibig sabihin, normal ka pa rin.” Itinulak ko ang plato palayo sa akin at lumunok ako ng laway bago nagsalita, “Bakit sinasabi mo sa akin ito? Dahil papatayin mo na ako? Ito bang pagkain ay may lason? Anong gusto mo sa akin? Unang kita ko pa lang sayo ay alam kong may laman ang mga tingin mo. Kahit kanina sa Treidon, iba ang tingin mo sa akin.” Maya-maya pa ay nagbago ang mga lumalabas sa monitor at bumulaga sa akin ang mga litrato ni Isaac, ang papa ni Leo. Kita ko ang pagngisi nitong matanda, “Sa tingin ko naman ay kilala mo si Isaac.” Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa gusto kong magalit pero hindi ko magawa. “Nagbabalik ba ang mga alaala?” “Alisin mo,” monotonong sabi ko pero sa loob-loob ko ay nagagalit ako. “Bakit ko aalisin? Hindi ba’t marami kang katanungan?” Tumingin ako rito ng walang kahit anong emosyon ang mga mata ko, “Oo, marami akong tanong pero ngayong pinakita mo sa akin ang taong dahilan ng pagkasira ng buhay ko, hindi ko na nanaisin pa ng sagot. Lalo na at wala naman na si Leo, ano pa ang dahilan ko para manatili at makipaglaban, hindi ba?” Humalakhak ito at may pinindot na naman ito. Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marahang dumilim at lumabas sa screen na masayang naglalaro si Leo, kasama Charlie. “Naniniwala akong sila ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa iyong buhay,” “Oo, pero wala na sila? Iyon ba ang gusto mong iparating? Para ano? Sinasabi ko na sa iyo, sayang lang ang oras mo sa akin, pero wala kayong mapapala sa akin. Hindi ko alam kung anong habol mo sa akin, pero mas gugustuhin ko pang mamatay para makasama na ang anak ko,” “Sa tingin ko ay mas gugustuhin mong mabuhay,” “Anong ibig mong sabihin?” “Itong nagpiplay sa harapan mo ay hindi recorded. Ito ay live footage sa lugar kung saan ko itinago si Leo. Si Charlie ay may chip sa utak, isang pindot lang pwedeng mawala si Leo sa kamay ng taong itinuring na niyang ama sa mahabang panahon,” “Sinungaling!” “At bakit ako magsisinungaling?” “Pinaglalaruan niyo ako. Anong kasalanan ko sainyo?” “Malaki! Sobrang laki, kulang ang buhay at ng pamilya mo bilang kabayaran,” Nabaling ang tingin ko sa monitor ulit nang kita kong tumigil si Charlie sa paggalaw. Tumayo lamang itong parang robot. Pumindot ulit ang matanda sa harapan ko at gumalaw na naman si Charlie. “Ngayon sabihin mo kung nagsisinungaling ako,” sabi ng matanda at may mga pinindot sa monitor na hindi ko maunawaan. Kapansin-pansin ang pag-iiba ng kilos ni Charlie at walang-awa nitong sinakmal ang leeg ni Leo. Kita ko ang takot sa mukha ng anak ko at pag-iyak nito. “Itigil mo!” sabi ko at mabilis na tumayo para agawin ang remote na hawak ng matanda. Kaso, bigo ako nang biglang dumating si William at kinalaban ako. Bagamat may kakayahan ako ay wala akong panumbas kay William kaya mabilis ako nitong napigilan at ipinosas sa upuan, parehas na mga kamay at mga paa ko. “Salamat, apo,” sabi ng matanda na ikinagulat ko. Pinagmasdan ko ang pag-alis ni William at doon lamang napansin ang malaking paso nito sa likod na may nakalagay na 3. “Itigil mo, pakiusap, gagawin ko lahat ng gusto niyo, wag mo lang sasaktan ang anak ko,” sumamo ko bilang pagtanggap ng aking pagkatalo. “Ayan ang gusto kong marinig,” sabi nitong matanda at buong-kaba kong inintay na tigilan ni Charlie ang ginagawa pero hindi ito tumitigil. “Itigil mo na! Bilisan mo!” muli kong sabi at sumunod naman ang matanda. Kita ko ang pagbitaw ni Charlie kay Leo at niyakap ito. Namatay na ang monitor at muli ay lumiwanag sa sala. “Hindi alam ng anak ko, ang ina ni William ang tungkol sa totoo mong estado. At wala dapat makaalam. Sa harapan nila, kailangan mong magpanggap na ikaw si Model 43. Ngayon, bakit ko ito ginawa? Dahil gusto kong hindi matuloy kung ano man ang binabalak ng anak ko,” “Ano? Nagpapatawa ka ba? Kanina lang may pabago-bagong mundo ka pang nalalaman,” “Dahil kailangan kong magpanggap, o papatayin ako ng sarili kong anak pag nalaman niyang gumagawa ako ng mga bagay na di sang-ayon sa kaniyang mga plano,” “Ayos to ah,” “Ako si Gloria Gareth, ang lola ni William at Isaac,” Saglit akong natigilan sa sinabi nito. “Nagulat ka? Dapat lang. Dahil wala naman sana talagang ganito kung hindi mo iniwan si Isaac,” “A-Anong ibig mong sabihin?” “Dahil hindi ka marunong magmahal, nawala ang buhay ni Isaac. Nagpakamatay siya noong iwan mo siya,” “Sinungaling,” “Hindi kita pinipilit na maniwala dahil maski ako ay hindi ko rin kayang maniwala na may kakayahan kang makaramdam, mas lalo na ang magmahal. Hindi ba? Kaya nga ikaw ang perpekto sa eksperementong ito. Nang mawala si Isaac ay tila nawala sa katinuan ang anak kong si Zenith. Sino ba namang ina ang hindi mababaliw pag nawalan ng anak, hindi ba?” “Ah kaya ganito ginagawa mo? Ginagamit mo si Leo laban sa akin para maramdaman ko kung ano ang sakit na dinanas niyo noon?” “Tumpak. Hindi ko naman na kailangan pang ipaliwanag dahil matalino ka. Kaya naman gumawa ng chip ang anak ko na ilalagay sa mga utak ng tao para makansela na ang mga emosyon. Akala ko noong una ay nagpapalipas lamang ito ng panahon habang nagpapahilom sa pagkawala ni Isaac, hindi ko inakala na palala ng palala ang inobasyon na ginagawa ni Zenith hanggang sa may prototype na siya na tao. Nawala si Model 1, hindi naging matagumpay. Akala ko ay titigil na si Zenith pero mali ako, ginawa niyang prototype si William. At naging matagumpay ito. Ngayon, ang gusto na niya ay buong mundo na. Isipin mo, kung ang lahat ng mga tao ay mabubuhay ng walang emosyon.” Hindi ako makapagsalita, ni makagalaw sa mga narinig ko. Hindi ko matanggap na naging makasarili ako sa aking mga desisyon. Hindi ko lubos maisip na nakasira rin pala ako ng buhay ng ibang mga tao. Buong buhay ko ay inisip ko lamang ang sumira sa buhay ko. “Patawad ho,” maigsing sabi ko. Napayuko ako at hindi na ako nagulat nang sampalin ako ng matanda. “Bakit ba hindi mo nagawang mahalin si Isaac? Hindi na sana umabot sa ganito,” “S-Sinubukan ko. Pero may iba akong gusto,” “Talaga? Yong Charlie?” “Paano niyo nalaman?” “Dahil si Charlie ang laging iniiyak ng apo ko tuwing nalalasing na hindi niya mapapantayan,” “Namali ho ako. Kasalanan ko ho,” “Ang tanong, minahal mo ba talaga si Charlie o dahil sa hindi mo siya makuha?” “Hindi totoo yan,” “Oo o hindi lang, Annie!” “Hindi mo ako kilala,” Ngumiti ito at umiling, “Yon ang akala mo. Simula nang mahalin at asamin ka ni Isaac, naging curious na ako tungkol sayo kaya lihim kitang kinilala mula sa malayo. Hindi ka masamang tao, hindi ko lamang maiwasang madismaya dahil sa kapipilit mong hangarin na mahalin ka ng ina mo kagaya ng pagmamahal nito sa nakakatanda mong kapatid, nalimutan mong pagbigyan ang ibang tao na mahalin ka. Kaya kung ako ang tatanungin, ay hindi ka pa marunong magmahal, Annie.” “Manahimik ka. Wala kang alam!” “Ikaw ang bahala. Pero ang mga kagaya mo ang pinakaayaw ko sa lahat,” “Ang dami mong sinasabi, ano ang kailangan kong gawin para manatiling buhay ang anak ko?” “Turuan mo magmahal si William.” “ANO?!!!” “Wag ka mag-alala, may oras ka pa para magplano kung paano mo gagawin iyon. Kailangan mo pang makasama sa sampong prototypes na ilalabas sa market, mahabang panahon pa iyon. Kumain ka na.” Inalis ng matanda ang mga tali ko at iniwan na ako mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD