Matapos makita ng dalawang mata ang eksena kung saan mahigpit ang pagkakayakap ni Lance kay Quinn ay umalis na ruon si Kai, pakiramdam niya'y hindi na rin naman na siya kailangan pa. Nagpunta siya kung saan nakapark si Gray, umupo sa driver's seat, ibinaba ang salamin ng bintana at isinalampak ang headphone sa tainga bago magplay ng paboritong opm songs mula sa cellphone. Hindi niya alam ang mararamdaman sa nakita kaya gusto niya lang munang magpahangin at mapag-isa. Kasama ang Tita Ester ni Quinn at si Sam ay nagpunta sila sa bayan para mamili ng mga sangkap na iluluto kaninang umaga. Pabalik na sana sila ng magpumilit si Sam na daanan ang bahay na pinapagawa nung Lance na noong oras na iyon ay saka niya lang nalaman na ito pala ang tinutukoy ng Mommy ni Quin

