Chapter 13

1647 Words
Nagpupuyos akong naglakad palayo at hinanap ang kwarto ng matandang Gloria. Halos libutin ko na ang bahay, makikita ko lamang pala sa isang library. “Sa normal na pagkakataon, dapat nadispatsa ka na dahil oras na ng pagtulog,” sabi ni Gloria at tiniklop ang binabasang libro. “Hindi nagpakamatay si Isaac,” sabi ko. “Ha! Paano mo nasabi? Saan mo nalaman yan?” “Alam mo, wag ka na mag-maang-maangan kung saan ako nanggaling bago ako nagpunta rito,” “Nakita mo ba ang pinapanood ni William?” “Oo. At alam ko na rin na planado ang paglapit sa akin ni William,” “Matalino ka talaga, hindi ako namali ng pagpili sayo. Galit ka ba na hindi totoo ang mga pinagsasabi sayo ni William?” Hindi ako nakasagot dahil kung aalalahanin ko ay wala lamang sa akin ang mga sinabi ni William dahil nakatuon lamang ang atensiyon ko kay Charlie. “Di ba, wala lamang? Pero paano kung sabihin ko sayo na totoo lahat ng mga sinabi ni William? Na nagustuhan ka na naman ng isa sa mga apo ko?” Mas lalong hindi ako nakaimik dahil kahit siguro walang chip sa aking utak na nagkokontrol ng mga emosyon ko ay wala pa rin sa akin kung totoo ang mga sinabi ni William. Umismid ang matanda at tumayo sa pagkakaupo, “Sige na matulog ka na.” “Hindi. Pakawalan niyo na ako. Hindi ako nararapat dito dahil hindi naman nagpakamatay si Isaac,” Tinuktok ni Gloria ang kaniyang tungkod at wala akong nagawa kundi ang mapaluhod sa tindi ng kuryenteng dumaloy sa aking ulo. Naglakad ito palapit sa akin at hinablot ang buhok ko. “Ikaw ang pumatay kay Isaac. Kung hindi nabaliw sayo ang apo ko, hindi magkakaganito ang pamilya ko. Isaksak mo sa utak mo yan. Nasiraan ng bait ang anak ko kakaisip kung paano babalik sa ayos ang anak niya kaya bumigay na lamang ang katawan ni Isaac sa paulit-ulit na eksperementong ginawa sa kaniya ni Zenith. Noong mawala si Isaac, si William naman ang kaniyang inekperimento lalo na noong malaman niyang sa iisang babae lamang nahulog ang dalawa niyang anak. Kaya kailangan mong iligtas si William, kabayaran sa buhay na kinuha mo sa amin. Hindi ko kakayanin na ang natitirang apo ko ay mawawala pa ulit!” Iwinaglit nito ang aking buhok at nasubsob ako sa sahig. “Wala akong kasalanan! Hindi ko naman hiningi na gustuhin nila ako! Pakawalan mo na ako!” “Papakawalan kita! Usapan na yan, hindi ba? Tapusin mo lamang ang napagkasunduan natin at wala ka nang problema,” “Bakit kailangang pilitin o turuan? Hindi ba’t kusang nararamdaman ang pagmamahal?” “Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, wala ka nang mapapagpilian kundi sundin ang gusto ko o mawawala ang anak mo,” “Kahit apo niyo siya?” “Hindi ko naman sinabi na papatayin ko si Leo dahil kadugo namin siya. Ang akin, sa isang pitik ng kamay, hindi ka na kikilanin ng anak mo.” Naglakad ito paalis at tinanggap na lamang na mukhang wala na talaga akong takas sa kapalarang kinasasadlakan ko. Imbes na bumalik sa kwarto ay pinili kong manatili sa library. Malabo akong dalawin ng antok ngayon. Habang naglalakad palapit sa mesa kung saan ibinaba ni Gloria ang binabasang libro, nakita ko ang mga papel na may mga nakasulat na impormasyon tungkol sa mga taong kasama ko sa Treidon. Binasa ko isa-isa at doon napagtanto na lahat ng ay may isang katangian at iyon ay may mga mental illness ang mga ito. Emotionally unstable. Totoo ngang eksperimento ang nangyayari. Pero hindi ko lubos maisip na napakarami palang mga tao ang gagastos para lamang hindi na makaramdam. Ano kaya ang mundo kapag hindi na nakakaramdam? Mas maganda kaya? Mabilis na lumipas ang mga oras at nagising na lamang ako na panibagong araw na ulit para mag-ensayo. “Mauuna na ako sa Treidon,” sabi ko kay Gloria nang dumating ito sa kusina. Ngumiti ito at naupo sa mesa. “Walang ensayo ngayon.” “Totoo?” tanong ko at ibinaba ang kape saka ang tanging tinapay na kinakain nito. “Aba, alam mo na pala ang kinakain ko?” “Oo. Saka alam ko naman sa edad mo ay hindi ka na pwede sa mabibigat na pagkain. Ganiyan ang lola ko,” Pansin ko ang pagngiti nito pero agad ring pinawi. “Ano ang gagawin ngayon?” tanong ko pagbalik sa lababo para maglinis. “Mag-eensayo kayo ni William,” “Ha? Ipapapatay mo ba ako?” “Huwag kang mag-alala, nakausap ko na si William at nakaprogram ngayon ang mga gagawin niya. Ngayon ay hindi ka na naman niya kilala,” “Ganon ba. Sige,” “Gamitin mo na rin ang pagkakataong ito na i-evaluate kung gaano ang kailangan mong gawin para malabanan niya ang chip,” “Sa paraan ng pagkainlove?” “Oo. Wag ka na magtanong ng marami. Malalaman mo rin ang pinakarason kung bakit gagawin mo ito,” sabi ni Gloria at ngumiti nang makita si William na naglalakad palabas ng bahay. “Model 43! Let’s go,” sabi ni William na parang robot. Hindi agad ako nakahakbang nang mapagtanto na si William ang tumawag sa akin sa Treidon kahapon. “MODEL 43!” Sa pangalawang tawag ni William ay sumunod na ako. Paglabas ay agad na naghubad ng suot na t-shirt si William. Muli kong napagmasdan ang katawan nitong puno ng lahid. Kaya siguro ganon na lamang ito ka di sang-ayon sa pagbukas ko ng polo nito noong ma-stuck kami sa elevator. “Let’s do a warm up,” sabi na naman nito at nagsimulang mag-inat-inat. “Follow me.” “Ok,” maiksing sabi ko at sumunod rito. Nagjogging kami. Pagbalik namin ay agad ako nitong tinapunan ng kawayan, “Fight!” sigaw nito at wala itong patumangging sinugod ako. Gusto ko man umangal ay hindi pwede. Bilin ni Gloria na mag-ingat ako sa mga sasabihin ko kay William dahil sa ngayon ay hawak pa ni Zenith ang full control sa chip nito. Monitored ito sa madaling sabi. Sinalo ko ang hampas nito at nagbakbakan kami. At ang tangi kong masasabi ay kung ensayo lamang ito, baka hindi na ako makaabot sa sampong prototype. Napakalakas ni William. “Strengthen your muscle,” sabi nito at ngayong malapit ako sa mga mata nito, hindi ko maiwasang malungkot dahil sa malayong-malayo na ang mga mata nito sa dating William na kumikinang pa sa saya. “AHHH!” palahaw ko nang magawa kong maitulak si William palayo sa akin. “Good!” sabi nito at sabay sugod na naman sa akin. Sa pagkakataong ito ay hindi na ito nagpipigil kaya naputol agad ang hawak kong kawayan. “Teka, kukuha muna ako ng kawayan,” sabi ko pero imbes pansinin ang sinabi ko, binitawan nito ang hawak na kawayan at umamba ng suntok. “Learn to fight without a weapon,” sabi nito. “Not all circumstances are weapon available. Learn the weak points, and you’ll be fine regardless of your enemy’s body build. Now, focus on the punch and dodge! Then counter!” Ginawa namin iyon at nagulat ito nang sumuntok ako. “Your punch is weak,” sabi nito at tumigil kami sa pag sparring. Naglakad ito palapit sa punching bag na nakasabit sa isang mababang puno at mwinestra na sumunod ako. “Here, make your punches strong,” utos ni William. Mabilis na lumipas ang buong maghapon, masasabi kong kahit may chip, ramdam ko ang pamamaga ng katawan ko. Masalimsim na nang tumigil kami at sinabihan agad ako ni Gloria na magtungo sa paliguan para ipahinga ang katawan. Maaaring maapektuhan ang chip kung masyadong mapapagod ang katawan. Pagkarating sa paliguan ay matinding lamig ang agad na sumalubong sa akin. Marahan kong inalis sa pagkakatali ang suot kong robe at akmang hahakbang palusong sa paliguan nang lumagpas sa akin si William at walang pag-aalinlangan na naunang lumubog sa akin. Kaswal na kaswal itong naglalakad ng nakahubad na para bang wala lamang. Napaatras ako at kalmadong kinuha ang robe ko para magbihis ulit. “Model 43, where are you going?” tanong ni William. “I’ll get in after you,” sagot ko na lamang habang nakatalikod. “Join me, is there a problem?” Napaharap ako rito nang makarinig na kakaibang tono sa boses nito. Pero pagharap ko ay wala namang emosyon ang mukha nito. “I said, join me. I’ll tell you some points to remember to survive,” sabi nito. Tumango ako at lumusong na lamang sa tubig. Naupo ako kaharap ni William. Nagsimula itong magsalita pero nanatili lamang akong nakatitig rito. Kung oobserbahan nga ay malayong-malayo ito sa William na una kong nakilala. At kung tatanungin ako, mas gusto ko ang William na una kong nakilala. Kahit paano ay nauunawaan ko na ang gusto ni Gloria. Ako mismo ay hindi papayag na makikita ang mahal ko sa buhay na hindi na muling magkakaroon ng sigla sa mga mata. Umangat ako sa pagkakaupo at marahang gumapang palapit kay William. Diretso pa rin ito sa pagsasalita. Pagkalapit ay sinubukan ko itong hawakan pero agad nitong nakuha ang kamay ko. “Anong ginagawa mo?” tanong nito. Imbes sumagot ay ginawa kong makawala at sinubukan ulit na itulak si William. Ramdam ko ang pamumuo ng tensiyon at nagsimula kaming maglaban pero walang pwersa. Tamang pinipigilan lamang niya ang mga atake ko. Hanggang sa tila napuno ito at hinawakan ang braso ko saka inilubog sa tubig. Iniangat ko ang dalawa kong mga binti at sinipit sa kaniyang leeg. Habang nasa ilalim ng tubig, pinilit ko itong mapalubog at nagtagumpay ako. Nang malubog ito sa tubig kasama ko, agad ko itong hinalikan. Pahigop. Kung may kahinaan man ang mga ganitong chip at connections, tubig iyon. Ngumisi ako at alam na ang gagawin ko. I have to make William fall in love...again...with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD