Favor

1545 Words
        ‘goodmorning, san ka?’           Text message ni Quinn kay Kai, kagigising niya lang at ayaw niya pa munang bumangon at bumaba pakiramdam niya'y ambigat pa ng katawan niya. May kaunting pagkirot din sa ulo siyang nararamdaman kaya minessage niya na lang muna ito. Naparami ata talaga ang kain at inom niya kagabi kaya nahirapan din siyang matulog, kahit pa nga nauna siyang magpaalam at iniwan ang binata sa kusina.       Ilang segundo ang lumipas at may narecieve na siyang reply.           ‘Kusina. Himala nagtext pwede namang bumaba’       Nangiti siya, iniexpect niya na kasi ang reaksyon na iyon sa binata.           ‘jwu still sleepy *yawn’ natatawa niyang mensahe dito.           ‘takaw kagabi *yawn’           Mabilis na reply nito pero imbes na mainis ay mas lalo pang napalakas ang pagtawa niya, nasasanay na nga ata talaga siya sa paraan ng pangungulit nito.           ‘breakfast?’       Maikli pero nakakatakam na reply nito, naaamoy niya na rin kasi mula sa kwarto ang masarap na almusal na niluluto nito sa baba. Inisip niyang mabuti ang isasagot dito at kailangan ay hindi nito mahalata na nagugutom na rin siya.           ‘kain again, otw.’  She replied. Nang makababa ay naabutan niya sa sala si Manang, binuhat niya si Aria na naglalaro, nilambing at kiniliti ito dahilan para bumungisngis ang cute na chikiting, bungingis na kahit sino ay automatikong aawang ang labi at mapapangiti. Pagdako niya sa kusina ay naabutan niya roon ang binata na naglalapag na ng mga pinggan sa mesa, nang magkasalubong ang tingin nila ay sabay din na gumuhit ang mga ngiti sa kanilang labi.       "Kain na tayo," pag-aya nito at naupo na rin siya at sabay-sabay na silang nag-almusal.   *****       "Have you contacted your friend already?" Usisa ng binata sa kanya matapos nitong iistart ang kotse ni Emy na iniwan nito nang maikwento ng binata na may kikitain itong kaibigan ngayon. Hindi niya nga pala nasabi kay Emy ang bagay na iyon dahil hindi na sila nagkausap pa kagabi.       "Yep, he's on the way also."       "He?" mabilis na sagot ng binata, seryoso rin ang mga mata nito na hinihintay ang sagot niya.       "Yep." Tipid niyang sagot, Kai looking at her with a weird look on her face that made her giggled a bit.       "Okay."       “What’s with that ugly face?” she let out her laugh inside the car, "Don't worry, he's my cousin. And I said it already, it will just be a quick chit-chat," she added and quickly she saw his face looked delighted.       Is he jealous or what? If he is then that was one in the bag for her.   *****       "Sigurado ka ikaw na lang?"           "Yeah, don't worry. I'll text you immediately after we talk." tugon niya sa binata at saka nagtuloy na papasok ng mall.       Pagpasok ng mall ay agad hinanap ni Quinn ang cafe na napag-usapan nilang meeting place. Kahit pinsan niya ito ay hindi naman talaga sila naging close at nag-uusap ng madalas pero kahit nag-aalangan ay makikipagkita pa rin siya, she wanted to hear his reasons at kung talagang sinsero ito sa hihinging pabor sa kanya. Isa pa ay kasama niya naman si Kai na nagpunta kaya kahit paano ay naibsan ang kaba na nararamdaman niya.       Pagpasok ng cafe ay agad niyang nakita ito na nakaupo sa gilid na bahagi ng store, he's wearing a black hoodie, naka shorts and slippers lang din ito. Nakatali din ang mahaba nitong buhok.       Kumaway ito ng makita siya, ngumiti siya ng bahagya at pumunta na sa pwesto nito.       "Quinn! Long time no see!" bati nito at nakipagbeso pa, they're not really that close kaya nagulat siya sa ginawa nito.       "Have a seat, ano gusto mong orderin? Treat ko na!" dagdag nito, nakapatong ang dalawang kamay nito sa mesa, pinapagitnaan ang cup of coffee na tingin niya'y kakaorder pa lang nito. Malaki rin ang ngiti nito sa labi na tila nasasabik na nakita siya.       "Um" napatikhim siya, "Later." saad niya, hindi niya alam pero kahit na pinsan niya ang nasa harapan ay hindi siya makumportable sa pagkakaupo. May pagkakatulad sila ni Kai dahil madalas din itong nakangisi.       "How long have you been staying here? I thought you visiting countries all around the world?" Usisa nito at ngumisi.       "A week already, I'm enjoying my stay here so maybe I'll extend it for a few more weeks." She answered with a smile on her face.       "Wow! Good to know! Maybe I'll do the same."       "What about the favor you're asking, can we talk about it now?" deretsa niyang pagpapaalala dito dahil mukhang nakalimutan na nito ang tungkol sa bagay na hinihingi sa kanya.       Ngumiting pilit ito at tila nairita sa sinabi niya, "Yeah, the favor... It's about her as you know."       Ipinaliwanag nito ang pabor na gustong hingin sa kanya, nakuha niya ang gusto nitong mangyari pero sa ngayon ay kailangan niya ng oras para makagawa ng paraan na maging maayos ang lahat.       "I'll see what I can do." aniya ng matapos ito magpaliwanag.           "Thanks Quinn! I dunno what to do if you're not here." saad nito na nagawa pang hawakan ang mga kamay niya.       Bumitaw siya bago magsalita muli, "I gotta go also... Nice meeting you again Greg, I hope you make it right this time." paalam niya rito ngunit ng akmang tatayo na ay humawak ito sa braso dahilan para matigil siya at lingunin ito.       "Leaving already? Can you stay until we finish this?" ngumuso ito sa coffee na inorder niya na wala pang kalahati ang bawas.       Mataman lang siyang tumingin sa kamay nito na nakahawak pa rin sa braso niya, "Oops, sorry." saad nito at bumitaw sa pagkakahawak, nagsurrender sign pa ito.       "Someone's waiting outside, maybe next time." Dahilan niya nalang       "Who's with you?"           "His name is Kai, the nephew of Emy," hindi niya maintindihan pero gumaan ang pakiramdam niya ng banggitin ang pangalan ng kasama. Ngumiting pilit sa kanya si Greg at hinayaan na siya na umalis. Hindi naman nakawala sa kanya ng magulat ito sa pagbanggit sa pangalan ni Kai.       *****       Ilang minuto matapos umalis ni Quinn ay sumunod si Kai sa loob ng mall para hanapin ito, gusto niya rin makita kung sino ang lalaking kikitain ng dalaga kahit pa sinabi na nito na pinsan niya iyon, may isang malaki lang siyang problema dahil hindi niya kabisado ang pasikot-sikot sa mall na iyon. Cafe, yun ang tanging alam niyang pagkikitaan nila.       Panay ang tingin niya sa cellphone para alamin kung nagtext na si Quinn. Mabuti na lang ay matandain siya sa mga direksyon at lugar kaya kahit minsan niya lang nadaanan ay mabilis niyang nakakabisa ang mga iyon.       "Teka..." mahinang sambit niya, parang pamilyar kasi ang isang lalaki na lumabas mula sa isang cafe na lalapitan niya, ngunit ng magtagpo ang mata nila ay nagsuot ito ng hoodie sa jacket at ibinaba ang eyeglass kaya hindi niya na natitigan pang mabuti.       Sinundan niya lang ng tingin ito hanggang sa makalayo, lumapit siya sa cafe kung saan lumabas ang pamilyar na lalaki at sinilip mula sa labas kung naruon ba si Quinn.  Ngunit wala ito ruon.       Paalis na sana siya ng makita niya ang dalaga na kumakaway sa gawi niya, "Akala ko ay magsstay ka lang sa kotse?" tanong nito ng makalapit.       "Nainip ako kaya hinanap na kita." sagot niya.       "I happen to saw you from the cafe where I meet my cousin, we finished our short conversation that time so I bid him goodbye and followed you, baka maligaw ka eh." paliwanag nito kung paano siya nakita.       "Kumusta pagkikita ninyo?" usisa pa niya.       "It was fine, he's still the same old guy though," at pilit itong ngumiti.       "Okay... Where will we go now? Uwian na?" mungkahi niya para iangat ng kaunti ang tila malungkot na mood ng dalaga.       Sandaling tumingin si Quinn sa relo at nag-iisip ng susunod na gagawin. The last time she checked his watch ay alas-onse pa lang ng umaga.       "Yeah, let's go home."       Tumikhim si Kai, inilapit niya ng kaunti ang mukha kay Quinn, nakabusangot na ito at pakiramdam niya'y wala na talaga sa mood.       "Hindi ba muna tayo kakain?" pag-aya niya, itinaas-taas niya pa ang kilay para kumbinsihin ito.       Nang wala pa ring maisagot ay itinodo niya na ang pangungumbinse, "I still remember what happened last night," he grinned at Quinn bago magpatuloy, "after you finished eating two penoy, two balut and drinked two soju you said you'll treat me next time, so pwede ba yun ngayon?" he suggested.       Sandali pa siyang naghintay at naramdaman na lang na dumampi ang kamay nito sa mukha niya kasunod ay ginusot-gusot pa ito kaya iniwas niya at umayos na ng pagkakatayo.       Nang iangat niya ang mukha ay nakita niya ng tumatawa ito, well tagumpay siya sa ginawa niya.       "Correction, its one and a half balut only,” paglilinaw sa kanya “you eat the duck part remember! Eewwww!" pagpapaalala pa ni Quinn and made a disgusting look on her face.       Natawa sila pareho sa ginawang iyon ni Quinn, "Okay, I’ll treat you this time, but promise me you'll stay with me throughout the day and don't act like you already walked for three hours." taas kilay nitong paalala sa binata.       Nangiti si Kai, parang isang kakat'wang pangyayari na lang iyon sa kanila, "Yeah, I promise don't worry I won't leave you."       I will stay.       "Let's go?"       “Yep! Let's go!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD