Hinayaan ni Jemaikha basahin ni Hiro ang kontrata. Kung may problema naman siguro sa kontrata ay sasabihin nito sa kanya. Madali na lang mag-revise. Mas gusto niya na pormal ang usapan nila para kung may reklamo man sila sa isa't isa ay mas malinaw sa papel ang lahat. Nagtaka siya nang tumayo ito at may kinuha sa kuwarto. Pagbalik niya ay may dala itong stamp. Tinatakan nito ang dokumento saka pinirmahan. Wala na itong tanong-tanong. Tapos ay may inabot din itong sobre sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Jemaikha nang makitang may laman iyong limang libo piso. "Ano ito?" tanong niya. "Atamakin. (Initial payment.)" Paunang bayad daw iyon. Ipinaliwanag nito para may magamit siya sa pagpunta sa condo nito. "Domo arigatou," pasasalamat niya at yumukod. Malaking bagay sa kanya ang paunang bay

