Sa paggising ni Quinn ay wala siyang taong naabutan sa bahay, busy kasi ang mga ito sa isang pacontest at sayawan na gaganapin mamayang gabi. Inaaya nga siya ng mga tita niya na sumali ngunit tinanggihan niya ito dahil wala siyang interes sa mga ganitong contest at isa pa ay wala rin talaga siya sa mood mula pa kagabi. Nagpunta siya ng kusina para magtimpla muna ng kape hindi niya na inabala na hanapin pa si Kai nang hindi ito makita sa sala kung saan ito natutulog ng ilang araw na. Kung wala ito sa bahay ay malamang naruon ito sa kotse ni Emy at kausap na naman si Sam. Hindi pa rin sila nakakapag-usap mula kahapon pa, may lakad nga dapat sila ni Lance ngayon araw pero tinanggihan niya ito at nagdahilan na lang na gusto lang muna nitong magstay sa bahay. "Nang

