Someone's POV
"Goodmorning po Tita. Kamusta po?" pagbati ko at nagmano ng maabutan sa sala si Tita Liza.
"Oh iho, nakabalik ka na pala. Natapos na ba ang bagong project ng pinakagwapong engineer na kilala ko dito sa states?" sagot niya sa’kin na itinigil muna ang ginagawa nitong pag-aayos ng mga gamit.
"Opo tita, kaya bumalik muna ko for a few weeks para makapagpahinga, next month ay may panibagong project na sisimulan, around Miami naman po." masigla kong sagot.
"Buti ka pa,” tumikhim ito, “yung unica hija ko ayun kung saan-saan na naman nagpupupunta." Nawala ang ngiti nito, she's talking about her daughter, Quinn.
"May mga bibisitahin ka ba o pupuntahan sa mga susunod na araw?"
"Wala naman po tita, bakit po?" Actually gusto ko lang sana magpahinga para sa katatapos lang na project pero nakikita ko na parang may gustong sabihin si Tita.
"Ngayon kasi ay nag-aayos ako ng mga gamit, and by next week ay nakaschedule ang flight ko para magbakasyon ng ilang araw sa Pinas."
"Pupuntahan ninyo po si Quinn?" napalakas ata ang boses ko at nagulat ito.
"Sorry tita, matagal na rin kasi nung huli kaming magkita, and I just saw her latest IG post, she's staying with a friend in the Philippines tama po ba?"
"Oo iho, andun nga siya ngayon, nagpaalam naman siya sa’kin but you know my daughter---"
"Hindi pa po kayo pumapayag ay tumuloy na siya." nangiti na lang si Tita ng sabihin ko iyon. Ganun talaga si Quinn, bata pa lang ito ay alam na niya ang gusto niyang gawin paglaki. And when she had the chance nang tumuntong na siya sa tamang edad ay sinimulan niya na ang pangarap na magpunta sa iba’t ibang bansa na kahit ang pagtutol ng Mom and Dad niya ay hindi siya nagawang pigilan.
"Is it okay if I accompany you Tita when you visit the Philippines?" This would be a rush decision, but I hope everything will turn out just fine.
"That would be better iho, I’m sure Quinn will be happy to see you also," nangingiting sagot ni Tita. Well, I guess sa Pinas na muna ang next stop ko, ilang taon na rain ng huli akong bumisita duon. Now I need to book a flight para makasabay kay Tita pabalik ng Pinas.
*****
Matatapos na lang ang sumunod na araw ay nanatiling mailap si Quinn at Kai sa isa't-isa, kung kahapon ay nagkasabay pa sila maglunch, ngayon ay talagng hindi sila nagkita. Bumalik daw ito s trabaho sabi ni Aling Beth, bagay na hindi niya na inalam ang iba pang detalye even though there's a part of her that asking questions.
Where is he?
How's he doing?
And why he didn't bother to even tell her...
Hindi naman siya nababagot o nalulungkot sa pagsama kay Aling Beth at pag-aalaga kay Aria, marami siyang natutunan sa bawat oras na kasama niya ito. Yung mga bagay na hindi niya pa nararanasan lalo sa pag-aalaga ng isang batang kasing-edad ni Aria ay nauumpisahan niya na at inaaral na gawin ngayon, kahit pa maraming beses siyang nagkakamali at paulit-ulit kung mgtanong kay Aling Beth ay matiyaga siya nitong tinutulungan. Ang isa pang dahilan ay nakakapag-usap na ulit sila ng kanyang childhood bestfriend na ngayon ay isa ng magaling na engineer states at ang natatanging lalaki na pinagkakatiwalaan niya. Katatapos lang daw nito sa isang malaking project sa California kaya nagawa nitong kamustahin ulit siya. Proud na proud siya sa lahat ng achievements nito kahit madalas din nitong tanungin kung kailan siya babalik at ipagpapatuloy ang pag-aaral. Agad niyang iniiba ang usapan kapag alam niyang duon na ito papunta. Masaya siya sa pagstay sa bahay ni Emy kahit hindi niya alam kung anong aabutan dito sa unang araw ng pagdating niya. Marami na ring siyang bagong natutunan at nakilalang mga tao sa halos dalawang-linggo niya ng pag-stay ng pananaliti niya rito.
Sa sumunod na araw ay maagang nag-ayos at naglinis si Quinn ng sala dahil sa may inaaasahan itong kambal na bibisita sa kanya.
"Hi Ate Quinn!" nagagalak na bati ni Micah ng pagbuksan siya ng pinto ni dalaga, automatiko na sumilay ang ngiti sa labi nito at niyakap pa si Micah, nasa likod lang din nito ang panay laro sa cellphone na kambal na si Ezra na ng napatingin sa kanya ay automatiko na inangat ang kamay at nakipag-apir sa kanya.
"Kamusta kayo?" tanong ni Quinn, agad namang nawala ang ngiti sa labi niya ng maalala ang pagsubok na kinakaharap ngayon ng kambal.
Pinilit niyang hindi ito ipahalata pero hindi ito nakawala kay Micah, "Okay naman kami Ate, busy po kasi sa school kaya ngayon lang po ulit nakapunta dito. Kamusta ate? May problema po ba?" usisa nito sa kanya.
Hindi agad nakasagot si Quinn, pinapakiramdaman niya kasi kung babanggitin sa mga ito na alam niya na ang tungkol sa lolo nilang nagka mild-stroke.
"Namimiss niya lang si Kuya Kai," singit bigla ni Ezra. Napalingon dito ang dalaga at wala itong nakitang reaksyon sa mukha, nakatutok pa rin ito sa kung anuman na nilalaro sa phone niya.
"Yun ba ate? Yieeeeee! Gusto mo tawagin namin si kuya, ate?" naniningkit ang mata ni Ezra ng banggitin ito.
Napatikhim naman si Quinn sa pinipilit ng kambal na ito sa kanya na pawang walang katotohanan, ni hindi niya nga iniisip o hinahanap man lang ang lalaking iyon.
"No. no. not that, I just miss the two of you, how's your studies by the way, Micah? Ezra?" diniin niya ng banggitin ang pangalan ni Ezra para kunin ang atensyon nito na sandali lang siyang nilingon, ngumiting pilit at binalik ang pokus sa nilalaro.
"Umm, ayos naman po ate..." tipid na sagot naman ni Micah, napansin ng dalaga ang pag-iwas ng tingin nito, base pa rin sa sinabi ni Kai ay bihira na lang kung makapasok ng klase ang dalawa dahil na rin sa pagbabantay sa lolo nila at ngayon ay alam niyang hindi na naman nakapasok ang dalawa.
Parang may tumutusok sa dibdib niya, hindi siya sanay na makitang walang ngiti sa labi ni Micah.
Agad siyang umisip ng paraan para maalis ang lungkot na iyon, "What do you want to eat? It's my treat so let's order what you want."
Sabay na umangat ang mukha ng kambal, "Naku ate, kakakain lang po namin." saad ni Micah.
"Pizza ate, tapos softdrinks." kaibang sagot naman ni Ezra.
Natawa na lang ang dalaga sa binanggit ni Ezra, kita niya pa ng sitahin ito ni Micah.
"Okay, I'll order it online." saad niya.
"Ako na lang bibili sa labas ate. May masarap dun sa kanto." singit pa ulit ni Ezra.
Hindi na napigilan pa ni Micah ang kambal ng abutan ito ni Quinn ng pera. Agad kumaripas palabas ng bahay si Ezra para bumili ng gusto nitong kainin, mukhang alam na ni Quinn paano mabilis makuha ang atensyon ng tahimik na kambal ni Micah.
"Ate, si kuya bumalik na po pala sa pinaglulutuan niyang kainan nuh." Sambit ni Micah.
Alam niya na ang bagay na iyon pero bakit parang naghihintay pa siya na may idugtong pa si Micah.
"Binisita niya pala kami kanina ate may dala-dala pa siyang almusal, kala nga po namin kasama ka niya eh. Tapos ayun po nabanggit niya na bumalik siya sa pagluluto at katatapos niya lang daw pong dumaan ng palengke."
Tahimik lang na nakikinig ang dalaga sa mga kuwento ni Micah.
"Inasar nga din po namin siya baka namimiss ka na niya, alam ninyo po sinagot niya? hihi"
"That's would be a big no of course..." kumpyansa niyang sagot.
"Mali ate! Namimiss ka na daw po niya sabi niya,” na lubos ikinagulat ng dalaga ngunit hindi ito pinahalat, may nagtatalo pa rin ang isip niya kung maniniwala siya o hindi dahil kasabay ng sinabi nito ay ang paghagikhik ni Micah.
"Pero seryoso ate, kapag daw po kailangan ninyo na siya ulit ay magsabi lang kayo at dadating si kuya para samahan ka hihi"
"Not for now, I have both of you here." dahilan na lang ni Quinn, pinipilit niyang itago ang sayang nararamdaman sa binanggit ni Micah.
Matapos iyon ay siyang pagdating ni Ezra bitbit ang mga pagkain na binili nito. Ilang minuto pa ang lumipas ay siya namang pagbaba ni Aling Beth buhat-buhat si Aria na nuo'y kagigising lang kaya naman sabay-sabay na silang nagmeryenda.
"Ate gusto mo bisitahin natin si Kuya Kai?" masuyong tanong ni Micah kay Quinn habang kumakain sila.
Kamuntik namang mabulunan si Quinn ng marinig ito, iniisip niya pa lang iyon ng oras na yun ay itinanong na sa kanya ni Micah.
"Tapos kain ulit tayo dun Ate. Masasarap pagkain dun lalo pag luto ni Kuya Kai." si Ezra na nagawang sumabat kahit panay ang lapang ng pizza.
"Um, saan ba iyon?" tipid niyang sagot.
"Malapit lang ate, pwede magtricycle lang," nangingiting sagot ni Ezra na itinigil pa ang paglalaro sa cellphone.
Masuyo namang nilingon niya si Aling Beth na nakikinig lang sa pag-uusap nila.
"Tingin ko nama'y papayag si Emy, baka sumama pa iyon kung babanggitin natin."
Nagdiwang ang kambal sa narinig na iyon samantalang si Quinn ay palihim lang na napangiti. All they need to do ay kontakin at papayagin si Emy para matuloy sila sa kanilang pupuntahan.