"MARAMING salamat sa pagtuturo sa anak ko, day. Hindi na mahiyain si Filwar ko ba. Di na siya nabu-bully. Panigurado makakahabol na siya sa lessons sa school. Pag binully pa nila ang anak ko, babanatan ko na silang mga lintik sila. Pati tuloy ako napapa-English-English na rin. Nakakadugo ng ilong," anang si Madam Grace na ina ni Filwar na may accent ng Cebuano. "Ay naku! Doon naman sa Jordan hanggang-hanga siya sa English ko. Dito lang naman mapangmata ang mga tao." Ginabi na siya dahil ayaw pa siyang pakawalan ni Filwar. Matapos maghapunan ay nagyaya pa itong manood ng paboritong Disney program sa TV room. Nakaunan ito sa kandungan niya habang sila naman ng nanay nito ay nagkukwentuhan. "Hayaan na po ninyo ang mga iyon, Madam. Wala naman pong mataas na wika o dialekto sa iba. Ang mahala

