HUGO'S POV
SINIPAT ko ang oras sa mamahalin kong relo. Katatapos ko lang magbihis at kakalabas ko lang din sa kuwartong ginagamit ko.
Isusuot ko na sana ang maskarang hawak ko pero nagbago ang isip ko. Maya-maya na lang siguro.
Mamaya pa naman magsisimula ang Underground Auction. Maglilibot-libot muna ako para tingnan kung wala bang problema. Ayaw kong mapahiya lalo't dito sa teritoryo ko gaganapin ang importanteng event na ito. Kaya naman nagkalat ang tauhan ko sa loob at labas ng building. Sinigurado kong walang magiging aberya.
Taon-taon ginaganap ang Underground Auction sa iba't-ibang parte nang mundo. Dinadaluhan ito ng mga kilala at makapangyarihang Mafia Dons kabilang na ako. Nagtatagal ito nang tatlo hanggang apat na araw. At ngayon nga'y dito naman sa Pilipinas gaganapin ito.
Isa itong big event kaya talaga namang pinaghandaan namin ng husto nang mga tauhan ko. Dito mismo sa Cartagena Empire Building na pag-aari ko gaganapin ito. Sa lower ground, andoon ang isang malawak na arena na ipinasadya ko pa para sa mga ganitong importanteng okasyon.
Huling araw ng Auction ngayon. Sa nakalipas na tatlong araw, wala namang naging problema. Naging maayos naman ang mga kalakaran at halatang nag-e-enjoy naman ang mga importanteng bisita.
Palabas sana ako pero nakita ko sa hallway sina Diego. Hindi ko alam kung ano pang ginagawa nila dito. Kaya minabuti kong lapitan muna sila.
Si Diego ang underboss sa organisasyon ko. Ito ang second in command at siyang nagdedesisyon minsan kapag wala ako o busy ako. Maasahan ito kaya wala akong problema sa kanya.
Ang Cartagena Organization ay organisasyong itinatag pa nang namayapa kong ama. Bilang panganay na anak, ako ang nagmana nang posisyon niya. Noong una ayaw kong tanggapin. Matagal na niya yong sinasabi sa akin pero hindi ko lang siya pinapansin. Ayaw ko kasi nang magulong buhay. Mas gusto ko pang maging Haciendero at i-manage ang Hacienda Cartagena kaysa maging isang Mafia Don.
Nang mamatay ang aking ama, napilitan akong tanggapin ang posisyon kahit hindi bukal sa loob ko. Wala akong choice dahil alam kung ako lang naman ang puwede niyang asahan. Isa pa'y gusto ko ding tuparin ang matagal na niyang hinihiling sa akin.
Hindi naman ako nahirapan dahil nakaalalay sa akin sina Diego at Kevin-ang advisor ko. Lahat ng pasikot-sikot lalo na sa mga busines ay itinuro nila sa akin. Batido ang mga ito lalo na sa larangang iyon. Gamay na gamay nila.
After 10 years, ang organization ko na kinatatakutan dito sa Asya. Actually, ang buong Asya ang teritoryo ko. Kontrol namin lahat ng transaksiyon at mga nangyayari dito. From organized crime, illegal gambling, weapon dealings, smuggling, prostitution to name a few. Pero never kong pinayagan ang illegal drugs. Ayaw ko dito. Kahit anong pilit ng ibang organisasyon magpasok dito sa Asya, hindi ako pumayag. Kaya wala silang nagawa.
Marami din akong mga koneksyon. Karamihan sa mga yon matataas na opisyal sa gobyerno. Halos lahat ng ahensya may mga tao ako doon. Kaya kung may kontrabando o transaksiyon, madali lang kaming nakakalusot. Ni hindi kami nagkakaroon ng aberya o problema.
Sa ganitong klase nang trabaho, dapat matibay ang sikmura at loob mo. Hindi ka dapat mangingiming pumatay kung hihingin ng pagkakataon. Sa una lang mahirap at nakakakonsensiya. Pero kalaunan ay masasanay ka din lang. Parang normal na lang ika nga pag nagtagal na.
Hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang napatay ko. Parang wala na lang yon sa akin lalo't kapareho ko lang din naman silang halang ang kaluluwa.
Sampung taon ng patay ang mga magulang ko. Pero hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tanggapin ang bagay na yon. Pareho silang pinatay ng katulong naming pinagkatiwalaan namin at pinatira sa bahay. Pagkatapos ng mga kabutihang ipinakita namin sa kanya at sa mga anak niya, yon pa ang igaganti niya sa amin. Walang utang na loob!
Kahit matagal nang patay ang pumatay sa mga magulang ko, hindi pa rin mawala-wala ang galit ko sa kanya at sa pamilya niya. Hanggang ngayon nababalot pa rin ng matinding galit ang puso ko. Iyon ang nagtulak sa akin para pumasok sa magulo at maruming mundong kinasasadlakan ko ngayon. Gustong-gusto ko pa ring gumanti sa pamilya nang taong yon. Gusto ko silang makitang naghihirap din.
Marahas akong napabuntong hininga nang maalala ang madilim na pangyayaring yon sa buhay ko. Sa totoo lang napakahirap kalimutan.
Natuon agad ang atensyon ko sa babaeng kasama nila Diego.
"Kasama ba siya sa Auction?" tanong ko kay Diego. Inginuso ko ang babaeng hawak ng isang tauhan ko.
"Opo, boss," magalang na sagot nito,
Palihim kong pinagmasdan ang babae. Panay ang pagpupumiglas nito kahit wala namang magagawa. Kitang-kita ang umaagos nitong luha sa mga nakapiring nitong mga mata. Halatang takot na takot ito nang mga oras na yon. Nakayapak lang din ito.
She looks familiar. Para nakita ko na siya somewhere. Pero hindi ko lang maalala. Or puwedeng kamukha lang niya yong naiisip kong tao.
Hindi ko maiwasang hindi mapalunok nang magawi ang tingin ko sa maganda at kaakit-akit nitong katawan. Halos kita na ang maseselang bahagi nang katawan nito sa suot nitong panty at bra.
Napailing na lang ako nang biglang makaramdam ng pag-iinit. Pakiramdam ko tumayo ang alaga ko sa baba.
Kapiranggot na tela na lang ang tumatakip sa ibaba nito. Ang dibdib naman nito'y halos lumuwa na sa suot nitong masikip na bra. Makinis at maputi din ang balat nito na tila kaybango kapag inamoy. Aminin ko man o hindi maganda ito at malakas ang pang-akit. Hindi na ako magtataka kung mataas ang bid nito mamaya sa Auction. Sigurado pagkakaguluhan talaga ito.
"Dalhin niyo na yan sa doon," utos ni Diego sa dalawang mga tauhan ko.
Pinanuod ko na lang ang babae habang kinakaladkad palayo nang isang tauhan ko.
"Saan niyo nakuha yon?" tanong ko kay Diego na ang tinutukoy ko'y ang babae. Ewan ko ba pero bigla akong nacurious sa kanya.
"Pinambayad yon ng boyfriend niya sa utang, boss," nakangiting sagot nito.
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata."Sigurado bebenta yon."
Siraulo din pala ang boyfriend nito.
"Sayang nga, boss. Napakaganda at napakasexy pa naman. Swerte ang makakabili sa kanya," naiiling nitong sabi. "Kung hindi lang ako stick to one, baka makikipag-agawan ako sa mga magbi-bid sa kanya."
"Raulo ka talaga," natatawa kong sabi.
Natawa na lang din ito sa sinabi ko
Pero totoo naman, sayang talaga ito. Obob din yong boyfriend niya. Hindi ba niya nakita kung anong sinayang niya. Kung ako lang ang boyfriend niya, hinding-hindi ko siya basta pakakawalan.
"Wala ba namang problema?" mayamaya'y tanong ko.
"Wala naman, boss. Nag-ikot-ikot na ako kanina."
"Sabihan mo yong mga tauhan nating nasa entrance. Huwag magpapasok kung walang dalang invitation kahit pa magpumilit," utos ko.
Kasabay ng Auction, may Masquerade Party din akong inorganisa. Mga empleyado lang din dito sa kompanya ang mga imbitado. Pasasalamat na din sa kanila sa maayos nilang pagtatrabaho. Actually parang cover lang naman yon para sa totoong event na gaganapin ngayon. Alam mo na para makaiwas sa mga hinala.
"Sige, boss," anito. "Pupunta na ba kayo sa Lower Ground?"
Umiling ako. "Maya-maya siguro. Sasaglit muna ako sandali sa party para wala silang masabi. Baka hinahanap na din kasi ako doon."
Napatango-tango ito.
"Tawag na lang kayo kung may problema, boss," anito.
"Okay. Ikaw din update mo ako," sabi ko bago tumalikod.
Actually ako din ang CEO nang Cartagena Empire na isa sa mga pinakamalaki at kilalang kompanya ngayon dito sa Pilipinas. Dati Telecommunications at Real State lang nakafocus ang kompanya. Pero naengganyo akong i-expand yon. Pinasok ko na din ang Food and Beverage, Banking at Transportation. At hindi naman ako nagkamali nang desisyon. Lalong naging successful at nakilala ang Cartagena Empire hindi lang dito sa Pilipinas pero pati na rin sa buong mundo.
Pagkatapos isuot ang maskarang hawak ko, dumiretso na din ako sa pinagdaraosan ng party. Saglit lang naman ako doon. Hindi ko namang kailangang magtagal dahil nandoon naman ang mga kapatid kong sina Noah at Nicho.
Sila ang bahala sa party at ako naman ang bahala sa Underground Auction na gaganapin sa Lower Ground ng building.
Sana lang matapos ang gabing ito na walang magiging problema.