"Goodmorning Manang." pagbati ni Quinn ng maabutan ito sa sala na pinapakain si Aria. Napadako ang tingin niya sa orasan at mag alas-nueve na pala ng umaga. Napasarap na naman ang tulog niya kahit kagabi ay binalak niyang magising ng maaga, nasasanay na ata talaga siyang tanghali na gumising at hindi niya alam kung maganda ba iyon dahil baka manaba siya bigla.
"Goodmorning din iha, may almusal na dun sa kusina, sabayan mo na kami." aniya nito at masuyong ngumiti.
Tumango siya at nilapitan si Aria na medyo madungis na ang mukha sa cereal na inaalmusal nito. Nag-goodmorning din siya rito at natuwa ng agad siyang ginawaran ng halik sa pisngi.
Pagdako niya sa kusina ay sumandok agad siya ng makakain, fried rice na mainit-init pa with ensaladang itlog at tuyo na may masarap na sawsawang suka ang nasa mesa, ganitong-ganito yung almusal noong unang umaga niya sa bahay ni Emz. Nagtimpla na rin siya ng gatas at nagpunta ulit sa sala para masabayan si Aria at Manang na kumain.
"Uhmmmm yummy! Ang sarap po ng luto ninyo Manang!" puri niya dito habang sunod-sunod ang pagsubo.
Nginitian lang siya ni Aling Beth, "Masarap talaga magluto si Kai iha, siya nagluto niyan bago umalis, kanina lang ilang minuto bago ka bumaba."
Muntikan ng masamid si Quinn sa pagkain sa narinig na iyon, kaya pala mainit pa ang fried rice ay kaluluto lang nito, todo puri pa naman siya dahil akala niya ay si Manang ang nagluto dahil hindi niya naman nakita si Kai mula pagbaba kanina.
"Hindi ba't siya ang tagaluto ninyo rito?" usisa pa nito sa kanya.
Sa totoo lang ay ayaw niyang paniwalain ang sarili na halos lahat ng kinain niya mula ng dumating sa bahay ni Emy ay mula sa mga luto ng binata. Para sa kanya kasi ay ang unfair ng ideya na iyon, dapat babae ang magaling magluto at hindi ang lalaki... Pero sa kaso nilang dalawa ay mukhang baliktad nga talaga.
"Hindi po ba si Emz ang nagluto?" pilit niya pa ring pagtanggi.
Napagmasdan niya ng maningkit ang mata ni Aling Beth, may nasabi ata siyang biro na nakapagpatawa dito.
"Naku iha, tamad magluto yun si Emy, tamad din bumangon sa umaga kaya nga madalas ay si Kai ang mauuna magising at magluluto para may maialmusal lang si Emy bago pumasok ng trabaho. Kaya malabo yang sinabi mong si Emy ang nagluto ni'yan." paliwanag ni Aling Beth
"Hindi mo pa ba nakikita na nagluto si Kai?"
Napaisip siya at sandaling inalala ang mga nangyari nung nakaraang araw, "I did saw him cooking, two times Manang."
Nung una ay noong hindi niya na naabutan si Emy, at tanging si Kai na nasa kusina ang nakausap niya at natyempuhan na nagluluto, ito rin ang unang beses na inis na inis siya rito dahil tila iniinggit siya nito sa pagkain. Ang pangalawa naman ay kahapon lang kung saan siya ang nakasama nito at si Aria gumala, mamalengke at magluto para sa tanghalian at hapunan.
Tumango si Manang bago muling nagsalita, "Sabi nila ay nakuha ni Kai ang hilig sa pagluluto sa Mama niya, kaya natural na lang sa kanya na lumaking malaki ang interes sa pagluluto. Tanda ko pa nung mga unang araw ko dito ay panay ang tanong niya ng mga alam kong lutuin. Kaya itinuro ko sa kanya ang lahat ng nalalaman kong mga lutuin at mabilis niya lang napag-aralan ang lahat ng iyon. Magaling at masarap talagang magluto ang batang iyon." malaki ang ngiti sa labi ni Aling Beth habang pinagmamasdan siya ni Quinn, mababakas sa mukha nito na proud na proud siya sa talentong iyon ni Kai.
May nabuo ring tanong si Quinn sa isipan matapos ang conversation na iyon kay Aling Beth, mahigit isang linggo na siya rito pero ni minsan ay hindi niya narinig ang anumang tungkol sa mga magulang ni Kai. Wala ring nababanggit patungkol dito sa kanya si Emy. Kung makakahanap siya ng tyempo ay susubukan niyang magtanong muna kay Emy.
Buong maghapon ay si Manang at Aria ang nakasama ni Quinn, matapos nilang mag-almusal ay bumisita naman sila sa bahay ng parents ni Emy at duon nanatili ng maghapon. Marami silang napagkwentuhan ni Manang, kinamusta niya rin ang apo nitong nagkasakit na dahilan kaya biglaan siyang umuwi ng probinsya. Mabuti naman na daw ang lagay ng bata at naibilin niya na rin ang mga dapat gawin sa mga magulang nito na nalaman niyang sa edad na sixteen ay isinilang nito ang unang apo ni Aling Beth.
Pero kahit napuno ng kwentuhan at pakikinig sa buhay ni Aling Beth ang maghapon ni Quinn ay may pakiramdam siya na kulang. Hindi niya masabi kung ano iyon, kaya pilit niyang inililihis na lang ang isip sa kung anumang bagay na hinahanap-hanap niya.
*****
"Bye Nang, magtext po kayo kapag nakauwi na kayo ha. Salamat sa pagbantay sa baby ko at pagsama kay Quinn." saad ni Emy sa papaalis nang si Aling Beth, gaya ng dati ay magsstay ito para bantayan si Aria mula umaga hanggang sa pagdating niya, sa gabi ay umuuwi ito sa isang malapit na kamag-anak na kapitbahay lang din nila.
"Mauna na ko Emy, Quinn bukas na lang ulit." paalam ni Aling Beth bago lumabas ng bahay, sinubukan pa siya kaninang ayain ni Quinn na magtabi na lang sila nito sa kama para hindi na ito uuwi ng gabi at lalakad na na naman ng madaling araw kinabukasan pero tinanggihan niya ito, nahihiya siya kay Quinn at Emy at isa pa ay sanay naman na siyang ginagawa ito.
Nang makalabas ng gate ay saktong papasok naman ng bahay si Kai.
"Oh Nang, kararating lang po ni Ate? Ginabi na ho kayo ng pag-alis. Hatid ko na po kayo." bungad ni Kai.
"Naparami pa ang kwentuhan eh, ikaw san ka galing? Akala ko ba ay ikaw ang bantay ni Quinn? Eh bukod sa sumabay ka ng lunch kanina, hindi ka na nagpakita ulit."
"Pasensya na ‘nang." tumikhim pa muna ito, "nagpatulong kasi si Pareng Anton bumili ng mga gamit para sa ginagawang bahay niya, kaya umalis din ako agad."
"Nagpaalam ka naman ba kay Ate mo?"
"Opo Nang, kaso kanina ko lang binanggit..." kamot ulo nitong tugon.
"Ikaw talaga, mabuti na lang at kahit papano hindi naman nayamot itong si Quinn sa mga pinag-usapan namin. Pwera lang sa makailang beses na napansin kong tila may hinahanap siya, at panay ang tingin niya sa labas. Ikaw ata ang hinahanap."
"Malabo pong hanapin ako nun, ang saya-saya niya nga pong kausap kayo."
"Bakit pakiramdam ko ay may nagtatampo?"
Matamang tinignan ni Aling Beth ang binata pero hindi ito makatingin sa kanya ng deretso, "Pakiramdam ninyo lang po yun, dito na po tayo Nang, pahinga na kayo, bukas na lang po ulit."
"Sige, umuwi na ah, hinahanap kana ni Emy kanina."
"Opo Nang!"
Habang naglalakad pabalik ay nagpaulit-ulit sa isipan ni Kai ang mga sinabi ni Aling Beth, pero paano siyang makukumbinse nito ni hindi nga siya pinansin ni Quinn ng magsabay at magkatabi sila ng upuan habang nagtatanghalian. Nakasunod lang ito kay Manang at ang laki ng ngiti habang kinakausap sila kaya kahit gusto niyang magstay ay tila nawalan siya ng gana kaya agad niyang kinontak si Anton at sumama na lang sa pagbili nito ng mga gamit.
"How's your day Quinn?" Akmang kakatok na sa pinto si Kai ng marinig na nagsalita si Emy. Gising pa pala ang mga ito, kaya hindi na muna siya nagpakita, isinandal niya ang likod sa pader at tahimik na pinakinggan ang usapan sa sala.
"It was a good day Emz, masaya kasama si Manang at si baby mo na hindi napapagod maglaro." Her face looks amused.
"Mabuti naman pala, si Kai ba sumama sa inyo kanina?"
Kai? Oh Emz nephew...
"Nope, I just saw him at lunch, sumabay kumain but quickly leave after." suddenly the amusement in her face gone.
"He texted me na tinulungan niya si Anton bumili ng mga gamit para sa pinapagawa nitong bahay, hindi pala siya nakapagpaalam sa inyo."
Tumango ito bago nagsalita, "That's okay Emz, I'm comfortable with Manang also, if he has a lot of stuff to do, tell him na huwag na kong bantayan para hindi na rin siya mapilitan."
"Ummm, okay sige kakausapin ko siya pagdating." nag-aalangan na sagot ni Emy, kahit nangingiti ay alam niyang may tampo sa boses ni Quinn.
"Goodnight Emz. Take care at work tomorrow." paalam nito sa kanya at dumeretso ng akyat ng kwarto.
Naiwan si Emz sa baba, naglinis muna ito at kinuha na rin ang unan at kumot na gamit ni Kai sa pagtulog.
"Oh Kai! Kanina ka pa?" bungad niya ng sa pagbaba ay naabutang nakaupo na sa sofa ang binata.
"Ah hindi ate, kararating ko lang akala ko tulog na kayo."
"Patulog na rin, binaba ko lang tong gamit mo, si Quinn umakyat na kanina malamang ay nagpapahinga na rin yun."
"Nagtatampo yun sa'yo hindi ka nagpakita at nagpaalam kanina." patuloy ni Emy.
"Biglaan lang ate, hindi na'ko nakapagsabi."
"Kahit sabay pa kayong naglunch?" umiwas ng tingin ang binata, hindi niya lang talaga alam ang gagawin sa dalawa, isang araw ay makikita mong ayos na sila at nag-uusap pero sa susunod na araw naman ay ganito na parang hindi sila magkakilala.
"Sige na, akyat na ko, kumain ka na muna bago matulog."
.
.
.
"Ate..." Pagtawag ni Kai kay Emy.
"Babalik na muna ko sa pagluluto, sabihan mo na lang ako pag kailangan na ulit ako dito.”