Exhibition Game

1835 Words
    Maingay na paligid, mga batang nagtatakbuhan sa labas, may mga makukulay na pailaw din at halos di mahulugang karayom sa dami ng tao ang naabutan nila Quinn, mag aalas-otso ng gabi nang magpunta sila sa covered court na malapit lang sa bahay nila Emy. Wala siyang hilig sa sports pero dahil sa makailang ulit na pag-aya sa kanya ni Emy pagdating nito galing sa trabaho ay napapayag na rin siya. Kasama niya ang kambal na sinundo pa talaga siya sa bahay, si baby Aria naman ay hawak-hawak niya sa kamay habang naglalakad, kita niya ang naglalakihang ngiti at maliliit na bungisngs nito sa tuwing nilalaro siya ng kambal.     This will be her first time watching this kind of event, she rarely watched basketball games or any other sports on television or live man kahit pa alam niyang sikat ang larong ito sa Amerika.     Naupo sila sa bench na tingin niya'y sa team nila Kai dahil nakita niya ito at ang ibang teammates nito na naruon din at nakasuot ng pang basketball na uniform. Hindi naman ito nang-asar, matapos buhatin ng ilang minuto si baby Aria ay ibinalik niya rin ito ulit at nagbalik na sa court.     It's a one game trophy match based on what Emy explained to her earlier. Ginagawa daw talaga ito sa lugar nila para icelebrate ang pagbabalik ng isang taga-rito na matagal nagtrabaho sa ibang lugar o kaya ay sa ibang bansa.     Nang magsimula ang laro ay malalakas na hiyawan ang narinig niya, isa-isang pinakilala ang mga players at special mention sa nag-organize ng event na siya ring tinutukoy ni Emy na nagtrabaho sa ibang bansa ng ilang taon at ngayon ay bumalik na. He's name was  Anton base sa pagkakainitindi niyang pagbanggit ni Emy. Kakampi ito ni Kai at ninong rin daw ito ni Aria.     Lalo naman lumakas ang hiyawan ng banggitin ang pangalan ng binata. Kita niya gaano din ka supportive si Emy at maging ang kambal at si baby Aria na pumapalakpak din ng tawagin ito.     It was an awkward feeling for Quinn dahil pakiramdam niya ay siya lang ang hindi natuwa at pumalakpak ng banggitin ang pangalan ng binata.     Nagsimula ang laro at panay hiyawan ang naririnig niya, naging makulit din ang nag eemcee sa laro na siyang ikinatuwa naman ng mga nanonood. It was a strange atmosphere for her, it was new kahit pa sanay siya sa ingay na dulot ng mga concerts ay ibang-iba ang ingay na dulot sa kanya ng basketball event na pinapanuod.     Si Kai lang ang kilala niya sa mga naglalaro kaya kahit na ayaw niya itong panuorin ay bumabalik dito ang mga tingin niya, dagdag pa ang lumalakas na ingay sa paligid tuwing makakahawak ito ng bola at makakashoot.     Hindi niya kailangang itanggi pero sa nakikita niya ay magaling talaga ito magbasketball. Kaya siguro sikat ito sa lugar na 'to at ganun na lang din ang confidence nito na ipagyabang sa kambal na ipapanalo niya ang game kahit hindi pa ito nagsisimula.     Natapos ang unang dalawang quarter at lamang lang ng pitong puntos ang team nila Kai. Naupo sila sa bench, duon niya lang din nakita ng malapitan kung paano tumagaktak ang pawis ng mga ito sa paglalaro, basang-basa ang mga damit nila at tila naligo na rin ang mukha sa pawis, pero sa kabila nun ay napansin niya rin ang ngiting hindi naalis sa mga ito mula ng magsimula ang laro. Na kahit panay ang takbo sa isang side at papunta sa kabilang side ay inienjoy nila ang paglalaro.     Sa tinatawag nilang halftime ay may mga ihinihanda pala silang palaro kung saan may prize money daw para sa mananalo.     Andiyan yung game na paramihan ng mashoshoot sa itinakdang oras.     Napangiti at napacheer si Quinn ng sumali si Ezra, ang tahimik at panay cellphone ang hawak na kambal ni Micah ay eto bigay todo sa pagshoot ng bola. Hindi naman sila nabigo dahil ito rin ang nanalo.     May palaro din na sa gitna ng court ishoshoot ang bola, hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga tao kada may magpaparticipate at susubukang mashoot sa ganun kalayo ang bola.     Habang nagpapahinga si Kai at ang team niya ay napansin ni Quinn ang mga ngiti nito na kanina pang hindi naaalis sa labi. Ilang araw na ba siyang nananatili sa bahay ni Emy pero bakit parang ngayon niya lang nakita iyon sa lalaking panay ang pangtitrip sa kanya     Mukha naman pa lang mabait ito basta huwag lang magsusungit at aasarin siya.   *****       Nagsimula na ulit ang ikatlong quarter...     "Ate, ito po bigay mo kay kuya Kai mamaya para mawala yung pagod hihi!" humahagikgik na iniabot sa kanya ni Micah ang isang bottled water, tinanggap niya  ito ng walang anumang ekspresyon sa mukha. Nag-apir ang kambal at bumalik sa pagkakaupo, sila ang naging dakilang taga-abot ng tubig sa mga players at syempre priority nila ang favorite nilang player na si Kai.     "Magiging seryoso na kasi ang laro Quinn, tignan mu sila." nakangiti at seryosong sambit ni Emy, nakafocus lang din ito sa nagsimula na ulit na laro.     "Why?" pagtataka niya.     "In every game, there is a prize for the winner, and in this game, base sa pagkakaalam ko ay malaki ang prize money other than the trophy..."     Matapos itong banggitin ni Emy ay tila nagbago na rin ang ihip ng hangin sa paligid, nabawasan na ang kaninang malalakas na sigawan, nahati ito sa dalawang grupo. Maging ang nagsasalita ay tila nagserysoso na at ang mga players na naglalaro sa court, he closely look for Kai na kahit nakangiti pa rin ay mababakas sa mukha na nagseseryoso na rin ito. Bakit nga ba nakalimutan niya na sa bawat laro ay may pustang nakataya...     Nagsimula siyang makaramdam ng kaba, and for her it isn't a sign of anything good that about to happen...     Nagpalitan ng puntos ang dalawang team sa mga unang minuto, pero pansin niyang mas naging mahigpit na ang laban at pagpuntos hindi tulad kanina na hinahayaan lang nilang makaiskor ang bawat isa.     Sa sumunod na possesion ay may isang player ang natumba matapos itong mabangga ng player mula sa kabilang team, napangiwi siya sa nakita, it was her first time seeing that kind incident happen closely, kaya ayaw niya sa sports ay dahil sa mga ganitong bagay na pwede silang magkasakitan.     Hindi pa natapos ito duon dahil hanggang matapos ang ikatlong quarter ay maraming beses pang may bumagsak na player mula sa magkabilang team, sa ilang fouls naman ay nakita niya ng may nahampas sa braso, nasiko at gitgitan tuwing magpapaunahan sa pagkuha ng bola.     Hindi niya na matiis na makita ang ganung mga eksena kaya kinuha niya si Aria mula kay Emy at pilit na itinuon ang atensyon sa bata pero dahil sa pagsigaw at malalakas na paghiyaw ng mga tao sa iilang pagkakataon ay di niya rin mapigilan ang sarili na hindi panuorin ang nagaganap na laro.     Kainis!     Wala siyang magawa dahil nasa front view siya ng mga naglalarong mga players.            Natapos ang ikatlong quarter na apat na lang ang lamang ng team ni Kai. Tamang-tama namam para kahit papaano ay humupa ang kabang nararamdaman niya.     Lumapit ang mga players sa bench nila at bakas na sa mga ito ang hingal at pagod kahit pa nagagawang magbiro at ngumiti pa rin ng iilan. Iniabot niya kay Kai ang bottled water na hawak ng walang lumalabas na anumang salita. Tinanggap ito ni Kai at nagpasalamat sa kanya. Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago naupo si Kai sa tabi niya at nilagok ang laman ng bottled water na binigay niya.     Hindi man siya nakatingin dito ay ramdam niya ang mabibigat at malalalim na paghinga nito, tanda na nakakaramdam na rin ito ng pagod, hindi niya maintindihan ang sarili ng bigla na lang niyang hiniling na sana ay manalo ang team ni Kai para naman kahit papano ay may kapalit ang pagod nila at isa pa ay sana walang mangyaring hindi maganda dito tulad ng mga nasaksihan niya kanina.     Nagsimula na ang 4th at huling quarter. Sampung minuto lang ang bawat quarter, mabilis lang kung tutuusin pero pakiramdam niya ay halos dalawang oras na siyang nasa pwesto at nanunuod, nang tignan ang orasan sa relo ay mag-aalas diyes na nga ng gabi, dalawang oras na siyang nakaupo at nanunuod ng hindi niya namamalayan.     Ngayon niya na naiintindihan ang sinabi ni Emy na mas prefer ni Kai ang tumambay ng ilang oras sa isang basketball court kaysa ang maglakad o lumibot sa mall ng kalahating oras. She felt a guilt ng maalala ang hindi niya pagtanggap sa rason na iyong ng binata. Marami pa talaga siyang hindi alam at naiintindihan...     Mas naging intense ang mga unang minuto, nahirapan na umiskor ang team ni Kai. Mahigpit na depensa ang ibinibigay nila pareho pero nakailang shoot ang kalaban kaya naibaba sa isa ang lamang, tumawag ng timeout ang team at ngayon ay seryoso na ang mukha ng bawat isa.     Lalo namang lumalakas ang dagundong sa dibdib niya, ganito ba talaga ang nararamdaman sa panunuod lang ng laro?pagtataka niya sa sarili.     Matapos ang timeout ay nakaiskor muli ang team nila Kai, naka two points ito at isang three points sa sumunod na tira dahilan para mapatayo siya at mapapalakpak, huli na ng marealize niga ang ginawa, na kahit siya ay hindi maiipaliwanag ito sa sarili. Nilingon niya si Emy at nakita ang malaking ngiti sa labi.     "Pampawala yan ng kaba, Quinn." aniya nito sa kanya.     Tahimik siyang bumalik sa pagkakaupo.     Pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid, malalaki rin ang mga ngiti ng mga ito panay pa rin ang pagcheer at hiyawan sa intense at entertaining na laban na pinapanuod. Nang gawin niya ang pagpalakpak kanina at ay tila tama ang sinabi ni Emy dahil nabawasan nga ang kabang nararamdaman niya. Ganito pala ang feeling kapag may chinicheer kang team saad niya sa sarili.     Apat na minuto na lang.     Lalo pang lumaki ang lamang ng team ni Kai na ngayon ay walo na, humupa na rin ang kabang nararamdaman niya, nagchecheer at pumapalakpak na siya sa tuwing makakapuntos ang team ni Kai at dahil pakiramdam niya ay panalo na ang team na sinusuportahan, pero isang pangyayari ang nagpabalik ng kabang naramdaman niya, at trumiple pa ito ng mangyari ang ayaw niyang makita.     Isang player ang bumagsak matapos nito subukan ishoot ng malapitan ang bola, napangiwi siya ng makita ang pagtama ng siko sa mukha ng player. Mabilis ang sumunod  na naging eksena, nagkaroon ng tulakan at ang ibang player mula sa bench ay tumakbo na rin sa court para lang umawat sa mistulang away na nangyayari, parang natahimik ang paligid at mga emcee na lang na pilit pinapakalma ang mga players ang maririnig.     Matapos mapaghiwalay ang dalawang team ay isang player ang akay-akay ng mga teammates niya papunta sa bench kung saan sila nakapwesto. Duguang jersey ang una niyang nakita, may pumapatak pa na dugo papunta sa sahig, nakahawak sa may taas ng kaliwang mata ang isang player, naupo ito sa harapan malapit sa kinauupuan niya at duon niya lang napagtanto kung sino ang player na yun, it was Kai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD