"What else?" masuyong tanong ni Quinn at tila nag-iisip ng kung ano pang pwede nilang bilhin para sa kanilang pagbisita ngayong araw sa bahay ng kambal. Kasama si Kai ay nasa isang supermarket sila para mamili ng pagkain at mga gamit na pwedeng makatulong sa lola at lolo ng kambal na sina Micah at Ezra. Ngayon ang araw na sadyang inilaan nilang dalawa para bisitahin at pilitin na kumbinsihin ang Lolo Erning ng kambal na magpadala na sa hospital para mas mabantayan ito, masuri at mabilis na mapagaling ang mga naging komplikasyon sa mild stroke na nangyari sa kanya. Si Quinn ang may ideya ng lahat ng ito, una niyang kinausap si Emy patungkol sa plano niya na agad namang sinuportahan ng kaibigan, yun nga lang ay hindi ito makakasama dahil kailangan din nitong pumasok sa t

