Nang matapos maglunch at masigurong mahimbing na natutulog na si Aria sa kwarto ay bumaba si Quinn para tulungan si Kai sa mga naiwang gawain sa kusina, yun na lang din kasi ang magagawa niya dahil sa pagluluto kanina ay pakiramdam niya wala siyang naiambag at tanging si Kai ang naging punong abala mula sa simula.
"Is Emy hadn't called yet?" tanong niya sa binata na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan.
"Wala pa pero nagtext na siya kanina lang." sagot niya nang hindi ito nililingon.
"Really? What time will we fetch Aling Beth?" excited niyang tanong sa binata.
"Baka si Ate na raw ang magsundo sa kanya mamaya, hintayin na lang natin siya pagdating." sambit ni Kai.
Pagtango na may ngiti ang makikita sa mukha ni Quinn.
"You're really excited to meet Aling Beth ah." aniya pa sa dalaga.
"Yeah!"
Dumaan si Quinn sa likod ni Kai at may kinuha, pagdaan niya muli kay ay siyang paglingon ng binata, ngumisi ito nang makita ang hawak na walis ni Quinn, dumeretso ang dalaga sa sala para maglinis, excited na talaga itong hindi siya ang unang makikita sa umaga.
Sa pagdating ni Aling Beth ay baka tuwing gabi niya na lang makikita si Quinn, baka maging madalang pa nga iyon sa oras na bumalik na ulit siya bilang cook sa isang maliit na kainan na pinapasukan niya noon. Mababawasan na rin ang mga dahilan niya para magstay ng matagal sa bahay. He's still one call away pa rin kung kailangan nito ng tulong kung may pupuntahan ito at kailangan ng kasama, tingin niya naman ay kahit papano hindi na ito naiilang sa kanya. But for him kahit may kaunting lungkot na nararamdaman ay ayos na rin iyon, maraming maikwekwento si Aling Beth sa kanya at siguradong magkakasundo sila.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Quinn nang magsimula itong maglinis sa sala, iniisip niya pa lang ang pagdating ng makakasama sa bahay ay naglulundag na ang puso niya, sayang nga lang at hindi na nila ito masusundo.
"Ang sipag ah." asar ni Kai ng maabutang naglilinis pa rin sa sala si Quinn.
Ngiti lang ang isinagot ni Quinn, papayagan niyang asar-asarin pa siya Ng binata ngayon dahil bukas at sa mga susunod na araw ay bihira niya na lang niya itong magagawa.
“This would be more fun if the twins are here." masuyong saad ni Quinn kay Kai, "You said they're class is in the morning, its 2pm already maybe you can call on them to be here?" patuloy nito na nagpout pa ang labi para kumbinsihin na papuntahin ang kambal.
Hindi makasagot si Kai dahil kahit na gusto niya itong gawin ay alam niyang hindi rin makakapunta ang kambal.
"Hindi sila makakapunta ngayon." Kai said with a blank face.
"Why?" pagtataka ni Quinn.
Kai heave a sigh, "Remember the house you saw with some medical workers just this morning?" patuloy niyang pinag-iisipan kung dapat ba niyang sabihin ang tungkol sa kambal.
Inalala ni Quinn ang tagpong iyon, nang makita nila ang bahay at tanungin ito kung sinong nakatira ay hindi siya mamaya na lang ang isinagot nito kaya nagpatuloy na lang sila sa paglalakad.
"Yup. I remember. What about that house? Who's living there? And what are the medical workers doing there? And um, what does that have to do with the twins?" tuloy-tuloy na pagtatanong ni Quinn, natigil rin siya sa paglilinis, nakatingin lang siya kay Kai at naghihintay ng sagot, ewan niya ba pero lungkot ang nakikita niya sa mukha nito pero sana ay mali siya.
Tumikhim pa muna si Kai, "Duon sila nakatira... At ang binibisita ng mga medical workers na nakita natin ay ang lolo nila na kamakailan lang ay nastroke because of an accident while driving a jeepney..."
*****
"Oh Kai! Long time no see ah! Balita ko may magandang bisita kayo ah! Papuntahin mo naman dito minsan." pang-aasar ni Glen, ang may-ari ng isang foodpark kung saan tagaluto si Kai bago pa dumating si Quinn.
"Maganda nga kaya lang masungit din kung minsan,” balik niya kay Glen at nagtawanan ang dalawa.
"Ikaw pa ba! Kayang-kaya mo paamuhin yun, isang masarap na luto lang at tiyak hahanap-hanapin ka na nun." kumpiyansang sagot nito sa kanya at tinapik pa ang balikat niya.
Ngiti na lang ang ginanti ni Kai, ilang beses na nga ba niyang pinaglutuan ang dalaga ng mga paborito nito pero parang wala pa ring epekto kay Quinn, kamuntikan pa nga mapaaga ang pag-alis nito. Isa pa, sa dami ng masasarap na pagkain na natikman nito sa mga bansang napuntahan ay malamang ordinaryo na lang talaga sa dalaga ang mga niluluto niya.
"Teka pre, kamusta pala yung binanggit kong resto, natuloy kaba mag-apply?"
"Ah yun ba, hindi pre, biglaan pagdating ni Quinn eh, natyempo pa wala itong makakasama kaya ako ang nasabihan ni Ate na magbanta sa kanya. Alam mo namang di ko matatanggihan si Ate Emy." paliwanag ni Kai, nakaplano na sana ang pag-aapply niya sa isang kilalang resto kung saan kakilala ni Glen ang may-ari pero hindi na iyon natuloy ng makiusap ang Ate Emy niya na siya munang magbantay sa paparating na bisita nila, at yun nga ay si Quinn.
"Naiintindihan ko naman yun, kahit ako yun din ang gagawin ko." maloko ngumiti si Glen.
"Yaan mo ‘pag may time makapunta dun, susubukan ko pa rin magpasa." paniniguro niya. "Paano boss dito na muna ko. Bumisita lang ako, baka sa makalawa makapagluto na ulit ako bumalik na kasi si Manang kanina kaya may kasama na rin si Quinn. " paalam niya kay Glen at nakipagfistbump pa dito.
"Sige pre, always ready naman kami na hintayin ang pagbabalik mo, marami na rin naghahanap sa'yo, yung mga chicks mo bihira na lang kumain mula nung 'di ka nila nakikita dito." pang-aasar pa ulit ni Glen.
Napatikhim si Kai, "Wala kong chicks dito, sa inyo lahat yun." aniya bago siya muling nagpaalam at naglakad palayo.
Habang naglalakad ay naalala ni Kai ang matatamis na ngiti ni Quinn nang makita niya si Manang sa unang pagkakataon, kahit pa nakita niya ang lungkot nito ng maikwento ang pagsubok na hinaharap ng kambal ay hindi niya iyon pinahalata kanina. Niyakap niya pa ito bago nagpakilala, masaya talaga ito na may bago nang makakasama sa bahay. Sana lang ay magawa niya rin na mapangiti ito ng ganuon, kung sa paanong paraan ay hindi niya nga lang alam sa ngayon.
Kailangan niyang umuwi at makausap si Emy para tanungin ito kung ano na ang magiging setup nila sa bahay ngayon sa pagdating ni Manang. Kung sasabihin nito na ayos na at pwede niya ng iwanan si Quinn dahil may kasama na ito ay babalik na muna siya sa pagluluto sa foodpark ni Glen, at kung hindi naman ay ayos lang din sa kanya dahil magkakaroon pa rin siya ng dahilan para madalas na makita ang dalaga.
*****
"Magstay ka pa rin dito bukas, si Aria naman ang babantayan ni Manang, at ikaw pa rin ang tagapagbantay ni Quinn." sagot ni Emy matapos itong tanungin at maabutan ni Kai na papasok na ng kwarto.
"Sige Ate."
Napansin ni Emy na tila malalim ang iniisip ng binata, "May problema ba Kai?" tanong nito.
"Wala naman ate, pero kanina kasi bago kita kausapin pumunta ko kila Glen, bumisita at nakibalita sa negosyo niya mula nung nagpaalam ako na hindi na muna makakapagluto."
"Umm... Mahigit isang linggo na nga pala yun nuh, namimiss mo na ba magluto ulit? Namimiss mo na ba mga chicks mo dun?" sinamaan niya ito ng tingin.
Kumunot ang noo ni Kai sa idinugtong na iyon ni Emy, kapareho ito ng pang-aasar ni Glen sa kanya kanina, "Pati ba naman ikaw ate! Wala kong babae dun, mga customer lang yun." pilit niyang pagtanggi.
"Binibiro lang kita, alam ko naman isa lang tinitibok niyang puso mo eh!" nagwink pa ito sa kanya.
"Nagsabi ka ba na babalik ka na dun?"
"Oo ate, sinabi ko sa makalawa baka makapagluto na ulit ako."
"Ganun ba, ayaw mo ng bantayan yung maganda nating bisita?" may pagtatampo sa boses ni Emy.
"Hindi naman ate, sympre priority pa rin siya pero kasi napansin ko kanina sobrang excited siya, 'di ko na nga nabilang ilang beses niya ko tinanong kung anong oras namin susunduin si Manang kanina, nakita mo pa nga napayakap pa siya nung nagkita sila, ang saya niya na may iba na siyang makakasama dito sa bahay."
Matamang tinignan ni Emy si Kai bago ito bumungisngis na ipinagtaka ng binata.
"So nagseselos ka dun sa yakap?"
Hindi nakasagot at panay tanggi ang ginawa ni Kai kaya lalo pa siyang pinagtawanan ni Emy ng makitang namumula ng kaunti ang mukha nito.
"Ikaw talaga oh, sinabi ko nga di'ba, pinabalik ko si Manang para may magbabantay kay Aria at hindi ko na maistorbo sila Mama. At ikaw, ang trabaho mo pa rin ay bantayan si Quinn."
"Isa pa, nabanggit ni Quinn kanina na nag-enjoy daw siya sa paggagala ninyo kanina, ang sarap nga daw ng foodtrip ninyo sa plaza." masuyo itong ngumiti.
"Talaga ate, sinabi niya yun?" Halos di makapaniwala si Kai at nanlalaki ang mata sa saya.
Pagtango ang isinagot ni Emy pero dahil alam niyang mangungulit pa itong si Kai ay nagpaalam na siyang matutulog.
Hindi na nakatanggi si Kai nang pumasok ng kwarto si Emy. Naiwan sa labas ng pinto ang hindi makapaniwalang si Kai.
Sinabi niya nga kaya iyon? Totoo kayang nag-enjoy siya kasama sila ni Aria kanina?
Bago bumaba ay napalingon si Kai sa pintuan ng kwarto ni Quinn, guni-guni niya lang ba na may nilikhang tunog ang doorknob nito...
Lalabas sana ng kwarto si Quinn ng marinig niya ang boses ni Kai, balak niya pa kasing kausapin ito patungkol sa kambal at tanungin kung ano ang pwede niyang maitulong pero pinigilan niya ang tuluyang pagbukas ng marinig na nag-uusap sila ni Emy, narinig niyang lahat ng sinabi ng pinag-usapan nila at ngayon ay hindi niya alam kung anong mararamdaman, nagseselos ba ito? Pero bakit? Matapos ng pag-uusap ay isinarado niya ng muli ang pinto, pasalampak siyang nahiga sa kama she doesn’t know where’s this feeling of uneasiness comes from...