Chapter 12

1971 Words
“Ma! Top 1 ako sa klase!” Kung tama ang pagkakaalala ko, napakaganda ng sikat ng araw na iyon at abala ang lahat para sa paghahanda para magsimba. Labing-walong taon na ang nakakalipas. Sabik ko pang winawagayway ang hawak kong papel habang tumatakbo pababa ng hagdan ng aming bahay. “Salamat, salamat. Oo, nakapasa si Venice sa entrance exam ng sikat na school para sa mga doctor. Sa totoo nga ay luluwas rin siya sa sunod na linggo pagtapos ng graduation,” sabi ni Mama. Napatayo ako sa dulo ng hagdan at nawala ang ngiti sa aking mga labi. Napakasaya at mababakas talaga sa boses ni Mama kung gaano siya kaproud sa mga achievements ni Ate Venice. Pero nalulungkot ako habang nakatitig kay Ate. Nakangiti man ay kapansin-pansin naman ang lungkot sa kaniyang mga mata. “Ang swerte-swerte mo talaga sa mga anak mo,” masayang bati ng isa sa mga kaibigan ni Mama. Nagsiparito ang mga ito para sa gagawing selebrasyon para bukas sa pag graduate ni Ate ng high school. “Sinabi mo pa. Hindi man ganoon kaluwag ang buhay namin pero itong si Venice ang malaking biyaya sa amin,” dagdag pa ni Mama. “Consistent honor student ito at ni minsan ay hindi pumalya sa pagtulong sa amin sa palayan at gawaing bahay. Naglilingkod rin ito sa sa simbahan.” “Tapos si Annie, achiever din,” Nawala ang ngiti ni Mama at tumango na lamang. “Tara na sa pagsimba?” pag-iiba ni Mama sa usapan. “Oooh! Ang galing talaga ng anak ko,” biglang sabi ni Tatay nang kunin ang papel sa aking kamay. “Salamat po, Tay,” naiiyak kong sabi pero pilit kong tinatago. “Pagtapos ng pagsimba, perya tayo?” kindat pa ni Tatay sakin. “Papagalitan po tayo ni Mama,” “Sus, malalaman ba niya yon? Mamimili naman ako ng mga kailangan sa palengke,” Nakangisi si Papa sa paghintay ng sagot ko. Ngumiti ako at tumango pabalik. “Ok po.” “Ano bang gusto mong kainin?” bulong pa ni Tatay at inilapit ang tenga sa akin. “Kwek-kwek at siopao,” “Kwek-kwek at siopao tayo,” bulong pabalik ni Tatay at nakipag-apir sa akin. “Halika na. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil sa mga biyaya. Malaking pasasalamat ko talaga na dalawang anak ko ay biniyayaan ng kakaibang galing. Wala eh, kagwapuhan lang naiambag ko,” “Tay!” “Biro lang anak.” Kahit malungkot ay agad na napawi iyon dahil kay Tatay. Nang umalis si Ate para mag-aral sa luwasan, naiwan ako sa bahay. Akala ko, sa pag-alis ni Ate, mapapansin naman ako ni Mama, pero mali ako. Masakit pero laging paalala ni Tatay, wag daw ako magtampo, imbes, mas maging mabait pa raw ako sa kapwa at mas pagbutihin ang pag-aaral ko kaya naman masasabi kong naabuso na ako ng mga tao. Bukod doon ay mas tumindi pa ang pagtatalo nina Mama at Tatay dahil sa napapabalita raw ako na kung sino-sino ang sinasamahan. Nagiging maayos at tahimik lamang ang lahat tuwing linggo at sa tuwing mababalita ang mga tagumpay na nakakamit ni Ate. Nakatapos ako ng valedictorian ng klase namin ng highschool at nakapasok sa engineering department sa state college sa aming lugar. Sa mga sandaling iyon, napapatanong na lamang ako na bakit kaya hindi pwedeng pantay ang trato sa amin ni Ate? Sabagay, mas magaling naman si Ate sa akin at hindi rin kakayanin ng bulsa nina Mama kung dalawa kaming mag-aaral sa luwasan. Kaya buong college ay hindi ko na ipinaalam kay Mama ang mga tagumpay ko, si Tatay lang at ang malapit kong tiyahin na tawag ko na ay Nanay. Tahimik ko na lamang ginagawa ang mga bagay-bagay, nagbabakasakaling balang-araw ay mapapansin at mapapahalagahan rin ni Mama ang mga pagsusumikap ko. Hanggang isang araw, noong una akong ihatid ni Charlie sa bahay dahil sa pagod ako umiyak noon nang malaman kong may sakit si Mitch, sa wakas ay kinausap ako ni Mama. Sabi ni Mama, gusto raw niya si Charlie at sa lahat daw ng mga desisyon ko sa buhay, si Charlie at sina Sydney at Mitch ang pinakamaganda. Simula noon ay madalas ko nang anyayahan si Charlie sa bahay. Dahil kasi doon ay nakakapag-usap kami ni Mama kahit paunti-unti. At nababawasan na rin ang mga away nina Mama at Tatay. Malaki ang pinagbago ng buhay ko sa pagdating ni Charlie. Pero lahat ng mga iyon ay tila naglahong parang isang bula. Ilang araw na lamang iyon bago matapos ang huling taon ko sa college, nagising na lamang ako isang umaga na nasusuka ako at masakit ang tiyan. Alas-dos ng madaling araw, bumangon ako dahil karaniwan ko naman talagang gising iyon para makapag-aral habang naghahanda ng umagahan. Pumasok pa rin ako noon dahil mapapagalitan lamang ako ni Mama kung magtatahan ako sa bahay. Iyon nga lamang, nawalan ako ng malay sa school at inuwi ako ni Charlie. Paggising ko noon ay malakas na sampal ang natamo ko kay Mama, at dinuro ako na kung ano-ano raw pa rin ang ginagawa kong kalokohan sa buhay. Baka raw nabuntis na ako ng kung sino. Bukod pa doon ay hindi siya nakapunta sa white coat ceremony ni Ate dahil hindi makasama si Tatay. Matindi ang sakit na naramadaman ko noon, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang galit sa akin ni Mama. Muli ay nagkalayo ang loob namin dahil nang ipatest ako ay negative naman at doctor mismo ang nagkumpirma na birhen pa ako noon. Simula noon ay lagi na lamang ako kay Mitch nakadikit, dahil na rin sa lumalala nitong sakit. Inubos ko ang oras ko para mabantayan siya hanggang makatapos ng kolehiyo. Madali lamang kaming nakapasa ng board exams at sa kompaniya nina Charlie kami nagtrabaho. Nang mawala si Mitch ay hindi ko talaga alam ang gagawin dahil ang pamilya na natatakbuhan ko nawala na. Doon ko nakilala si Isaac at nang makasama ko ito, aminado akong naging maayos ang aming samahan pero hindi minsan sumagi sa utak ko na magustuhan ito. Ang dating kagustuhan ko lamang na tahimik na pamilya kaya ko laging gustong kasama si Charlie, unti-unting nagbago. Naging magkaibigan kami, at hindi ko namalayan na humihigit na doon ang gusto ko. Nagalit si Isaac saakin dahil sa pagbabalewala ko raw sa kaniya. Nagalit ito at pinilit ako nito noon. Wala akong lakas na ipaglaban ang sarili ko noon dahil sa may inilagay ito sa aking inumin. Sumubok ako magsabi kina Mama sa pinagdaanan ko pero lalo lamang akong kinamuhian ni Mama. Di naglaon at nalaman kong buntis ako kaya ako na ang nagkusang umalis. Lumayo ako sa amin, kay Isaac, at sa lahat. Sa paglayo ko, nagimbal ang lahat nang pumutok ang balita tungkol sa pagpapakamatay ni Ate. Para akong mawawalan ng malay noon. Lalo pa at nag-iwan si Ate ng sulat sa akin. Ibang usapan pa na ilang beses akong sinubukang hanapin ni Ate pero nagmatigas ako. Lahat ng sama ng loob ko, kay Ate ko nasisi. Hindi dapat ako nagalit kay Ate. Gayong siya ay nahihirapan din naman. Nalugmok ako at hindi ko inakala na hahabulin ako nina Charlie at Sydney para samahan ako. Sila ang naging katuwang ko sa lahat hanggang maisilang ko si Leo at makabawi sa buhay. Nang malaman sa amin ang tungkol kay Leo, dahil na rin kay Charlie, kahit paano ay naging maayos-ayos ang lahat. Bagamat may lamat, lahat kami ay nawalan at may mga napagtantong mga bagay-bagay sa pag-alis ni Ate. Pero sa lahat ba talaga ng nangyari sa buhay ko, hindi ba talaga ako nagmahal? Hindi ba pagmamahal ang meron ako kay Charlie? Kahit sa aking mga magulang? At iyong kay Isaac? Kasalanan ko ba talaga? Aminado ako na kay Isaac ko naibunton ang prustrasyon ko nang hindi ko makuha si Charlie kagaya ng kagustuhan ko para magkahalaga sa aking pamilya, pero sapat bang rason iyon para pagsamantalahan ako? Para ariin ako? Paano ba masasabi na nagmamahal? Paano ba ang magmahal? “MODEL 43!!!” Napabalik ako sa realidad dahil sa malakas na boses na rumehistro aking tenga. Lilingon sana ako para tingnan kung sino ang tumawag sa akin pero nasapak na ako nitong kalaban ko. Nasa laban nga pala ako, nawala ko sa isip dahil sa kaiisip sa sinabi ng matandang Gloria kagabi. Hindi ko matanggap na sasabihan niya ako ng hindi ako marunong magmahal gayong buong buhay ko ay wala akong ibang hinangad kundi ang mahalin ako pabalik ng mga taong walang sawa kong minamahal. Akma na namang susugod sa akin pero nakaiwas ako sa pagkakataong iyon at nakaganti ng isang suntok. “Model 43!” Umalingawngaw muli ang tawag sa akin at sa pagkakataong ito ay nanggaling kay Gloria nang lumingon ako. “Patayin mo na!” utos nito pero hindi ko magawa dahil kapwa ko ito babae. “Patayin mo na o ikaw ang mamamatay!” patutsadang wika ng baliw na ina ni William. Napakuyom ako ang mga kamay ko nang biglang maramdaman ang masakit na kuryente sa aking ulo at dumaloy ang mga litrato ng aking anak. Wala na akong nagawa kahit labag sa loob ko ay tinuluyan ko na itong kaharap ko. Iyon lamang ay napaluhod ako bigla dahil sa di ko inaasahang tama sa aking tagiliran. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari iyon pero nawalan na ulit ako ng malay. Nagising na lamang ulit ako sa paliguan at nakalubog na naman sa tubig na kay lamig. Umahon ako at sa pagkakataong ito ay wala naman si William. Naglakad agad ako palabas kahit hubo’t-hubad ako at nakita ko si Gloria na preskong nakaapo sa sofa. “Gising ka na pala, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kanina. Mabubuking tayo,” galit na sabi nito. “Pasensiya na,” lunok-laway kong sabi. “Pero gusto ko lamang ipaalam sayo na mali ka tungkol sa akin. Marunong ako magmahal, ikaw ang hindi marunong. Kayong lahat na narito.” Ngumisi ito at tumayo, “Kung sakali bang ibinalik ni Charlie ang nararamdaman sayo, magugustuhan mo ba? O sadyang ayos lang naman talaga kahit ikaw lang ang gumugusto? Hindi kaya, akala mo lamang mahal mo siya dahil hindi mo siya makuha? Hindi ka man aware pero nakakakulong ka Annie at hindi mo pa nagagawang magmahal ng totoo,” Naglakad na ito paalis at naiwan na naman akong nanggagalaiti pero hindi ko maramdaman. Nagmartsa ako patungo sa kwarto at nagbihis. Naupo ako sa kama at nanatili lamang doon hanggang sa makita ko ang ilaw sa pinto na naging kulay pula na. Tumayo ako at marahang naglakad palabas. Titingkayad-tingkayad kong hinanap ang kwarto ng matanda para kunin ang remote na ginagamit nito pero laking gulat ko nang matigilan ako sa isang kwarto na hindi ako pamilyar. May mga boses akong naririnig sa loob. Maingat akong sumilip sa maliit na siwang ng pinto. Nagulat ako nang makita ko si William na nakaupo at nakaharap sa napakalaking monitor. Sa monitor ay nagpiplay ang isang video ng dalawang batang lalaki kasama ang ina ni William na Zenith ang tawag ni Gloria. Kitang-kita ang lungkot at galit sa isang batang lalaki habang pinapanooran ang isa pang batang lalaki na inaasikaso ng ina ni William. Hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Mula roon ay pinanood ko kung paano lumaki ang mga bata bilang si Isaac at si William. Pati na rin ang mga kalupitang pinagdaanan ni William. Pero kaiba sa akin, si William, nanatiling masayahin at mapagmahal. Nagbago lamang si William nang sa mga sumunod na video ay pinakita kung paanong sinubukan siyang patayin ni Isaac at nagawang mapigil ng mga tauhan ng kaniyang ina. Sumunod siya sa kung saan dinala ang kapatid at nakita kung gaano ito naghirap sa pag-opera dahil sa ito ang ginawang unang test subject ng chip na gawa ng kanilang ina. Hindi nagpakamatay si Isaac dahil sa akin. Si Isaac si Model 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD