"Shall we?" tanong niya rito matapos nilang maglunch sa isang Japanese restaurant kung saan kumain sila ng ramen na matagal niya na ring kinicrave. Nag-enjoy naman ang binata at sabi pa nito'y aaralin niya ang pagluluto ng ganun kung isa yun sa mga paborito niya, that made her giggled in secret.
“Saan na ang punta?” balik namang tanong nito.
Kanina niya pa talaga iniisip kung saan sila pwedeng magpunta pagtapos nilang kumain kaya may nakahanda na siyang sagot, “Beach." her eyes glimmering like stars in the nightsky.
Tila may question mark naman na nag-appear sa mukha ng binata, “Malayo ang dagat dito, isa pa anong oras na hindi natin masusulit kung susubukan man natin pumunta kahit sa pinakamalapit. Any other choice?” sagot nito, nawala tuloy ang ningning sa mata niya at napalitan ng unti-unting pagkunot ng noo.
“Yeah you’re right---Umm...” sandali siyang nag-isip, “then just take me to a place where I can talk and be one with nature.” suhestyon niya ulit, this time she'll love to be in a peaceful place, somewhere that is full of greenery, a park or garden would do, pero nakalimutan niyang iba nga pala ang takbo ng utak nitong kasama niya.
“There’s a comfort room a few meters from here, if you’re having call of nature.” impit ang pagtawa nito at hindi rin na nakatingin sa kanya.
Aba'y mukhang busog talaga ito sa kinain nila at nag-uumpisa na naman ng nakasanayan nitong pang-aasar.
“You know what,” tinignan niya ito, tingin na anumang oras ay kayang pumatay, “if this is my first time talking to you and you answered me that way, I'll kill you right away." sambit niya.
Ngunit sa halip na matakot o tumigil ay tuluyan na itong tumawa ng malakas, mabuti na lang ay nasa elavator na sila at tanging si ateng operator lang at siya ang nakarinig sa pagtawa nito. Napasapo siya sa noo, ang sama talaga pag binubusog itong lalaking 'to.
"What's funny?" taas-kilay niyang tanong ng makalabas sa elavator.
"Ahhh... nothing," tumigil ito, "I just thought if an angel like you would kill me, I'm sure I'll be in heaven in no time. Por pabor Miss Quinn." umalis ito sa pwesto na nangingiti at binuksan ang pinto sa driver's seat ng kotse.
Naiwan siyang nakatulala, hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung maganda ba iyon na ayos lang na mamatay siya o dahil sa sinabi nito that she look like an angel.
Erase! Erase! Nangtitrip lang ito yun ang sigurado siya, though his voice sounds serious... Ughh!!!
Nang makaupo sa passenger's seat ay tinapunan niya lang ito ng tingin. Hindi na ito nagsalita at nagfocus lang sa pagdadrive palabas ng parking area.
"Oops, mukhang malabo na rin ang take me to nature." aniya nito at umiling-iling, akala niya'y nang-aasar pa ulit ito, pero nakita niyang ibinaba nito ang window sa side niya at inilabas ang kamay, doon niya lang din napansin na makulimlim na at nagsisimula na rin ang pag-ambon dahil sa mga patak sa windshield.
"Okay, let's go home na lang, I'll just play with Aria and Manang." saad niya, ayaw man niya na umuwi agad ay wala rin naman silang mapupuntahan kung ganitong walang pakisama ang panahon.
"Wait." tipid nitong sagot sa kanya.
Pinaandar nito ang kotse without saying anything kung saan ang punta nila, huminto ito sa isang pwesto kung saan may mga nakapark din na kotse sa unahan.
Balak ba nitong pahintuin ang ulan para lang matuloy sila?
"Can I ask you something personal?" their eyes met. Walang ngisi o pagpigil ng tawa ang nakita niya sa mukha ng binata, seryoso ito o may naisip na namang kalokohan.
"Okay." nag-aalangan niyang sagot.
"What's your ideal kind of date?" patuloy nito na siyang ikinagulat niya.
Ideal kind of date?
Makailang beses na umulit iyon sa isip niya. Anu nga ba? Sa totoo lang ay wala rin siyang alam sa mga ito, kailan nga ba yung huling beses na nakipagdate siya, that's a simple dinner date with a close friend of her at matagal na talaga iyon. Hindi niya na nga matandaan kailan eksaktong nangyari, okay naman kasi siya kahit mag-isa lang at sa pinupuntahan niya ay hindi niya priority ang paghahanap ng lalaki kundi ang malibot and take pictures of the breathtaking views of nature and landscapes. At kung may isasama man siya sa adventures niya ay hindi iyon lalaki kundi si Emy lang.
"That's too personal... but to answer your question, maybe a candlelight dinner date..." nag-aalangan niyang sagot.
Tumango ito at tumahimik ang paligid nila, her heart started to beat faster pakiramdam niya kasi ay mas dapat siyang kabahan kung ganito katahimik ang lalaking kasama.
"Um, have you heard of travel date?" tanong ng binata.
Travel date? Paano yun? Hindi niya alam kung anong iisipin, ano ba naman kasi itong naiisip na tanong ng lalaking 'to sa kanya.
"Travel, like yung ganito, nasa kotse lang tayo and will go different places, ieenjoy lang natin yung mga makikita natin sa labas." paliwanag nito na tila sumagot sa tanong niya.
Wala namang kaso kung travel lang, but to call it a travel date ay parang iba na ang dating sa kanya. It's only a date if two persons have mutual feelings for each other right? Eh sa part nila pareho namang wala silang nararamdaman para sa isa't isa...
"Let's just travel, don't include the date word..." pagtatama niya, iniwas niya rin ang tingin dito dahil may awkward atmosphere siyang naramdaman sa kotse.
"Okay boss." tipid nitong sagot, may kinalikot ito sa phone, tingin niya’y may tinitext ito base na rin sa galaw ng mga daliri niya, nang matapos ay iniligay sa phone stand sa gitnang parte ng kotse. Waze app ang inopen niya, nang basahin niya kung san ang location ay Intramuros ang nakalagay.
"Ready? Tell me kung nagugutom kana ulit ah or call of nature." pabiro nitong turan bago muling pinaandar ang kotse.
Habang nagmamaneho at mapapadaan sila sa mga sikat na landmark sa metro ay ipinapaliwanag nito sa kanya kung anong lugar iyon at kung may tanong naman siya ay agad din nitong sinasagot, kahit paminsan ay pabiro o may halong pang-aasar ay hinahayaan niya na lang ito, that's a part of him na kailangan niya na lang masanay para magkasundo silang dalawa at maging tahimik ang mundo niya.
Sa kakadaldal nila ay pareho rin silang nakaramdam ng gutom, mahigit isang oras ng simulan nila itong travel, travel. Dumaan sila sa isang drive thru fastfood para bumili ng pagkain at matapos ay nagpatuloy sa kung saan man sila gustong dalhin ng road trip nilang ito.
It was relaxing on her part, nakaupo lang siya habang kumakaen at pagtapos ay may nabibisita pa siyang mga lugar dito sa Pilipinas na ngayon niya lang napuntahan. Siya na rin ang nag-ayos ng pagkain ng driver niya na nagpapansin na rin, andiyang magpupunas ito ng pawis kahit ang lamig naman sa loob ng kotse o kaya ay magsasalita at magpaparinig na nagugutom na siya at napapagod magdrive. Pero imbes na mainis o mairita ay natatawa na lang siya sa mga ikinikilos nito, naalala niya ang sinabi nuon ni Micah patungkol sa binata.
Intramuros, Luneta, Moa, National Museum ang iilan sa inikutan nilang lugar, gustuhin man niyang bumaba kahit sandali ay hassle dahil sa maputik at basang daan dulot ng pag-uulan.
Nang isang diretsong daan na lang ang kanilang dinadaanan ay binuksan nito ang radyo, may isang opm song ang kasalukuyan na tumutugtog, nagsimulang sumabay ang binata at sa ikalawang pagkakataon ay narinig niya itong kumanta. She can't help but smile, he's really good at singing.
Tahimik at hinayaan niya lang ito, nakapokus naman ito sa pagdadrive kaya hindi siguro nito pansin ang ilang beses niyang paglingon at pagngiti habang nag-eenjoy lang ito sa pagkanta.
"You're really good at singing," puri niya ng matapos ang kanta.
"Maliit na bagay." Ngumisi ito, mabuti na lang ay narinig niya na ng makailang ulit yun kay Ezra tuwing pupurihin ito ni Micah kaya alam niya ng it's like saying thank you but in a sarcastic way.
"Small things." pagsasalin niya sa ingles, nilingon siya ng binata with a weird look on his face na ikinabungisngis niya.
Makalipas ang ilang oras na nakaupo lang ay nakaramdam na si Quinn ng pangangawit ng pwetan kaya binanggit niya na huminto na muna ito para makapagstretching muna sila.
Sumenyas ito na sandali lang, malapit na rin na lumubog ang araw, kanina niya pa itong pinagmamasdan, ang saya sana if they can view the sunset on a beach pero alam niyang hindi na iyon mangyayari.
“Andito na tayo.” Saad nito, nang ikutin niya ang tingin ay isang magarang resort ang pumukaw ng atensyon niya, bumaba ang binata sa kotse at dumeretso sa isang lalaking nakasumbrero at kinausap ito, mukha naman silang magkakakilala dahil nagmano pa ito.
Hindi man lang siya ininform nito kung nasaa sila kaya sumunod na siyang bumaba ng kotse at sinundan si Kai.
“Ahhh Uncle, si Quinn nga pala, yung kaibigan ni Ate Emy na nagbabakasyon ngayon sa bahay.” Pakilala nito sa kanya, may katandaan na rin pala ang lalaki hindi lang halata sa malayuan na tingin, inabot niya ang kamay nito at nagmano.
Sunod niyang nilingon si Kai at pinandilatan ito, hindi pa rin nito sinasabi kung nasaan sila.
“Ahhhhh yun ba, kinontak ko si Uncle kung pwedeng sumaglit dito, kanina pa kitang napapansin na panay ang tingin sa oras. Isa pa gusto mo magbeach di’ba hindi nga lang pwedeng magswimming dahil wala tayong dalang damit at baka gabihin tayo but we can stay and see the beautiful view of sunset here.
“Uncle kayo na pong bahala, uuwi rin kami mamaya.”
“Tara? Baka mahuli pa tayo sayang ang mahabang biyahe.” Nakangiting pag-anyaya sa kanya nito, hindi pa man lubos na naproseso ang mga sinabi ng binata ay hindi na siya nakakilos pa nang hawakan nito ang kamay niya at nagsimulang maglakad.
“Pasensya ka na eto lang yung pinakamalapit at hindi ka pa makakapag-swimming.” Paghingi ng tawad ni Kai, kasalukuyan silang nakaupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang sunset view sa Subic Bay.
Hindi niya alam kung anong isasagot dito, nag-abala pa kasi ito na talagang mag-isip ng paraan lang para mapuntahan ang lugar na gusto niya.
Pilit niya ring pinapakalma ang dagundong sa dibdib niya na kanina pang nararamdaman mula ng hawakan ni Kai ang mga kamay niya, alam niya namang nagawa lang ito ni Kai para maabutan nila ang view ng sunset.
Tumayo siya nang hindi pinapansin ang mga sinasabi ng binata.
“May problema ba? Hindi mo ba nagustuhan? Gusto mo na bang umuwi?” tumayo siya at hinarap ang dalaga.
Umiling-iling si Quinn bago niya lingunin ang binata, she let a bit of smile and quickly hugged Kai, few seconds but enough for them to feel each other’s deafening heartbeat.
“Thank you.” She said as she let a deep sighed.
Nang kumawala siya ay iniwas niya ang tingin sa binata, pinagmasdan niya muli ang papalubog ng araw, kasabay kasi nito ay ang kung anong pakiramdam na nagsisimulang umusbong sa puso niya...