Chapter 2

1212 Words
ELLIE’S POV PINAHID ko ang luhang naglandas sa mga pisngi ko. Walang mangyayari sa akin kung mag-iiyak lang ako. Nag-angat ako nang mukha at tiningnan ang chinitong lalaki nakaupo at nakatingin lang din sa akin ng mga oras na yon. Ni hindi ko man lang makitang nahahabag ito sa akin. "M-Magkano yong utang niya? Babayaran ko. Basta pakawalan niyo lang ako," nanginginig ang boses na sabi ko. Handa akong magbayad para sa kalayaan ko. May konting ipon din naman ako galing sa trabaho ko at sa mga business ko. Siguro naman sasapat na yon. I'm a former beauty queen. Nanalo ako sa isang national pageant 5 years ago at ni-represent ko ang bansa sa Thailand. I didn't won. First runner up lang ako kahit ginawa ko yong best ko. Pero doon nagsimula ang lahat para sa akin. Doon ako unti-unting nakilala. Maraming oportunidad ang nagbukas. I even got offers from abroad. At hindi ko tinanggihan ang mga yon. With my beauty and talent on the runway, ngayon isa na ako sa mga kilala at sikat na modelo sa buong mundo. Malayo na din ang narating ko. Marami na akong malalaking projects na nagawa at ilang runway shows na din ang dinaluhan ko. I've made a name in the world of pageantry and now as a supermodel as well. Sa ngayon may sarili na din akong clothing brand na ako mismo ang model at nagpopromote nun. Kilalang-kilala na yon ngayon. And soon ila-launch ko na din ang sarili kong cosmetic brand. "Sigurado ka ba kaya mong bayaran yong utang niya?" nakakalokong tanong nito. "Magkano nga?" iritable kong tanong. Minamaliit ba niya ako? Tingin ba niya sa akin wala akong pera? Gusto ba niyang isampal ko pa sa mukha niya ang mga milyones ko? "20 million. Meron ka bang ganung kalaking pera?" nakaismid nitong sabi. Napahawak ako sa sentido ko. Pakiramdam ko tuloy sumakit ang ulo ko. Parang lalo akong nanghina sa narinig ko. Sobrang laki naman yata nang utang ng hayop na yon! "f**k!" malakas kong mura. "Sabi ko naman sayo. Hindi mo kayang bayaran ang ganun kalaking halaga." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Anong ginagawa ni Bernard sa buhay niya at umabot ng ganun kalaki ang utang niya? And worst, ako ang ginawa niyang pambayad! Bwiset talaga siya! I met Bernard on a friend's birthday party. Guwapo ito, friendly at mabait kaya hindi nakapagtatakang na-in love din ako sa kanya. Actually first boyfriend ko siya. Dati kasi wala namang nagtatangkang manligaw sa akin. Bago ako sumali sa mga beauty pageants, hindi naman ganito ang hitsura ko. Dati akong mataba. Dahil doon, I was always judged and alienated from the society. Mula pagkabata, matinding pambubully na ang naranasan ko. Bukod kasi sa napakataba ko, pangit pa ako at napakaitim. Idagdag pang tadtad pa nang tagihawat ang malapad at malaki kong mukha. Saka lang ako medyo nabawas-bawasan ng timbang ng ako na ang bumuhay sa aming magkapatid. Pareho na kasing patay ang mga magulang naming kaya wala akong choice kundi kumilos para mabuhay lang kami nang kapatid ko. Kayod kalabaw ako nun at halos walang pahinga. Nag-aaral ako sa umaga at sa gabi naman ako nagtatrabaho. Kahit anong trabaho pinasok ko na noon maitawid ko lang ang pang-araw-araw namin ng kapatid ko. Mahirap pero awa nang Diyos kinaya ko naman. Kasabay ng pagpayat ko ay parang nag glow up din ako. Ang laki nang ipinagbago ko lalo na sa hitsura ko. Simula noon sinubukan ko nang sumali sa mga beauty pageants. Yon ang naging daan ko para maabot ko kung anong meron ako ngayon. "Sige. Babayaran ko ang 20 million," taas noo kong sabi. Bahala na kung masaid ang ipon ko. Kaya ko naman uling kitain iyon. Ang mahalaga ngayon makalaya ako sa mga taong ito. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa mga kamay nila. Bahagya niya akong sinulyapan pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Anyway maglapit nang magsimula ang event," mayamaya'y sabi nito saka pasimpleng sinulyapan ang relo. Mayamaya'y tumayo na ito at naglakad palabas ng kuwarto. "Narinig mo ba ako? Sabi ko babayaran ko yong 20 million!" halos pasigaw kong sabi sa kanya. Pero dire-diretso lang itong lumabas. Ni hindi niya ako nilingon na tila walang pakialam sa sinabi ko. Nagsimula na naman akong maiyak. Sobrang sama talaga nang loob ko. Kasalanan ito ni Bernard. Hayop siya! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako malalagay sa ganitong sitwasyon ngayon! Ako pa tuloy ang nagdusa dahil sa kanya. Minahal ko siya at ibinigay ko ang buong tiwala ko sa kanya tapos ganito lang gagawin niya sa akin. Makatakas lang talaga ako dito humanda siya sa akin. Ilang sandali ang lumipas ay may dalawang lalaking pumasok sa kuwarto. "S-sino kayo?" hesterikal kung sabi nang makitang papalapit sila sa akin. Hindi sumagot ang mga ito. Hinawakan ako nang isang lalaki habang ang isa naman ay nilagyan ng piring ang aking mga mata. Halos manginig ako sa takot ng mga oras na yon. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin. Sa sobrang takot napahagulgol na ako nang iyak. "Pakawalan niyo ako!" sigaw ko habang umiiyak. Pinilit kong magpumiglas pero hindi man lang natinag ang lalaking may hawak sa akin. Lalo akong napaiyak ng lagyan nila nang busal ang bibig ko. Kahit anong sigaw ko o pilit kong magsalita, wala nang lumalabas sa bunganga ko. Tahimik na lang akong umiiyak habang taimtim na umuusal ng panalangin. Kung anong binabalak nilang gawin sa akin, yon ang hindi ko alam. Mayamaya pa'y hinawakan ako sa braso nang isa sa kanila at inilabas sa kuwarto. Panay ang pagpupumiglas ko pero walang nangyari. Ano nga bang magagawa ko sa kanila? "Dalhin na yan doon." Boses yon ng chinitong lalaki. Nasa labas lang pala ito at naghihintay. Sinabi ko na ngang babayaran ko ang 20 million pero wala itong pakialam. Akala niya yata nagbibiro lang ako. Iniisip siguro niya wala akong perang pambayad. Panay pa rin ang pagpupumiglas ko habang panay ang tulo nang luha ko. Awang-awa ako sa sarili ko pero wala akong magawa. Takot na takot na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong pagsuotin ng kakarampot na saplot tapos pipiringan at lalagyan ng busal sa bibig. Baka mamaya pagsamantalahan ako nang mga hayop na ito. 'Diyos ko! Huwag naman sana virgin pa naman ako' Mayamaya'y nakarinig ako nang yabag papalapit. "Kasama ba siya sa auction?" tanong ng baritono at lalaking-lalaking boses. Dahil nakapiring ako, hindi ko makita kung sino yon. Hindi ko sigurado pero parang pamilyar ang boses niya. Parang narinig ko na yon dati pa. Pero wala akong pangalang maisip. 'Auction?' natitilihang sabi ko sa isip ko. Ano to? Ibebenta ba nila ako? "Oo boss." No! Lalong gumapang ang takot sa buong pagkatao ko. Anong kalokohan ito? Naramdaman ko ang panginginig ng mga kalamnan ko. Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ang ganito ngayon. Parang wala na yatang pag-asang makauwi pa ako. Mayamaya'y kinaladkad na ako papalayo doon. Sinubukan ko pa ring manlaban pero wala ding nangyari. Bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin dito. Ngayon pa lang halos mamatay na ako sa sobrang takot.. Pakiramdam ko kasi impiyerno ang naghihintay sa akin. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD