Matapos makapagsimba ay sandaling naghintay sila Quinn sa church, kasama niya ang kambal na nakikipaglaro kay baby Aria at si Emy na kausap ang mga magulang nito.
Ilang minuto pa ay lumapit na si Emy sa kanila, "Hindi makakasama sila Mama, next time na lang daw." may lungkot na saad nito.
Maging si Quinn ay naramdaman ito, "Should we re-sched it for next week?" suhestyon niya.
Sandaling nag-isip si Emy bago ito muling nagsalita, "No Quinn, tuloy tayo, may naisip ako isama natin si Kai." agad na kinuha niya ang phone and dialed Kai’s number.
"I think that's not a good idea Emz, you know what happened the last time we go to that place,” muling pagpapaalala ni Quinn pero lalo lang lumaki ang ngiti sa labi ni Emy.
"Don't worry Quinn, magpapadrive lang tayo sa kanya, and one more thing you two are okay now, right?"
Hindi agad nakasagot si Quinn, ayos na nga ba sila? Kagabi ay aaminin niya na sa unang beses matapos ang ilang araw na palitan nila ng matatalim na tinginan ay naging matino ang pag-uusap nila. Pero kung magpapatuloy ba yun na ganun ay hindi niya sigurado.
Nagpaalam sandali si Emy at tingin niya'y kausap na nito si Kai. Kaninang umaga ay sinabi ni Emy sa kanila na dederetso sila ng mall pagkatapos ng church service at duon na rin maglalunch, nakausap na rin daw nito ang mga magulang na sasama kaya ang plano ay mag-cocommute sila. That would be her first time sana pero mukhang hindi muna matutuloy. Samantalang si Kai ay tumanggi na sumama, kaya agad din itong umalis matapos ang simba.
Nag Ok sign sa kanya si Emy kaya naghintay pa muna ulit sila.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Kai gamit ang kotse ni Emy. Bababa pa sana ito ng pigilan ng kaibigan.
"Micah, Ezra diyan na kayo sa unahan ah, kami na ni Quinn sa likod." Agad na sumunod ang kambal, kinuha ni Emy si Aria at sumakay na rin sila. Si Quinn naman ay na kay Kai ang atensyon, kunot noo ang binata at halatang hindi naiintindihan ang nangyayari.
Matapos nilang makapasok sa kotse ay saka lamang ipinaliwanag ni Emy kay Kai ang gagawin, na sasama siya dahil hindi sila matutuloy sa pagcocommute. Natatawa siya habang pinagmamasdan ito na kahit gustong magreklamo ay walang nagawa nang si Emy na ang nag-uutos sa kanya.
If there's a person na sigurado siyang makakatupi sa composed and upbeat personality nitong si Kai ay walang iba kundi si Emy.
Kamot-ulo nitong inistart muli ang kotse.
Matapos ang isang oras ay nakarating na sila sa mall, nagparking at saka pumasok ng mall.
"You sure you'd go with us?" usisa niya rito, hindi niya alam bakit natanong niya ito ng ganun, nasa likod sila nila Emy at ng kambal na excited at malalaki ang ngiti habang naglalakad.
Walang expresyon sa mukha nito, "nagugutom na ko," tanging tugon nito na siyang ikinatawa niya, "same" sagot niya at nagpout pa ng labi, nagkatinginan sila at parehong bumaling sa kanya-kanyang tiyan na tila nakikiisa sa kanila.
That was a good start for a conversation sa isip-isip ni Quinn.
She’s wearing a casual loose green shirt partnered with straight cut jeans.
Pare-pareho na silang gutom kaya ito agad ang hinanap nila, sabay-sabay naman silang nag agree na sa isang fastfood na lang kumain.
Matapos makahanap ng pwesto ay si Quinn at Kai ang naatasang umorder ng pagkain nila, dahil medyo mahaba ang pila ay napansin ni Quinn ang pagiging aligaga ng katabi at panay ang tingin nito sa menu na nasa itaas ng counter, may nabuong ideya sa kanyang isipan.
Nagpapansin ito na tila may hinahanap sa bulsa at sa bag para lingunin siya ni Kai, nang makuha ang atensyon nito ay agad sinabi, "Um, I think I forgot my phone on the table, kukunin ko lang muna ah, be right back." paalam niya rito.
"Uy teka!" pigil nito pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad ayaw niyang lingunin ito dahil makikita nitong nagpipigil lang siya ng tawa.
Pagbalik niya sa table ay agad siyang tinanong ni Emy, napansin nito ang mahinang pagtawa ni Quinn kaya agad niya itong tinanong at nang banggitin ng dalaga ang ginawa nito ay nagtatawanan sila samantalang pakunwaring may hinahanap si Quinn sa bag, hindi pa siya inaasar ng binata mula kaninang umaga at dahil sa ginawa nito ay malamang bawian siya nito.
Pakiramdam ni Quinn ay may kulang sa umaga niya, para bang ang pagiging tahimik ng binata ay malayo sa nakasanayan niya.
Nang senyasan siya ni Emy na malapit na si Kai ay saka lamang ito bumalik, nakita ni Quinn na nakatingin ito sa gawi niya kaya agad niyang inangat ang kamay at pinakita ang phone na kunwari'y nahanap na.
Nang magkatabi ay kinuha ni Kai ang kamay ng dalaga, gulat man ay hinintay nito ang gagawin ni Kai.
May inabot ito at nang tignan niya ay ang perang pangbayad sa order nila.
"Ikaw na mag-order... Pano ba yan 'di ko alam," simangot na turan ng binata, nakatingin lang din ito sa malayo.
Quinn giggles, akala niya ay kung ano ang gagawin nito, "I'm not familiar with the orders, ikaw na lang." aniya at iaabot sana ulit ang pera pero itinago ng binata ang mga kamay nito sa likod at isa-isang sinabi ang mga bibilhin nila. Nagpipigil siya ng tawa habang nagpapaliwanag ito, kabisado niya ang mga oorderin pero ayaw talaga niyang siya ang mag-oorder.
Emy took a groufie bago sila kumain, doon lang din naalala ni Quinn ang kanyang travel buddy camera na naiwan sa kwarto nito, ilang araw niya na ring hindi ito nagagamit wala naman kasing espesyal sa mga nagdaang araw. Hindi bale may next time pa naman at sisiguruhin niyang dala-dala niya na iyon, this was a vacation after all.
Naging masaya ang pagkain nila kahit naghintay pa sila ng sampung minuto, nagkataon din na nag-ikot ang mascot ng fastfood na iyon na isang malaking bubuyog, kinaaliwan ito ng mga bata lalo na ang kanilang baby Aria na nakipag-apir pa ng dumaan ito sa table nila.
It's her 8th day today kasama sila Emy but this was only the second time na makakasabay niya sa pagkain si Kai, ang una ay noong unang umaga niya sa bahay nila, tahimik lang ito na kumakain. Lihim siyang napangiti ng maisip na ang tagal na pala nilang sinusubukan iwasan ang isa't isa kahit ang totoo'y silang dalawa lang naman ang madalas naiiwan sa bahay.
Matapos ang nakakabusog na pananghalian ay naglibot muna sila, pumasok sila sa department store, nauna silang naglibot sa mga clothing section, hindi niya alam kung sinasadya ba ni Emy ang pinuntahan nila dahil it was the same place kung saan ang ilang minuto ay naging tatlong oras kay Kai, pasikreto niyang sinisilip ang reaksyon nito, sa ngayon ay ngumingiti pa naman ito, busog pa siguro ang mokong sa isip-isip niya.
Sunod silang pumunta sa toy section kung saan enjoy na enjoy naman ang si baby Aria sa pagtitingin ng sari-saring mga laruan.
Matapos iyon ay umakyat naman sila para magpunta sa mga palaruan, this time ay ang malalaking ngiti naman sa labi ni Kai ang napansin ni Quinn, agad itong nagpunta sa counter at nagpapalit ng mga coins, kasunod nito si Ezra na kanina lang ay panay ang dutdut sa cellphone pero ng malamang dito ang sunod nilang punta ay agad itong ibinulsa.
Dumeretso ang mga ito sa isang palaro na kailangan ng coins, nang makita niya kung ano ang larong iyon ay napangiti na lang din siya.
“Basketball as usual...” sabay pa nilang komento ni Emy at napangiti sila sa isa’t isa.
Habang naglalaro sila ay tahimik na lumapit si Quinn sa pwesto ng binata, seryoso ito sa pagshoot ng bola pero kita rin sa mga mata nito na nag-eenjoy siya.
“What if we go here after we buy clothes the other day, will you not be annoyed with me?” tanong niya sa binata matapos ang timer nito sa laro.
“Hindi. Hindi mo naman agad sinabi.” At nakakaloko itong ngumisi, bago naghulog ulit ng token at naglaro pa ulit.
Ngayon ay siya naman itong nairita sa sinagot ng binata, itinulak niya ito ng bahagya at nakiagaw ng bola.
“Uy, huwag ka makulit, tatalunin ko pa yung highscore.” Sambit nito at ginitgit din siya pero hindi siya nagpatinag.
“Move there! I’ll play here,” ngumuso siya sa kabilang pwesto at akmang ishoshoot ang bola.
“Hindi ka naman marunong ni’yan.”
Sinamaan niya ng tingin ang binata, “If I shoot this, you’ll treat me ice cream?”
Ngumisi lang ang binata, “Deal, ‘pag hindi pumasok, ako ang ititreat mo ah”
Ngumiti siya na tila confident na maishoshoot iyon kahit pa nga ngayon lang talaga siya nakahawak ng bola ng basketball sa buong buhay niya, mas mabigat pala ito kung ikukumpura sa bola ng volleyball na minsan niya ng nalaro sa isang beach na pinuntahan.
Hindi talaga siya marunong! Pero kailangan maishoot niya ito, malapit lang naman ang ring kaya tingin niya’y nasa paghagis lang ito.
Dinig niyang nagpipigil lang ng tawa sa likuran niya si Kai, naririnig kasi nito ang mahinang paghagikgik ng binata na tila sinasadya nito para mawala siya sa focus.
Pero hindi iyon mangyayari, naghanda na siya sa pagshoot, tingin niya’y mas maganda at mababalanse niya kung isang kamay lang ang gagamitin, tumikhim muna siya bago binitawan ang bola, tumama ito sa pinakaboard at tumalbog papasok ng ring.
“Yes!” pagcelebrate niya.
“Easy!” pagyayabang niya at nilingon ang binata na napapakamot na lang sa ulo.
“You owe me an ice cream now.”
“It didn’t count.” Saad nito sa kanya na ikinasalubong ng kilay niya. Napalingon muli siya kung saan makikita ang mga iskor at hindi nga ito gumalaw. Pero bakit ganun, pumasok naman yung bola.
“Kakadasal mo naubos na lang yung oras. Sayang token. Tss...” komento pa ni Kai.
Duon niya lang napansin na timer pala ang nasa tabi ng iskor, hindi na rin bumaba ang bola na ihinahagis niya at nastuck ito duon sa ilalim.
Napalingon siya sa paligid at may iilang tao ang nakatingin pala sa kanila, napansin din niya si Micah sa katabing pwesto na nangingiti sa kanya, at parang may sinasabi ito na okay lang iyon ate. Tila umakyat naman ang pamumula sa pisngi niya, bakit kasi hindi agad sinabi iyon ni Kai sa kanya, nakakahiya tuloy para sa mga nakakita.
“You still won and I owe you an ice cream for that.” Saad ni Kai at naghulog pa ulit ito ng tokens, bumaba na ang mga bola, kumuha ito at iniabot sa kanya, kumuha rin siya ulit at nagpatuloy lang sa pagshoot.
“Laro pa tayo.” Pag-aya nito ng may ngiti sa labi kaya naman nagpatuloy sila at nagsalitan na sa pagshoot ng bola.