Unexpected Date

1517 Words
    Palaisipan pa rin kay Kai ng tawagin siya at kausapin ng boss na si Greg habang nagluluto sa kusina. Binanggit nito na gusto niyang siya ang mag-asikaso para sa mga parating niyang bisita mamaya. Ngayong gabi na lang daw ulit kakain ang mga ito dito kaya gusto nitong siya ang mag-asikaso sa lahat ng kakailanganin nila hanggang sa matapos.       Ang lalo pang naging palaisipan sa kanya ay ang hindi nito pagbanggit kung sino ang mga bisita niya na ngayon niya lang ginawa dahil nuon ay ipagyayabang pa nito kung sino ang mga bisita niya. Hindi naman na bago kung sikat o mayaman man ito dahil marami talagang kakilala si Glen at ang iba pa nga ay mga anak ng politiko at mga may kaya sa lugar nila.       Nang matapos sa mga niluluto ay nagpalit at nag-ayos na ng sarili si Kai, waiter muna siya para ngayong gabi.       Muli niyang pinakatitigan ang sarili sa salamin at makailang beses pang sinusubukan isipin kung sino ang pagsisilbihan niya. May gusto sana siyang makita na magpunta sa kainan nila pero alam niyang malabong mangyari iyon.       “Kai andiyan na sila, pakiasikaso na lang at siguraduhin mong busog at masaya silang uuwi ah.” Saad ni Glen ng katukin siya sa pinto.       “Boss, kailangan ko pa bang sayawan sila para masaya silang umuwi?”  biro niya rito ng pagbuksan ng pinto.       “Kung hihilingin nila pwede naman Kai,” at nagtawanan ang dalawa bago lumabas ang binata at asikasuhin ang mga bisita ng boss niya.       Nang makalabas sa quarters ay agad niyang pinuntahan ang nakareserved na table para sa mga bisita, magtutuloy-tuloy na sana siya sa table ng mapansin niya ang pamilyar na mga mukha na nakaupo at masayang nag-uusap duon.       Micah at Ezra?       Ate...       Manang...       Quinn????       Anong ginagawa nila rito?       Babalik pa sana si Kai para tanungin ang boss niya kung sila ba talaga ang mga aasikasuhin niya pero nakaramdam na lang siya ng tapik sa balikat at ng lingunin ay si Greg, ang boss niya. Nakangiti lang ito at sinenyas ang kamay na puntahan niya na ang sinasabing mga bisita.       “Ate?” pauna niyang bati, sinimangutan lang siya ni Emy nang lumingon ito.       “Ganyan ba kausapin ang customer Kai?” seryoso pero bakas ang maliliit na ngiti sa labi nito ng tanungin siya.       Nakuha naman ng binata ang gustong sabihin ni Emy, umayos ito ng pagkakatayo at saka muling kinausap ang mga customer.           Inilabas niya ang todong ngiti bago muling nagsalita, “Goodevening Mam! Welcome po sa Greg’s food park, masasarap at talagang hahanap-hanapin ninyo ang mga pagkain dito!" nagkatinginan naman ang mga bisita at naghihintay kung sino ang magsasalita.       "Ayos na ba yun ate?"       "Um, pwede na." turan ni Emy kasunod ng papuri mula sa kambal at kay Manang.       Napadako ang tingin ni Kai sa magandang binibini na katabi ni Emy, nakatingin lang kasi ito sa gawi niya at walang reaksyon sa mukha nito kaya nilapitan niya na.           Tumikhim muna siya bago nagsalita, "Magandang gabi, magandang binibini." hinihintay niyang sumagot ito pero walang tugon si Quinn, hindi pa rin inalis ni Kai ang malaking ngiti sa labi at patuloy itong kinausap, "eto po ang menu para sa gabing ito, pumili na po kayo ng gusto ninyong kainin." iniabot niya ang hawak na menu, sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng dalaga ng kunin ito na siyang lihim na ikinatuwa niya.     Habang naghihintay ay dagundong ang kaba sa dibdib na nararamdaman ni Kai, nasa tabi niya lang ang babaeng nasasabik ng makita. Naiintindihan niya na kung bakit hindi ipinaalam ni Greg kung sino ang mga aasikasuhin niya para ngayong gabi.       "Um, what do you think Emz? Hindi ako gaano familiar sa ibang dishes but they look good."       "Hmmmm..." iniabot ni Quinn ang menu at ipinaliwanag naman sa kanya ni Emy ang mga dishes na nakapukaw ng atensyon nito.       "Nasa unahan po ang mga best seller namin at---" naputol ang dapat na sasabihin ni Kai ng lingunin at ngitiang pilit siya ni Quinn.       "We're talking. Just stay there, we'll call you if we have an order already." utos ni Quinn na nagpatahimik sa binata. Mabuti na lang ay medyo malayo sa kumpulan ng tao ang pwesto nila kaya sila-sila lang ang nakarinig nun.       Napahawak sa batok si Kai, “Okay Mam...” tipid niyang sagot.       Ang sungit...       "Waiter!" tawag muli sa kanya.       "Yes Mam! may napili na po kayo?" napilitan niyang tugon.       "Not yet, but can you give us some water with ice and tissues also." Quinn demanded.       Tumango si Kai at naglakad na palayo sa mesa, wala siyang magawa sa tila pang-aasar na ginagawa nito. Siya nga itong hindi siya pinansin ng ilang araw kaya bumalik na lang siya sa pagluluto tapos ay susungitan pa siya ngayon. Ang kaninang eksaytment na pagsilbihan sila ay nawala na, pero kailangan niya pa ring maging professional, customer pa rin sila.       "Pre! Kumusta? Andiyan pala yung bebe mo eh! Naks!" pang-aasar sa kanya ni Igno na crew din sa kainan na iyon.           "Pinagtitripan nga ata ko eh. Tss."           Pinagtawanan siya ni Igno, "Hindi ka raw kasi nagpapakita, baka namimiss ka lang, baka nagpapansin lang parang ikaw pre di'ba! Hahahaha" bulalas nito.       Walang nagawa si Kai kundi tanggapin iyon at simulang kuhain ang mga ipinag-uutos sa kanya ng mga customer.       "Heto na po Mam," pag-abot niya sa ilang basong tubig at tissues.       "May order na po kayo?"       Binanggit ni Emy ang mga oorderin nila pero hindi iyon naging madali dahil marami pang itinanong ang dalaga tungkol sa mga ito, hindi para alamin kung anong sangkap o kung anong luto iyon kundi para mas asarin pa siya base na rin sa bungisngis at mahihinang pagtawa ng mga kasama nito sa mesa.   *****       "Kai" pagtawag sa kanya ni Greg.       "Boss, bakit po?"       "Kamusta ang mga espesyal nating bisita? Nagulat kaba na sila Emy iyon?"       "Oo boss,” pag-amin niya, “si ate na naman ang may gawa nito nuh, kinontak niya kayo na huwag sabihing parating at kakain sila dito." kamot ulo niyang pagpapatuloy.       Pagtango ang isinagot ni Glen, sandali itong huminto at tila may iniisip, "Ang mas maganda siguro ay sabayan mo na sila dun sa mesa, magpalit kana at tapos na ang duty mo ngayong gabi."       "Boss?" pagtataka niya.       "Sige na magbihis ka na at sabayan mo na sila Emy sa pagkain, isipin mo na lang na treat ko na ito para sa inaanak ko. Ngayon na lang din kumain si Emy dito kaya sige na mukhang kanina ka pa rin nila iniinggit." Matapos iyon ay naintindihan na ni Kai ang nais iparating ng boss niya kaya dagli siyang nagbihis at sinunod ang mga utos nito.       Matapos makapagbihis ay nagpunta muna siya uli sa kusina para kunin ang dagdag pang order nila Emy. Kinausap niya rin si Igno para magpaalam  na ito na muna ang pumalit sa kanya, natuwa rin ang kaibigan ng maikwento dito na tapos na ang duty niya ngayong gabi.       "Here’s your added order Mam," isa-isa niyang binaba ang mga ulam at extra rice pang order sa table, matapos iyon ay nanatili siyang nakatayo sa gilid ng mesa.           Napansin nila Emy na hindi na ito nakapang-ayos na waiter, casual na t-shirt na ang suot nito at wala na rin ang apron na nakapaikot sa baywang nito, "Oh Kai, bakit nakabihis ka na? May pupuntahan ka ba?" takang tanong ni Emy.           Kumuha ng upuan si Kai at tumabi sa pwesto ni Ezra bago ito nagsalita, "Masarap ba yung mga pagkain ate?"       "Teka, sagutin mo muna yung tanong ko."           Masuyong ngumiti si Kai, umakbay pa siya kay Ezra na busy sa nilalantakan na fried chicken.       "Pinag-out na ko ni boss, sabay na daw ako kumain sa inyo, iniinggit ninyo daw kasi ko kaya ayan naawa yung boss ko." natatawang sambit nito at kumuha ng isang leg part fried chicken.       "Naku baka naman pinilit mo si Greg ah, masasarap talaga mga pagkain dito, eto nga at nakapangalawang order na kami, kahit itong si baby ko ay nakakarami na rin ng pagkain." proud na sambit ni Emy.       "Ay wala na yung gwapo naming waiter kuya, nag-out agad." Dagdag ni Micah.       "Andito naman na sa tabi ninyo kaya mag-eenjoy pa rin kayo."           Pasimpleng nililingon ni Kai si Quinn na tila wala namang pakielam sa pinag-uusapan nila.       "How's the food Quinn?" baling niyang tanong dito.       Umangat ang mukha ng dalaga bago ito nagsalita, "The food was great and tasty, first time to eat this many in a long time." saad nito ngunit walang mabakas na reaksyon sa mukha ng dalaga.       Tumikhim si Kai sapat na iyon para lihim na ikasaya ng puso niya, atleast sa part na iyon ay naging honest ang dalaga. Pinagmamasdan niya rin ang matatamis na ngiti sa labi ng mga ito, kung alam lang nila ay tuwang-tuwa ang puso niya na bisitahin siya ng mga ito sa pinagtatrabahuhan niya.       Nagtuloy sila sa pagkain, nagkwentuhan at patuloy na kumain pa, hindi alam ng ate niya na treat na ng boss niya ang lahat ng kakainin nila ngayong gabi. Hindi niya na rin muna ito sinabi at baka biglang makaramdam ng hiya ang mga ito lalo pa at nakakadalawang order na sila.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD