It was just five in the morning, maagang gumising si Quinn dahil sa gusto nitong sumama sa pagsundo kay Aling Beth, ngayon kasi ang araw ng balik nito.
Naabutan niya sa sala si Emy na kasalukyang nag-aayos para sa pagpasok nito sa trabaho, binati niya ito ng goodmorning at hinanap si Aria na natutulog pa pala sa kwarto. Nang sumilip siya sa kusina ay naabutan niya naman si Kai na na nagluluto ng almusal, kung nung mga nakaraang araw ay todo iwas siya sa binata ay ngayon parang wala lang na naupo siya sa tabi ng mesa at binati din ito ng goodmorning. Nagkusa rin ang mga kamay niya na magtimpla ng coffee and even asked Kai kung nakapagtimpla na din ba ito. Pagtango lang ang sinagot ng binata at bumalik sa pagluluto. That was weird sa isip-isip ni Quinn, napangiti rin siya sa 'di malamang dahilan habang pinapaikot ang kutsara sa tasa.
She knows she just feels excited dahil kahit papaano ay may iba na siyang makakausap at makakasama mula ngayong araw sa pagdating ni Aling Beth. Kahit pa nga pakiramdam niya ay hindi na ganun ka awkward at nakakausap niya na si Kai ay iba pa rin kung kapwa niya babae ang makakausap at isa pa based sa mga kwento ni Emy ay madaldal din si Aling Beth kaya siguradong magkakasundo sila.
"Quinn, Kai, pasok na ko ah, kayo na muna bahala dito at pakicheck na lang si Aria sa taas, tatawag na lang ako pag nasa malapit na si Manang." paalam ni Emy sa dalawa.
"Sige Ate, ingat po." saad ni Kai.
Masuyong sinamahan naman ni Quinn si Emy sa paglabas, "Getting closer?" nangingiting tanong ni Emy nang istart ang kotse.
Kumunot ang noo ni Quinn nang hindi agad ito maintindihan, "I saw that bubbly smile while stirring your coffee." patuloy ni Emy.
Sandali siyang nag-isip, she understand what her friend is trying to tell, "I love coffee, you know that Emz." nagbalik naman ito ng ngiti. Emy nods but her face looks disbelief.
"Take care Emz, we'll take care of baby Aria so don't worry." paniniguro ni Quinn kay Emy.
"We?" Emy pout her lips, "That sounds reassuring for me." patuloy nito.
"Emz!” pagtawag niya bago ito makalabas ng gate, “It was---I and Aling Beth I'm thinking!" singhal niya, but Emy just shrug her shoulders and wave goodbye to her.
Of course that was Aling Beth and I I'm thinking! pag-uulit ni Quinn.
"Luto na, kain na muna tayo bago magsundo?” Kai beam at her as she enters at the door.
Nagugutom na rin naman talaga siya, kaya sumunod siya sa kusina at sabay na silang nag-almusal.
*****
Naalimpungatan si Quinn ng may madinig siyang mahihinang kaluskos, kinusot-kusot niya ang mata at sandaling napatitig sa kisame. Matapos kasi nilang sabay na mag-almusal ni Kai ay nagpaalam siya na aakyat na muna at titignan kung gising na ba si Aria, naabutan niya itong natutulog pa at ang huling tanda niya ay tumabi siya rito at hindi namalayan na nakatulog na rin pala siya.
Paglingon niya sa pwesto ni Aria ay nakita niyang nagkukusot nang mata, mukhang kagigising lang din nito at sa tingin niya'y ang paggalaw niya pa ang nagpagising dito. Automatiko na napangiti siya ng oras na yun, ganito pala ang pakiramdam na pagkagising mo ay may isang super cute na baby girl ang makikita mo. Kakaiba at hindi maipaliwanag na saya habang pinagmamasdan ang inosente at batang anghel na nasa tabi niya ngayon.
It was an overwhelming feeling and the affection was undescribable for her.
Sandali siyang sumilip sa relo, ilang minuto na lang ay alas otso na ibig sabihin ay halos dalawang oras rin siyang nakatulog.
Naupo siya mula sa pagkakahiga at muling nilingon si Aria, nakatingin ito sa gawi niya at paminsan ay kinukusot pa rin ang mata, hindi maalis ang ngiti sa labi niya. Ilang sandali pa lang ay naalala niya ang kondisyon ni Aria sa mata, kaya agad siyang bumangon at hinanap ang eyeglass nito. Mabuti na lang ay nahanap niya rin agad, nilapitan niya at isinuot ito kay Aria, kita niya na parang guminhawa ang pakiramdam nito, bumangon ito at mataman ulit siyang pinagmasdan.
"Hi baby! It's Ate Quinn! How's your sleep?" malambing niyang bati rito.
Nagpout lang ito ng labi at sandaling pinagmasdan siya bago masuyong yumakap sa kanya.
Nakakataba ng puso at ang gaan-gaan sa pakiramdam.
"Manang will be here na later, miss mo na siya baby?” sambit niya, “But we'll have to wait ah, susunduin namin siya ni Kai maya, let me just take care of you first ah." paglalambing niya.
Aria nod at her, "Can I see your smile baby girl?" patuloy niya, hindi naman siya binigo ni Aria ng magsmayl ito labas ang iilang mga ngipin pa lang niya, ginaya niya ito na siyang lalo ikinatuwa ng bata at muling yumakap sa kanya.
Bakit ba ngayon niya lang naisipan na pwede niya naman palang bantayan siAria, siguro kung nung unang mga araw pa lang ay binanggit niya na ito kay Emy ay mas nag-enjoy pa sana siya sa pagstay dito at hindi niya na kinailangan pang makipagpatintero sa mapang-asar na si Kai.
Speaking of that Kai... Maybe he's just downstairs waiting for them.
"Let's go downstairs baby, kuya Kai is waiting for you there."
Bumangon sila mula sa pagkakahiga, hawak-hawak niya ang isang kamay ni Aria, bago makalabas ng kwarto ay may dinampot itong laruan na barbie at dala-dala niya iyon sa pagbaba nila.
Nang makababa ay wala silang Kai na naabutan sa sala, sinilip niya sa kusina at wala rin duon. Where's that guy? sa isip-isip niya, naupo sila sa sofa, at habang busy sa paglalaro si Aria ay agad niyang dinial ang no. ni Kai.
Ilang ring pa at sinagot nito ang tawag.
"Where are you?" Quinn asked.
"Nasa labas lang ako---may binili bakit?" sagot ng binata, she heard some murmuring from the other line, binabanggit pa nga ang pangalan nila, malamang ay kasama nito ang barkada niya, pawang mga boses ng lalaki kasi ang naririnig niya.
"Aria's awake already so get back here fast!" matapos banggitin iyon ay ibinaba niya na ang tawag, bakit ba pakiramdam niya ay naiinis siya na ang aga-aga ay barkada agad ang kasama nito. At isa pa bakit niya ba hinahanap niya pa ito eh kayang-kaya niya naman alagaan si Aria kahit wala ito.
Napailing siya, nagtataka na siya sa ikinikilos, nilingon niya si Aria at na sa kanya pala ang atensyon nito.
"Is there a problem baby?" masuyong tanong niya rito.
Hindi ito sumagot at bagkus ay hinila-hila lang nito ang dulo ng kanyang damit, nagugutom na ata ito, marahan niyang hinaplos at kinurot ang matatabang pisngi nito.
Binuhat niya si Aria pa kusina at pinagtimpla muna ito ng gatas gaya ng nakikita niyang ginagawa ni Emy, pagkabigay niya nito ay pinaupo niya ito sa isang maliit na upuan.
Um, what else? Inikot niya ang tingin sa kusina at naghanap ng iba pang pwdeng kainin ni Aria, pero malinis na ang mesa, nagtataka siya dahil alam niyang marami pa ang natira sa niluto ni Kai ng matapos silang mag-almusal.
Sumunod na napadako ang tingin niya sa lababo kung saan may iilang pinggan at kutsarita ang naroon, "Is Aling Beth already here?" pagtataka niya pa ulit tanda niya kasi na nagsisimula ng maghugas ng plato si Kai ng umakyat siya.
Kinuha niya ang isang lagayan na nasa gilid ng mesa, may mga ilang maliliit na botelya duon at may mga garapon din na may lamang pagkain pero hindi niya alam kung saan dito ang kukunin at ibibigay kay Aria, napalunok siya at ramdam niya rin na nagsisimula ng mamuo ang pawis mula sa kanyang noo.
This wasn't easy after all nasabi niya na lang sa sarili.
Matapos makapili ay kumuha siya ng isang maliit na lagayan at kutsarita ngunit sa pagbaling niya sa kinauupuan ni Aria ay wala na ito ruon.
Agad niya itong hinanap at sa sala niya na ito naabutan, nakaupo sa sofa habang umiinom ng gatas at katabi niya na ruon si Kai.
"Is her food ready?" tanong nito nang magtagpo ang tingin nila
Napadako siya sa hawak-hawak, ang totoo ay hindi niya alam kung tama ba itong ginagawa niya, she never experienced taking care of a child na kasing bata ni Aria, at aaminin niya wala siyang kaalam-alam lalo na pagdating sa mga pagkain ng mga ito. Duda pa nga siya sa tinimplang gatas at baka hindi ito magustuhan ni Aria.
Lumapit siya kay Kai at ibinigay rito ang mga hawak-hawak niya, "I'll look for Aria, prepare her food." aniya sa binata, hinugot niya rin ang kamay nito para tumayo at siya namang maupo.
Kai smile a bit, "Follow me, so next time you’d know how to prepare her food." utos sa kanya ng binata, sinamaan niya ito ng tingin dahil sa preskong pagkakasabi nito pero tinawanan lang siya nito.
Nakaramdam siya na tila may humihila ng damit niya at nang lingunin ay nakita si Aria, pinapakita nito ang naubos ng tinimplang gatas. Tila nakahinga siya ng maluwag ng makitang ubos ng baso, bumaba ito sa sofa at tingin niya'y susunod kay Kai, kinuha niya na muna ang garapon at binuhat na ito.
Naupo siya at ipinatong niya naman si Aria sa mesa, tahimik lang ito, hawak-hawak pa rin ang isang barbie doll. Pinagmasdan niya ang hindi niya maintindihang ginagawa ng binata, nang matapos ay ito na rin ang nagpakain kay Aria, lihim siyang napapangiti dahil parang alam na alam ng binata ang ginagawa nito, kahit makulit din kung kumain at nagdadaldal kung minsan ay nagkakasundo naman ang dalawa, may mga pagkakataon pa na napapatawa niya si Aria sa kung ano-anong facial expression na pinapakita niya rito.