"Sensei, watashi wa kore o kaudeshou, (Sensei, I want to buy this)," nakangising sabi ni Hiro habang hawak ang bago at makapal na diksyunaryo na inilabas ng University of the Philippines. Gusto daw iyong bilhin ni Hiro. Nagpunta sila sa bookstore para humanap ng mga libro na pwede nitong basahin para mag-improve ang English at Filipino nito. May modules sila pero mas gusto niya kung magiging practikal ang ituturo niya sa binata. Ngumiwi si Jemaikha nang makita na dalawang libo ang halaga niyon. Umiling siya at ibinalik ang dictionary sa rack. "Too expensive. Masyadong mahal." Pumunta siya sa ibang rack at dinampot ang maliit na libro na may basic Filipino, English at Japanese translation. "Ito na muna ang basahin mo. Mas madaling matutunan. Naiintindihan mo ba ako?" "Hai," sagot nito at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


