Noong una ay di agad nakuha ni Jemaikha kung ano ang sinasabi ni Hiro. Ang huli nating halik ay lasang tabako, isang mapait at malungkot na amoy. Ano bang sinasabi nito? Hindi naman niya ako nahalikan. Di naman ako amoy yosi. Bakit iyon ang sinasabi niya sa akin? If Hiro wanted to comfort him, it was not helping. It didn't make sense. Nagpatuloy si Hiro sa pagbulong sa dalaga. "Ashita no imagoro ni wa. Anata wa doko ni irun darou'. Dare wo omotte 'run darou'." Bukas sa mga oras na ito, nasaan ka kaya? Sino ang iniisip mo? It didn't make sense. Kumakanta ba ito? Umiindayog ang tono ng boses nito. Pero parang pamilyar sa kanya ang salita. Di lang niya alam kung kumakanta ito o tumutula. Saka niya nalimi na kumakanta ito ng First Love ni Utada Hikaru. "Kailangan talaga kanta ni Utada Hi

