Matapos batiin ng goodmorning ang isa’t isa at kumuha ng kanya-kanyang maiaalmusal ay tahimik lang na naupo si Quinn, Kai at Emy, magkaharap si Kai at Quinn at nasa gitnang pwesto naman si Emy na panay ang lipat ng tingin sa dalawa at hinihintay na magkwento ang mga ito.
Nang walang gustong magsalita ay binasag ni Emy ang katahimikan, "How's the date last night?"
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa na tila nagpapanggap na walang narinig, si Kai na nagpapalaman ng pandesal at si Quinn pinapaikot ang kutsara sa tinimplang kape.
"Wala bang sasagot? Yoohooo? Is anyone here? Am I talking to myself?" winawagayway niya pa ang kamay sa mukha ng dalawa.
Nagpipigil ng tawa yan ang nakita niya sa mukha ng mga ito. Dahil sa hindi pagsagot sa mga tawag at text niya kagabi ay hinintay niyang makauwi ang dalawa, wala siyang pasok ngayon at late na rin siya nakauwi kaya hinintay niya na ang pagdating nila. At alas dose nga nang hating-gabi ay narinig niyang bumukas ang gate, may spare key si Kai kaya hindi niya na kinailangan babain pa ang mga ito at makita kung anong itsura ng dalawa na ang paalam lang sa kanya ay may kikitain na kaibigan si Quinn.
"It was fine Emz." tipid na sagot ni Quinn.
"Yun lang? Kai ikaw?" baling niya sa binata.
"Ayos lang ate." tipid din nitong sagot.
"Trapik kasi ate, kaya anong oras na kami nakauwi." Dagdag pa ni Kai.
"Yeah he's right Emz." Pagsang-ayon naman ni Quinn.
Halos masamid naman si Emy sa kinakain sa narinig niyang walang kabuhay-buhay na sagot ng dalawa. Parang hindi nag-enjoy ibang-iba sa nalaman niya na dapat niya na sigurong sabihin para lang mapaamin ang mga ito.
"Nagising ako nung marinig kong may nagbukas ng gate, when I saw the clock it was past twelve midnight, ganun na pala kagrabe ang trapik ngayon, hayy di ako nainform, dito na lang siguro ko sa bahay magtrabaho, di'ba Kai?"
Napakamot sa noo si Kai ng marinig iyon, alam niyang hihintayin sila ni Emy at inaasahan niyang ito ang magbubukas ng pinto para sa kanila, pero ng makita niyang wala at silipin sa kwarto na natutulog na ito ay akala niya nakalusot na sila.
"Ahhh, gumala lang saglit ate, tapos umuwi na din kaso nga trapik” Dahilan niya na lang.
"Saan kayo nagpunta? Sa malapit lang ba?"
"Oo ate."
Tumango si Emy para sang-ayunan ito at bumaling naman kay Quinn na hindi rin makatingin ng diretso sa kanya.
"Malapit lang pala ang Subic nuh," sambit niya nang hindi tumitingin sa dalawa at parang nagkukwento lang sa sarili, umayos ng upo ang dalawa,"it just happens that someone texted me that my car was seen parked just outside a resort somewhere in Subic, and stayed there till after the sunset. Ang layo ng napuntahan ng kotse ko..." patuloy niya pa, hindi nakawala sa kanya ang hindi maintindihang reaksyon sa mukha ng dalawa, mukha ng nabisto. Hindi niya naman nais malaman na napadpad duon ang sasakyan niya, sadyang madaldal lang ang pinsan niya at itinawag nito na sumaglit duon si Kai kasama daw ang isang magandang babae na Quinn ang pangalan.
Nang wala pa ring gustong sumagot sa dalawa ay tumayo na siya, "Kai pacarwash maya si Grey ah pagod na pagod daw siya daw siya sa layo ng biniyahe." Utos niya sa binata na pagtango lang ang isinagot.
"Quinn?" pagtawag niya naman sa atensyon ng dalaga.
"Why---Emz?"
"After you finished your breakfast, samahan mo ko may pupuntahan tayo."
"Saan Emz?"
Nilingon siya nito, with a wide smile on her face, "Ahhh, ever heard of Intramuros? Luneta?" aniya rito at di na napigilan ang mahinang pagtawa, tila nahiya naman ang dalaga at iniwas ang tingin sa kanya.
"Biro lang, mamalengke tayo, hindi naman siguro trapik." patuloy niya at umalis na lang sa kusina ng hindi hinintay ang sagot ng dalaga.
Naiwan ang dalawa, asking each other without saying any words, eyebrows keep rising.
Napasapo sa noo si Quinn, naikwento niya kasi sa Uncle nito ang mga pinuntahan nilang lugar at hindi niya naisip nung time na iyon na malalaman ni Emy ang lahat, she felt guilty bakit dinaldal niya ito nung sandaling umalis si Kai sa tabi niya.
Nag-enjoy naman talaga siya sa mga pinuntahan at travel, travel kasama si Kai kahapon ang problema lang ay nahihiya siya kung ikukwento lahat ng iyon kay Emz at sa harapan pa ng binata.
She just hopes that Emy doesn’t know the part when he suddenly hugged Kai dahil sa tuwang naramdaman niya ng surpresahin siya nito and make her wish to go to a beach fulfilled.
*****
"Nice game pre!" sambit ng isang manlalaro kay Kai, tinapik niya rin ito at kumuha muna ng maiinom.
Nasa basketball court sila at katatapos lang makipaglaro sa mga dayo sa lugar nila. He needed this para mailayo ang isipan sa mga nangyari kahapon lalo na sa tagpo na yumakap si Quinn sa kanya. Alam niya namang nabigla lang ito, maging siya ay ganun din ang naramdaman but still hindi niya maintindihan ang tumatakbo sa utak niya ngayon, masaya siya pero kasabay nun ay ang hiya na lumapit ulit dito.
"Kai." pagtawag sa kanya at ng lingunin ay si Glen ang nakita niya, kararating lang nito at hindi naman nakapang-ayos na pangbasketbol kaya tingin niya'y hindi ito maglalaro.
"Oh pre balita!" sagot niya at nakipagfistbump dito.
"Ayos naman, napadaan lang ako nung malaman ko naglalaro kayo, may itatanong lang ako Kai." saad nito at parang hindi mapakali.
"Ano yun?"
"Kilala mo ba yung naghatid kay Emy kagabi? Dadaan sana ko sa inyo kaso nakita ko ng bumaba siya sa isnag kotse, alas diyes na rin ng gabi kagabi. Honda yung kotse pre, kilala mo ba yun?"
May taong agad pumasok sa isip ni Kai pero dahil hindi sigurado ay hindi niya na muna iyon sinabi kay Glen,"Ah, baka nagbook lang iyon si ate, gamit ko kasi kotse niya kagabi kaya walang nagsundo sa kanya." dahilan niya na lang.
"Ganun ba, akala ko may bago na si Emy eh. Luge tayo pag nagkataon, motor pa lang meron ako."
Napatawa siya sa isinagot nito, "Bahay pa pre," dagdag niya na ikinaalis ng kunot sa noo nito.
Nagpaalam na rin ito pagkatapos, kaya pala nahintay siya ng ate Emy niya kagabi ay anong oras na rin ito nakauwe, at nakipagdate.
"Isa pa daw laro pre." saad ng isang kateammate niya.
Nagthumbs-up lang siya rito at matapos ay naghanda na ulit sa paglalaro.
*****
"Emz!" pigil ni Quinn kay Emy, paulit-ulit kasi nitong sinasabi sa kanya na magkwento siya tungkol sa mga pinuntahan at nangyari kahapon habang naglalakad sila papuntang palengke para makapili ng lulutuin sa pananghalian.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako kung anong ganap kahapon at napadpad kayo ng Subic." natatawang sagot nito sa kanya.
"Emz..." kunot noo nilingon niya ito, “We just wanted to go places, he said he wanted me to know some famous landmarks here in Manila, that's why. And we're just in the car the whole time.” paliwanag niya pero kita niyang hindi ito kumbinsido.
"Subic?"
"Ahhh...” napalunok muna siya, “It was my idea first, but the weather isn't good and the time is short so we decided to go just visit nearby places, I don't know much about here that's why I'm also shocked that we go that far..." muli niyang paliwanag, naalala niya yung biglaang yakap na ginawa niya kay Kai ng makita ang dalampasigan... She stares at Emy and praying that she doesn’t know anything about that.
"We literally stayed at the seashore until the sunset, and go back after Emz..." patuloy niya pa.
Nakangiti lang ito sa kanya kaya hindi niya mabasa kung anong tumatakbo sa isip nito. "How's him Quinn?"
Seryoso ang tono ni Emy, pero anong isasagot niya?
Hindi niya namalayan na nasa palengke na pala sila at nagtitingin na si Emy ng mga bibilhing rekado kaya hindi na nito hinintay pa na makasagot siya.
*****
"Mom I miss you!" bungad ni Quin mababakas sa boses niya ang pananabik habang kausap ang Mommy nito sa phone.
"Hi baby! Ayos lang si Mama, maganda pa rin as usual, ikaw? How's your stay there?"
Napangiti siya, she misses her Mom's sweet voice so much.
"I don’t know Mom, but I'm really enjoying my stay here," nagpout ang labi nito, kahit kasi nag-eenjoy siya sa pag-stay ay may pakiramdam naman na nagbibigay ng lungkot sa kanya.
"Good to know. Mamaya na ang flight ko pabalik ng Pinas, maybe may unica hija would want to visit me in Lola's house?"
Nakalimutan niya na ang bagay na iyon, nabanggit na ito sa kanya ng Mommy niya the last time they talked, ang bilis ng araw at ngayong gabi na pala iyon, hindi pa siya nakakapagpaalam kay Emy patungkol sa pagbisita ng ilang araw sa La Union, her Mom’s province.
"Of course I'll visit you there Mom, are you with Dad?”
"Nope, alam mo namang busy yun sa negosyo niya," she heaves a sighed, as expected negosyo pa rin ang priority ng Daddy niya.
"But I'm with someone na gusto ka ring makita anak." her Mom's voice is pleased ng sabihin ito, tila may kinausap pa ito sa tabi niya hindi niya nga lang marinig ng maayos kung anong pinag-uusapan nila.
That left a question on her, sino naman kaya iyong tinutukoy ng Mommy niya, maybe Tita niya na nagsstay din sa U.S or any relatives na matagal na siyang hindi nakikita at gustong bumisita rin sa Pinas.
"Take care Mom, I miss you! See you in Lola's house."
"Mom misses you too so much, ingat ka diyan and see you soon!"
"Yes Mom, don't worry."
Matapos ang pag-uusap na iyon ay kailangan niya namang bumaba para ipaalam kay Emy na ilang araw muna siyang aalis para makasama ang Mom niya. Kung papayag ba ito na siya lang mag-isa ay hindi niya alam lalo pa at babalik pa rin naman siya. Bahala na sa kung anong mapag-usapan nilang dalawa mamaya.