Kinakabukasan paggising ni Quinn ay ramdam niya pa ang p*******t ng ulo, hinilot-hilot niya ito pagkabangon, ang huli niyang naaalala sa laro kagabi ay ang pagpupumilit ni Kai na maglaro ulit matapos matigil ang pagdugo sa pumutok na kaliwang kilay nito, pinigilan niya ito pero hindi siya pinakinggan kaya naman nakaramdam siya ng pagkainis mula rito, hindi niya pa rin maintindihan bakit ganun na lang ang kagustuhan nito na maglaro kahit pa nasaktan na ito.
Ang sumunod na eksenang natatandaa niya ay ang pagtunog ng buzzer tanda na tapos na ang laro. Nagkumpulan ang mga tao papasok sa loob ng court, hindi na rin sila makakilos at dahil may bata silang kasama ay inaya niya na lang si Emy na umuwi na.
Pagbaba niya ay naabutan niya si Aria na naglalaro ng mga luto-lutuan nitong laruan samantalang si Emy ay nasa kusina at naghahanda ng almusal.
"Goodmorning Emz." bati niya rito.
"Goodmorning din Quinn, ano masakit pa ba ang ulo mo?" balik nito sa kanya.
Umiling at ngumiti siya ng kaunti para hindi na mag-alala ang kaibigan, matapos sumabay kay Emy sa pag-aalmusal ay nabalik sila sa sala at nagkwentuhan.
Napansin ni Emy na tila may hinahanap si Quinn, makailang beses itong lumabas sandali, umakyat at pagtapos ay bumaba ulit.
"Hinahanap mo si Kai?" usisa nito sa kanya.
Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Quinn, itinanggi niya na hinahanap ang binata. Pero iba ang nakikita ni Emy.
"Siguradong nagcelebrate pa sila pagkatapos ng laro. But I did text him already, baka mamaya lang ay nandito na iyon."
"Did they win?"
Napatawa si Emy halatang nawala na sa focus si Quinn kagabi at maging kung sino ang nanalo ay hindi na nito maalala. Nagulat ata talaga ito sa aksidenteng nangyari kay Kai.
"Oo nanalo sila, and Kai was the mvp of the match, it was just a two point win para sa team nila." proud na sambit ni Emy.
"That guy! Tss..." iritang sagot ng dalaga.
"Ganun lang talaga ang mga lalaki Quinn, lalo dito sa Pilipinas, when it comes to basketball they will do everything just to win the game."
Kumunot ang noo ni Quinn, "even if they’re injured already?"
"Oo, kahit pa masaktan sila, kahit makailang ulit pa na mangyari yun, basta kaya pa nila maglaro ay maglalaro sila. That's how passionate they are in basketball specially Kai. Kaya huwag ka ng mainis kung pinilit niya pa rin maglaro kagabi."
Emy seems so proud with Kai, pero siya naiinis pa rin ang pakiramdam, hindi niya pa rin maintindihan ang rason nito bakit kailangan magpatuloy kahit nasaktan para sa kanya isa pa ring laro lang iyon.
"Ate..."
"Oh Kai, andiyan ka na pala, nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa ate, kagigising ko lang din, grabe yung laro kagabi ate."
"Congrats nga pala pero hindi ka naman nagpakalango sa alak nuh?"
"Hindi ate, umuwi rin ako kila mama at dun na natulog, ayoko na maistorbo pa kayo sa pagpapahinga eh."
Quinn silently watching them talking, nakatayo si Kai at nangingiti ito habang sumasagot sa mga tanong ni Emy.
Lumapit ito at naupo sa tabi niya, ngumisi pa bago nagsalita ulit, "Goodmorning." bati nito sa kanya, pero inirapan niya lang ito at lumayo ng kaunti sa pagkakaupo.
"Kamusta naman pala ang sugat mo ah?" Emy asks him pero nasa kusina na ito.
"Okay na ‘to ate, malayo naman sa bituka, importante panalo."
Muling tumingin sa kanya ang binata, nakangisi na tila tuwang tuwa pa na nasaktan siya.
"Aray! Bakit mo ginawa yun?" reklamo ni Kai matapos pitikin ni Quinn ang kaliwang kilay nito na may benda pa sa ibabaw, hawak-hawak ng binata ang parteng iyon at iniinda ang ginawa ni Quinn.
Quinn sarcastically smiles at him, "That's for still playing despite being hurt." aniya rito.
Nakangiwi pa rin ito at iniinda ang sakit, "Sinabi ko na ipapanalo ko yung game di'ba kaya kailangan kong gawin yun."
"You don't have to do that, it's just a game."
"Maybe for you, but for me and my teammates it isn’t. Isa pa gusto ko talagang manalo para kila ate at---para sa'yo..." ayokong sayangin ang suporta mo... sambit ni Kai, matapos iyon ay umalis siya mula sa pagkakaupo nang hindi nililingon si Quinn, naiwan ang dalaga sa sala at pilit na prinoproseso ang mga sinabi nito.
Matapos ang tagpong iyon ay hindi niya na muling nakita si Kai sa paglipas ng mga oras, tanging si Emy at baby Aria ang nakasama niya, nagpunta sila sa malapit na mall, binisita rin niya ang family nito at pagdating ng hapon ay sa isang playground naman siya pinasyal ni Emy, naruon din si Micah na siyang nakikipaglaro kay baby Aria.
Naging masaya naman ang mga oras na kasama niya si Emz, marami silang napag-usapan, naikwento niya rin dito ang tagpo nung magpakilala sa kanya ang mga kaibigan ni Kai, tawang-tawa sila pareho habang pinag-uusapan ito.
"Siya nga pala Quinn, nakausap ko na si Manang Beth baka by monday ay narito na ulit siya." turan ni Emy.
Tumango at ngumiti ng bahagya si Quinn, "Umm Emz do I need to apologize to him?"
Nagtaka naman si Emy sa isinagot ng dalaga wala itong koneksyon sa tanong niya pero agad niyang nakuha ang gusto nitong sabihin.
"Hindi naman yun galit sa'yo, nagtatampo siguro kasi parang hindi mo na appreciate yung pagkapanalo nila."
"It’s not that I didn’t appreciate them winning Emz…" tipid niyang sagot.
"Kai just want to return the favor Quinn..." masuyo itong ngumiti sa kanya.
"Sabi niya ipapanalo niya ang laro di'ba kaya gagawin niya lahat para matupad yun. One more thing is that she saw you cheering for them at the last quarter of the game that gives him more eagerness to win the match kaya kahit nasaktan na ay itinuloy niya pa rin ang paglalaro.
"Ayaw niyang biguin yung mga nakasuporta sa kanya, hindi lang yan sa pagbabasketball pero sa lahat ng bagay kaya pag may sinabi siya sa'yo, asahan mo gagawin niya lahat para matupad yun.
"He's a good guy Quinn, paminsan lang talaga ay mapang-asar siya, his own way of getting your attention." masuyong ngumiti si Emy matapos ipaliwanag ang lahat kay Quinn.
Nang mapagod sa paglalaro si baby Aria ay dumeretso sila sa palengke para mamili ng iluluto para sa dinner. Duon niya na lang din ulit naranasan ang makapunta sa isang pamilihang bayan, napakaraming tao ng mga oras na iyon, bitbit niya si baby Aria habang si Emy ang abala sa pamimili ng mga rekado para sa lulutuin nito mamaya, may mga ilan din itong kilalang tindera at ipinakilala siya.
Dito niya lang din naisipang itanong ang pangalan ng barangay kung nasaan siya, isang linggo na siya rito pero hindi niya pa rin alam kung anong pangalan ng barangay na ito.
Bagong Silang, yun ang naging tugon sa kanya ni Emy, at kung isasalin ito sa ingles ay New Born dahil daw sa dami ng mga ipinapanganak sa lugar na ito, hindi niya naman iyon maikakaila dahil kahit san siya lumingon ay may mga bata siyang nakikita.
*****
Habang nasa kusina si Quinn ay siya naman pagdating ni Kai, akala ng binata ay si Emy ang nasa kusina kaya dumeretso siya duon, sabik dahil sa mabangong amoy ng niluluto nila, sigurado siya dahil paborito niya ito.
"Si Ate?" patay malisya niyang tanong nang si Quinn ang maabutan niya rito.
Ilang segundo ring nakatingin lang sa isa't isa ang dalawa, "She's upstairs checking if baby Aria's still sleeping..."
Pagtango lang ang sinagot ni Kai at umalis na ito.
Sa harap ng hapag ay wala pa ring imikan ang dalawa, si Emy ang naging tagapagsalita sa tila mga pipi niyang kasama. Napabilis tuloy ang pagkain nila at nang aakmang magliligpit na si Emy ay siya namang prisinta ng sabay ni Quinn at Kai.
"Mabuti pa nga para makapag-usap na kayo. Aakyat na ko, kayo na bahala dito ah." utos ni Emy at iniwan na ang dalawa sa sala.
Nagsalansan ng mga pinaggamitan si Kai habang si Quinn ang naglinis ng lamesa.
"Are you still mad at me?" putol ni Quinn sa katahimikan nila. Nakatalikod sa kanya si Kai ng tanungin ito.
"Hindi, pero ikaw yung galit sa'kin di'ba? For what I did last night?" pagbalik ni Kai at humarap sa kanya without any emotions written on his face.
Umiling si Quinn, "No. I'm not mad at you, it's just that I'm---concern..." sa wakas nasabi niya na ang kanina pang gustong sabihin dito.
"I’m sorry..." yumuko pa muna ito, "I just badly want to win that game..." for you dudugtong pa sana ni Kai pero pinigilan niya ang sarili, iyon ang unang pagkakataon na nagbitaw siya ng salita kay Quinn, alam niyang wala itong hilig sa sports kaya laking gulat niya ng makita ito kasama ng Ate Emy niya na manunuod ng game. At sa mga huling quarter nga ay nakita niya pa itong pumapalakpak at sumasabay sa pagcheer sa kanila, kaya naman kahit nasaktan ay ganun na lang ang kagustuhan niyang tuparin at ipanalo ang laro.
"I had that wrong. Congrats on winning the game." may sumilay na ngiti kay Quinn, "just be cautious on playing again..." dugtong pa nito.
Hindi nakawala ang ngiting iyon kay Kai, "Noted." masayang tugon niya.
Matapos magkaayos ng dalawa ay tila gumaan na rin ang pakikitungo nila sa isa't isa, sandali pa silang nakapag-usap. Pinuri ni Kai ang masarap na pagkakaluto nito ng sinigang na agad namang tinanggi ni Quinn at ipinaliwanag na si Emy ang talagang nagluto nun at tumulong lang siya.
Natatawang inamin niya rin sa binata na kahit marami itong gusto subukang lutuin ay hindi naman siya marunong magluto. Nagbigay naman ng suhestyon si Kai na kung gusto nitong matuto ay pwede niya itong tulungan. Bagay na hindi agad nasagot ni Quinn.
"I can help you if you want." muling nagflashback sa isip ni Quinn ang sinabing iyon ni Kai, he sounds confident at himself. Nakahiga na siya sa kama and currently scrolling in YouTube’s nang mga cooking videos, nakakaramdam siya ng excitement habang nanunuod matagal niya ng gustong subukan ang pagluluto, pero dahil mag-isa lang siya madalas sa mga pinupuntahan ay natatakot siya na subukan ito. Natatawa pa siya ng maalala ang iilang pagkakataon na ang simpleng pagluto ng fried hotdogs or eggs ay na-overcooked niya pa.
She whispers a thank you prayer bago ipikit ang mata, ngayong araw ay eksaktong isang linggo na ang tinagal niya sa lugar na ito. Sino bang mag-aakala na sa simpleng lugar na ito ay makakatagal siya ng ganoon, she knows herself well na natatawa siyang iniisip na isang achievement na iyon para sa kanya.
Sa unang linggong pananatili niya rito ay marami siyang bagong nakilala, mga taong di niya aakalain na makakapagbigay ng kasiyahan sa kanya at siyang gugustuhing makasama pa ng matagal.