"Ahhhhh ambigat na tiyan ko kambal!" sambit ni Ezra nakahawak pa ito sa tiyan.
"Ako nga din eh! Busogggggg!" sambit ni Micah.
"Mabuti naman at naenjoy ninyo ang pagkain, sa susunod nga ay isasama ko rin sila Mama para matikman din nila ulit ang masasarap na mga luto dito." Dagdag naman ni Emy.
Natapos na sila sa pagkain at kasalukuyan na nagpapahinga, iniienjoy din nila ang magandang tugtugan para sa gabing iyon.
"Kai, pakikuha nga yung bill natin para maya konti ay makauwi na rin tayo at medyo ginabi na itong kambal at si Manang." napansin ni Kai na papalapit ang boss niya kaya hindi na muna siya sumagot.
"No need na Em, treat ko na yan, ngayon ka na lang ulit---kayo napadaan dito para kumain." Si Greg na pinuntahan sila sa mesa ng makitang tapos na ang mga ito magsikain.
"Uy Greg! Kumusta? Hala hindi naman pwede yun, ang dami kaya naming nakain." pilit na pagtanggi ni Emy pero tinawanan lang siya ni Greg.
"I'm doing great and I insist this treat Em, your presence is enough for that." ngumiti ito ng makahulugan.
"Isa pa, para na rin yun sa inaanak kong marami ata ang nakain." dagdag pa nito ng maramdamang maraming mata na ang nakatingin sa kanila, lumapit siya kay Aria at iginiya ang kamay nito, nagmano naman si Aria na siyang ikinangiti ng lahat.
"Ikaw talaga, um thank you Greg." naiilang na sagot ni Emy habang pinupunasan ang naging madungis na mukha ni Aria.
"Thank you po!" sabay na usal ng kambal.
"Thanks Greg!" dagdag naman ni Quinn.
Nginitian ni Greg ang mga ito, "Yung kinain na lang ni Kai ang ililista ko at ibabawas sa sweldo niya sa susunod."
"Boss naman!" daing ng binata dahilan para mapuno nang kantyawan at asaran ang pwesto nilang iyon.
*****
Matapos ang nakakabusog at masayang dinner na iyon ay naunang umuwi ni Emy at nagpahinga kasama ang mahimbing na rin na natutulog na si Aria. Samantalang si Kai at Quinn ay hinatid pa si Manang at ang kambal hanggang sa kani-kanilang bahay. Nagpumilit na sumama si Quinn dahil hindi pa daw ito inaantok at gusto rin nitong makita ang tinutuluyan ni Manang at ng kambal.
Matapos maihatid si Manang ay nagtuloy naman sila sa bahay ng kambal. Makailang beses na nagpapalitan ng tingin si Quinn at Kai hinihintay ang isa na magbanggit ng tungkol sa Lolo ng kambal na maysakit ngunit walang naglakas ng loob na mag-open, ayaw na nila parehong ibahin pa ang masayang mood ng kambal na nag-aasaran pa sa daan.
"Kuya, ate dito na lang kami, salamat po sa paghatid!" buong ngiting saad ni Micah.
"Salamat po dito sa pagkain Kuya, Ate!" dagdag ni Ezra at pinakita ang bitbit na pagkaing pinatake-out para sa kambal.
"Magpahinga na ah, at may pasok pa kayo bukas." paalala ni Kai, pagtango ang isinagot sa kanya ng kambal.
"Kuya Kai! Ate Quinn! Ingat po kayo pag-uwi, huwag na po kayo magdate ah gabi na! Bukas na lang po hihi" pahabol ni Micah na matapos sabihin iyon ay kumuway at dumeretsong pasok na sa bahay nila.
Nagkatinginan at parehong natawa ang dalawa, "Tara na." pag-aya ni Kai at nsgsimula na ulit itong maglakad.
"Saan?"
Napahinto si Kai at nilingon ang dalaga, "Saan?" pag-uulit niya.
Nang walang marinig na sagot ay napasapo na ang kamay nito sa noo, "uuwi na tayo, unless you take serious what Micah said, let's go on a date?" natatawang pang-aasar nito sa dalaga.
Duon lang napagtanto ni Quinn na mali ang naisagot sa binata, pakiramdam niya'y may kung anong init na umakyat sa pisngi niya sa mga narinig, "Ahhhh let’s go home, I'm tired already." Giit niya at nagsimula na rin maglakad.
"Bumaba na ba yung kinain mo? Hindi naman yan magiging bilbil?" patuloy niyang pang-aasar, isa rin kasi yun sa dinahilan ni Quinn kaya gusto nitong sumama sa paghatid kay Manang at sa kambal.
"I don't have bilbil, maybe you."
"Wala ko nun." sagot niya, nagtama ang tingin nila, nakakunot ang noo nito na tila hindi naniniwala sa sinabi niya.
"You can touch it if you want, just to make you believe." Pang-aasar pa ulit niya.
Inirapan siya nito kasabay ng paggalaw ng mga labi nito without making any sounds, nabasa niya ang sinabing iyon ng dalaga, "p*****t!" na siya ring dahilan kaya hindi niya na napigilan ang humalakhak.
Nauna tuloy na maglakad ito at tila nagsisisi na sa pagsama sa kanya. Nakakabawi na siya kahit papano sa pangtitrip nito sa kainan kanina.
"Baluuuuuutt! Penoooooooyyy!"
Napahinto sa paglalakad si Quinn ng marinig ang mga salitang yun, ilang sandali pa ay nakita niya ang isang lalaki na may bitbit na basket, kung saan na may nakapatong na puting tuwalya sa ibabaw. Napalingon siya kay Kai na kasunod niya lang.
"Mam ganda bili na kayo! Pang buena mano ko!" masiglang saad ng tindero at tumigil ito sa tabi nila.
"What's balut and penoy???" takang tanong niya sa binata.
"Boss bili na! Mainit-init pa!"
"Ahhh teka paano ba ipapaliwanag," sandaling nag-isip si Kai bago muling nagsalita, "they're both duck eggs, balut is with embryo and the other penoy just the egg." tama kaya yun? pagtataka rin ni Kai sa sarili.
"Umm, duck eggs... I heard of it from Mommy before but never ate one, how about the taste?"
"Bibili ka ba? Gutom ka pa?" balik ni Kai na ikinasimangot ng dalaga.
"I'm just asking!" pasigaw niyang sagot at inirapan ang binata, "Manong sa inyo na lang po ko magtatanong, there's an idiot beside me."
"Masarap 'to Mam, dagdagan ninyo lang po asin o kaya ay suka. Pampatibay po ito ng tuhod," inaksyon pa ni Manong ang mga sinabi niya.
"Saka pampatagal---"
"Okay na Manong, bibili na kami huwag mo na ituloy baka masabihan na naman ako ng kung ano." singit ni Kai at pinigilan ang dapat na sasabihin ni Manong magbabalut.
"Pagbilhan po ng tig-lima."
"Yun salamat boss! Mukhang mapaparami---"
"Manong tama na pagbalot mo na lang kami at baka hindi kana makabenta mamaya," muling pagpigil ni Kai, nang lingunin niya si Quinn ay may pagtataka sa mukha nito. Mabuti ng hindi niya malaman ang mga bagay na iyon.
"Gusto mo ba?" tanong ni Kai sa dalaga habang nagpapatuloy sila sa paglalakad.
"Nope..."
"Mas masarap 'to kapag may pangtulak."
"Drinks." paglilinaw ni Kai ng makita niya ang pagkunot noo nito.
Nagbanggit siya ng iilang drinks pero walang pamilyar kay Quinn, mabuti na lang ay may naalala siyang isang sikat na inumin sa ibang bansa at ng sabihin ito ay napapayag niya ang dalaga na bumili.
*****
"Oh di mu ba ko tutulungan ubusin 'to? Ang dami niyan di ko mauubos lahat." pag-aya niya kay Quinn, nakaupo na sila sa mesa at kasalukuyang inuubos na nito ang binalatang penoy, samantalang si Quinn ay tinitignan lang siya habang paminsan lumalagok sa hawak nitong soju.
"Thus this really taste good?" tanong ni Quinn at kumuha ng isang penoy.
"Penoy lang yan, parang boiled egg lang siya. Try it, tapos sunod mo itong balut, mas masarap," iginiya sa kanya ng binata ang plastic kung nasaan ang mga balut.
Tinikman niya na ito at tama nga parang boiled egg lang ang lasa.
Matapos makaubos ng isa ay pinanood niya naman si Kai ng magbukas ito ng tinatawag nilang balut.
Hinigop muna nito ang sabaw nilagyan ng konting asin at pinakita sa kanya ang sinasabi nitong duck embryo na maliit lang.
Nag-aalangan man ay sinunod niya namang tikman iyon, ngayon lang siya makakatikim nito, masarap nga ang sabaw, maalat ng kaunti dala ng asin at may malambot din siyang nakain na parang penoy lang pero ng babalatan niya na ang kabilang part ay nakita niya ang parang tuka at tila buong katawan ng isang bibe, pinandirian niya iyon at agad ibinaba.
Tinawanan siya ng binata ng makita ang reaksyon, "matanda na pag ganyan," paliwanag nito, kinuha niya ang plastic ng balut at tila may pinapakiramdaman sa mga iyon, may kinuha itong isa at iniabot sa kanya. Tinanggap niya iyon at sunod na binuksan.
Mas ayos ito kumpara sa una niyang kinain, marami naman na siyang natikman na exotic foods mula sa iba’t ibang bansa na napuntahan niya, at hindi rin naman siya mapili lalo kung makikita niyang malinis at maayos ang pagkakaluto ng mga ito
"How's your day?" biglaang tanong ni Kai.
"It was a good day, and oh I forgot my camera again, no photos again this time." saad niya at napapailing pa.
"May picture naman kay ate."
"Eto picture tayo, para may picture kana sa idol mo." Kai grinned at her.
"What?"
"Wala sabi ko picture tayo, first time mo kumain ng balut kaya kailangan may remembrance."
Inopen ng binata ang camera ng phone nito at inilayo ng konti sapat para magkasya silang dalawa sa screen ng phone nito.
Natatawa man ay pumayag na rin si Quinn, may isang seryosong kuha at may isa na pareho silang nakawacky at pinapakita pa ang balut na kinakain, inopen rin ni Quinn ang camera sa phone niya at nagpicture muli sila.
Their first photos together, remembrance sa unang beses niyang pagkain ng balut.
Nakakatawang isipin na balut lang pala ang magiging daan, mukha silang magkabati at close sa picture nilang nakawacky, parang hindi sila itong nagpapalitan ng asaran sa araw-araw.
"Will you go to work tomorrow?" usisa ni Quinn habang nagliligpit sila ng pinagkainan.
"Depende, may pupuntahan ka ba bukas?"
Sandaling nag-isip si Quinn ng tamang mga salita na gagamitin niya, "Yeah, I'm meeting an old friend."
"You want me to accompany you?"
Tumango ito, "if it's okay for you, Emy won't allow me to go alone. Don't worry you can stay outside or wherever you feel comfortable, it will just be a quick chit-chat also." Paniniguro niya sa binata, ayaw rin niyang makita ng binata kung sino ang kakatagpuin niya kaya ayos lang na magstay lang ito sa labas o kung saan siya kumportable.
"Okay sige, papaalam muna ko kay boss bukas na hindi ako makakapunta ng maaga. Sagot mo naman pagkain ah." panunukso pa ni Kai.
"That a fair deal, thanks for the food and to this soju."
"Goodnight. Matulog kana rin ah." ngumiti ito bago nagpaalam at umakyat na ng kwarto.
"Goodnight Quinn. Sleep well."
Thank you for the smile...