"Is Emy still not answering?" tanong ni Quinn kay Kai, nasa sala sila at binabantayan si Aria na naglalaro, katatapos lang din nitong mag-almusal at naubos nitong lahat ang ihinihanda ni Kai.
Tumango ito, "Maybe ate is still busy with her work and can't answer her phone, for now we should take care of Aria." patuloy nito, napapaisip din siya kung bakit hindi pa sinasagot ng ate niya ang phone nito mula sa ilang beses nilang pagtawag dito. Wala namang problema kung maiiwan sa kanila si Aria para sa buong araw, alam niya naman paano alagaan ito ang isipin lang nila ngayon ay si Aling Beth at kung nasaan na ito.
"I think we should go outside," suhestiyon ni Kai, "maaga pa naman pwede tayong maglakad-lakad muna and if Ate wouldn’t still answer her phone---pwede tayong dumeretso ng palengke at mamili para sa pananghalian." patuloy niya.
Hindi siya sinagot ni Quinn, bagkus ay tumabi ito kay Aria, "You want to go play outside baby?" masuyong tanong ng dalaga na agad tinugunan ng malaking mga ngiti ni Aria.
Matapos makapag-ayos ay bumaba na rin si Quinn, naabutan niya sa may pinto si Kai at buhat-buhat si Aria na pabiro nitong kinikiliti dahilan para mapuno ng bungisngis ang loob ng bahay.
"Let's go!" nagagalak niyang turan para kunin ang atensyon ng dalawa.
Binaba ni Kai si Aria pagkalabas nila ng pinto, "Lakad ang baby namin ah, hawak ka sa kamay ni Ate Quinn mo ah." aniya kay Aria.
Inilapit ni Quinn ang kaliwang kamay at nakangiting inabot iyon ni Aria, samantalang ang isa pang kamay nito ay gumalaw at inabot naman ang isang kamay ni Kai.
Quinn and Kai both left puzzled, their eyes met questioning what will they do. Pero bago pa man makakilos ay nagsimula ng humakbang si Aria, hawak-hawak pa rin ang kamay nila ay napasunod na lang ang mga ito.
Una nilang nadaanan ang tindahan ni Aling Letlet, narito na rin ang mga kumare nito na sina Aling Vergie at Lily, seryoso silang nag-uusap na tila may isang bagong balita na naman ang dumating.
Agad na binitiwan ni Kai ang kamay ni Aria at pakunwari'y nagtitingin ng mga lutong agahan. Hindi iyon nakawala sa paningin ni Quinn kaya palihim siyang nangiti.
"Oh saan ang punta Kai?" tanong ni Aling Letlet ng mapansin sila, sunod niyang kinausap si Aria at binaby talk ito, tumuro sa harapan si Aria, na siyang ikinangiti ni Quinn at Kai.
"Bantay-bata po muna, wala kasi sila Mama kaya kami muna ang bantay kay Aria." paliwanag ni Kai.
Kinamusta naman ni Aling Lily si Quinn at natutuwang sinagot ito na mabuti siya at kahit papano ay nakakapag-adjust na.
"Aling Letlet," tawag niya rito,"Ano pong bagong balita?" inosente niyang tanong, biglang napaubo si Kai na tila nasamid ng marinig ito, gulat naman ang makikita sa mukha nila Aling Letlet.
Pero ngumiti lang ito bago sinagot ang dalaga, "Ah balita namin uuwi na raw ulit si Aling Beth ah?"
Ngayon naman ay si Quinn at Kai ang nagulat sa narinig, napakunot ang noo ni Quinn, nilingon niya si Kai at kinausap niya ito sa mata kung siya ba ang nagkwento, pero madiing pag-iling lang ang sinagot ng binata.
"Ah Opo, naghihintay lang kami ng tawag ni Ate kung kailan ito magpapasundo." paliwanag ni Kai nang mapansing hindi makasagot si Quinn.
Nagpaalam na sila sa mga ito bago pa man kung ano-anong kwento ang marinig nila.
“How?” Quinn exclaimed alam niya kasing silang tatlo lang ni Emy ang nakakaalam sa pag-uwi ni Aling Beth kaya hindi niya lubos maisip paano itong nalaman nila Aling Beth.
"Hindi ko alam," pagtanggi ni Kai, "Maybe it's their superpowers so you should stay away from them." saad pa nito bago tumawa ng marahan.
Pinagmasdan ni Quinn ang bungisngis na iyon ni Kai, natatawa na lang din siya sa kung paano ito nagpaliwanag at balaan pa siya.
Matapos iyon ay napadaan sila sa pinapagawang bahay ni Anton, siya yung balik-bayan na nag organisa sa one game trophy basketball match sa lugar nila at malapit na kaibigan din ni Kai.
"Pre san ang punta? Aba kasama mo pala ang inaanak ko at si Quinn." nagagalak na saad ni Anton, lubos ang saya nito ng makita ang suot na eyeglass ni Aria.
Gulat man ay ngumiti si Quinn sa lalaki at nilingon si Kai na tila nagtatanong kung paano nitong nalaman ang pangalan niya gayung hindi niya ito matandaan.
"He saw you at the bench watching our basketball match last friday. He's the primary sponsor of the exhibition game." paliwanag ni Kai, muling nilingon ni Quinn ang lalaki na naghihintay sa reaksyon niya.
"Oh sorry I forgot! Pasensya na po..." hingi nito ng tawad, naalala niya na, siya yung lalaki na ikinwento ni Emy, yung sponsor at ninong nga daw ni Aria, hindi niya lang talaga natandaan ang pangalan at itsura nito dahil sa sobrang ingay at daming tao ng araw na iyon.
"Ayos lang yun ngayon lang din naman tayo ulit nagkita, saka huwag ka na mag po, mukha lang akong matanda dahil sa mga puting buhok pero ilang taon lang ang agwat ko sa inyo." kamot ulo nitong pagtugon na ikinatawa nilang tatlo. Kahit may puti-puti na ito sa buhok gawa nang sa lahi nila ay kasing edad lang siya ni Emy, tatlong taon lang ang tanda kila Quinn at Kai.
"Malaki rin talaga itong pinapatayo mo pre ah, may nahanap ka na bang titira dito?" usisa ni Kai habang pinagmamasdan ang ginagawang bahay na may matataas na haliging bakal.
"Tatlong palapag yan pre,” napadako rin ang tingin nito sa ginagawang bahay, “hmmm wala pa nga eh sila Mama muna lilipat diyan pag natapos, alam mo naman hindi pa ko sinasagot ni ano." Patuloy nito at kamot kamot ang ulo ng hindi masabi ang gustong sabihin.
"Pano ka sasagutin, hindi ka naman nanliligaw." Pangbabara naman ni Kai.
"Pwede na kaya? Baka magalit ulit yun sa'kin at pagtabuyan ako."
"Grabe ka sa pagtabuyan pre, alam mo naman yun panay ang trabaho para sa baby niya." makahulugang ngumiti si Kai at nilingon si Aria.
"Kung alam mo lang pre, kahit hindi umayon sa'min ang tadhana, kasama pa rin siya sa mga pangarap ko." tila naiiyak ito ng sabihin iyon.
"Sana all may Anton!" sabay-sabay na sigaw ng mga pahinante niya na pawang mga kapitbahay niya lang din at ikinapuno ng halakhakan at asaran sa pwesto nila.
Pinagmamasdan at nakikinig lang si Quinn sa pag-uusap ng dalawa, hindi niya maintindihang lubos ang mga sinasabi ng mga ito pero base sa itsura at reaksyon nila na kahit tumatawa paminsan ay seryoso ang pinag-uusapan nila.
Napapaisip tuloy siya kung sino ang maswerteng babaeng tinutukoy ni Anton na hindi niya mabanggit.
Matapos iyon ay nagpaalam na sila, ang sumunod na nakakuha ng atensyon ni Quinn ay ang isang bahay kung saan may iilang nakaunipormeng babae at lalaki ang makikita. Kung pagmamasdan mabuti ay tingin niya'y mga healthworkers ito.
"Do you know who’s they’re visiting?" takang tanong niya kay Kai.
Tinitigan lang siya ni Kai, nagdadalawang-isip ito kung babanggitin niya ba kay Quinn, sumilip siya sa bahay bago ito sinagot, "I'll tell you later." tipid nitong tugon, nagpatuloy siya sa paglalakad, mabuti na lang ay hindi na ito nangulit pa, ayaw niya ring ipahalata kay Quinn ang malungkot na pakiramdam.
Kahit sumunod sa paglalakad si Quinn ay pilit niya pa ring tinatanaw ang bahay. Ano ba ang dapat na malaman niya, ngayon niya lang nakita ang malungkot na mukha ng binata.
Nakarating sila sa park at humanap ng isang malilim na pwesto, eksayted naman na nilapitan ni Aria ang ilang mga palaruan duon habang inaassist siya ni Quinn.
Nakamasid man sa dalawa ay malayo at malalim naman ang iniisip ni Kai, nauna niyang nakita ang mga healthworkers sa bahay ng kambal, gustuhin man niyang alamin ang nangyayari ay hindi pwede dahil kasama niya si Quinn, binilisan niya ang paglalakad pero huli na ang lahat nang mapansin na iyon ni Quinn at nagtanong, ngayon ay kung uulit pa ito ay mahihirapan na siyang hindi ipaliwanag rito kung sino ang nakatira duon at kung ano ang totoong pinagdaadaanan ng kambal na saya ang dulot sa dalaga, alam niyang sa ilang beses na nakasama ni Quinn ang mga bata ay napalapit na agad ito sa kanya at hindi niya alam kung paano maaapektuhan si Quinn sa malalaman niya.
Hindi namamalayan ni Kai na nasa harap niya na ulit si Quinn, nabalik lang siya sa ulirat matapos ang ilang beses ng pagwave ng kamay nito sa harap niya.
"Is there a problem?" tanong ni Quinn.
"Nothing... Hindi pa kasi tumatawag si Ate Emy." dahilan niya at pakunwari'y kinakalikot ang cellphone.
"Um okay, by the way is that an ice cream?" tanong ni Quinn at itinuro ang isang lalaki na nagtitinda ng sorbetes.
Napangiti siya bago nagsalita, "Yeah, it's called sorbetes. Tara bili tayo," tumayo siya at inabot ang isang kamay ni Aria na natatakam na rin ang mga labi. Mamaya niya na lang ikukwento kay Quinn ang storya sa likod ng bahay na nakita nito sa ngayon ay gusto niya pa munang makita ang mga ngiti nito sa labi.
Bumili sila ng sorbetes, mango flavor ang kay Aria na siyang paborito nito. Manghang-mangha naman si Quinn na tila ngayon lang nakakita nito, bumili siya ng malaking apa, tig-isa sila kung saan nilagyan ng bawat flavor ng chocolate, manggo at ube.
Matamang pinagmasdan ni Kai ang dalaga at hinihintay ang reaksyon nito.
"Ummm! Delicious!" Quinn looks amazed na siyang nagbigay din ng ngiti sa binata, agad nitong nilantakan pa ulit ang sorbetes.
Matapos iyon ay nagpatuloy sila sa pag foodtrip, timing na nagsabay-sabay na narito maging ang nagtitinda ng fishball, squidball at kikiam. Isa-isa iyong tinikman ni Quinn at sa sarap ng sawsawan nito ay mapapaulit ka talaga. May siomai din sa katabing bahay at nagluluto rin ng tingi-tinging french fries. Tila nabawi na nila ang naubos na energy sa paglalakad, matapos maubos ang mga iyon at makapagpahinga ay oras na para mamalengke naman.
Kung nung isang araw ay si Emy ang kasama ni Quinn ngayon ay si Kai naman, marami rin itong kakilala na mga tindera, lahat nga halos ng madaaanan nila ay kinakamusta sila at maging ang bibong chikiting na kasama nila.
Pinagmamasdan lang ni Quinn ang binata sa pamimili, masuyo nitong sinisipat ang karneng bibilhin at gayun din sa iba pang rekado. Nakakatawad pa ito ng malaki. Dito niya napansin na parang mas metikuloso ito sa pagkain kaysa kay Emy, bagay na lihim niyang ikinangiti.
Ilang araw na bang pilit niyang tinatanggi na ito ang nagluluto para sa kanya at sa kanila, pero ngayon na nakasama niya ito at maging kaninang umaga ng pinagmamasdan niya ito sa pag-asikaso kay Aria ay naniniwala na siya, she appreciates him doing this for Emy and also for her. Hindi niya na nga lang kailangan na ipaalam pa iyon sa binata, hindi naman na nito kailangan lalo pa at galing sa kanya dahil baka pagtawanan lang siya nito.