"JEM, sama ka sa La Union. Dadalaw kami sa grape farm ng tito ko tapos mag-swimming tayo. Marami daw guwapong surfer sa San Juan sabi ng tito ko," kinikilig na yaya ng kaibigang si Rheinn sa kanya. "Di pwede. Alam n'yo naman na tipid na tipid ako dahil kay Tatay," sabi niya at sumipsip ng softdrink. Nakipagkita siya sa mga high school friends sa sari-sari store at maliit na kainan na pag-aari ng pamilya ni Cherie. Ito kasi ang bantay sa gotohan at nagpasama sa kanilang tumao doon. Ito kasi ang kahera at sa halip ba magkita sa mall, ililibre na lang daw siya nito ng unlimited lugaw. Iyon di ang tambayan nila noong high school sila. Iba't ibang university na ang pinapasukan nila, iba't iba rin ng kurso pero kapag may pagkakataon ay nagkikita-kita sila. Gustong-gusto niyang mag-beach pero

