PROLOGUE:
PROLOGUE:
“What the hell did you do, Kara?” madilim ang anyong tanong ni Jeydon habang kausap sa kabilang linya ang kanyang ex-girlfriend.
Narinig niya itong tumawa. “Did you watch the interview? What can you say?”
Naikuyom niya ang mga kamao niya at mabuti na lamang ay wala ito sa harap niya dahil kung hindi ay baka nakapanakit na siya ng babae.
“You know—we both know that it’s not the real reason why I broke up with you,” aniya sa kalmadong pananalita.
“Ha! You can’t fool me, Jeydon! You broke up with me because of that b***h! I told you I'm pregnant pero hindi mo ‘ko pinaniwalaan! You were fascinated with that b***h and—”
“Stop calling her b***h, damn it!” malakas na sigaw niya rito. “Sa umpisa pa lang ng relasyon natin ay nilinaw ko na sa’yo na hindi seryoso ang relasyong namamagitan sa atin. Ginamit mo ang pangalan ko para maabot mo kung ano’ng meron ka ngayon. You got your damn fame because you used my name, sa tingin mo hindi ko alam iyon?”
Narinig niya ang malanding pagtawa ni Kara sa kabilang linya. “You’re fcking me, of course, I’ll use you. Sa tingin mo libre lang ang ginagawa kong pakikipagtalik sa’yo?”
Nagtagis ang mga bagang niya at ng mga oras na iyon ay gusto niyang magbasag ng mukha. He was furious—very furious! Hindi niya akalain na magiging ganito kakomplikado ang lahat, ang gusto lang naman niya ay maging masaya sa piling ni Nami.
“What are you going to do now, Jeydon? My fans are going crazy about the news that I had a miscarriage cause of you breaking up with me and that b***h of yours.”
“Fck you, Kara,” hindi na niya napigilan pang murahin ito ngunit tinawanan lang siya nito at saka binabaan ng phone.
Sa sobrang inis ay napasigaw na lang siya at sinuntok ang mesang nasa harap niya, sumigid ang kirot sa kamay niya ngunit hindi niya inalintana.
Gusto niyang magwala, gusto niyang sugurin si Kara at paaminin sa ginawa nitong kalokohan ngunit nabaliw na ang babae at huli na rin ang lahat. The news about her having a miscarriage and Nami’s true identity had been exposed. Matatanggap sana niya ang balitang nagkaroon ito ng miscarriage at siya ang ama ngunit ang isiwalat nito sa publiko ang totoong katauhan ni Nami, hinding-hindi niya iyon matatanggap! Matagal na iningatan ng pamilya ni Nami na hindi ito masangkot sa kahit na anong ka-toxic-an sa mundo ng showbiz pero dahil lang sa kanya at sa pagiging totoo niya ay napahamak ito.
What am I going to do now? Damn it, makakapatay pa yata ako ng tao!
Sinubukan niyang tawagan si Nami ngunit hindi nagri-ring ang phone nito kaya naman sinubukan niyang tawagan ang kapatid niyang si Kimineah pero bago pa man siya makapagsalita ay galit na nitong boses ang narinig niya mula sa kabilang linya.
“What in the world did you do Jeydon? Alam mo ba’ng may nanugod kay Nami sa ospital at muntik na siyang mahulog sa hagdan nang tangkain niyang dumaan sa exit door?!” singhal sa kanya ni Kimineah.
“Neah, I need to talk to her. Can you help me?” pakiusap niya rito, hindi niya inintindi ang galit nitong boses.
Narinig niya ang marahas nitong paghinga. “I don’t know if you can talk to her. She’s with Kuya Braun and Ate Briella, hinatid siya doon ni Travis dahil may mga nakasunod na mga reportes at ilang kababaihan na galit na galit sa kanya.”
Naipikit niya ng mariin ang kanyang mga mata, he’s doomed.
“Okay, I’ll call, Ate Briella, thanks!” Agad niyang pinutol ang pag-uusap nila ni Kimineah at mabilis na idinayal ang numero ng Ate Briella niya.
Ilang ring muna ang narinig niya bago narinig ang boses ng kanyang Ate.
“Ate . . .”
“You can’t talk to her, Jeydon,” malamig ang boses na bungad sa kanya ng Ate Briella niya.
Napipilan siya, tila umurong ang dila niya nang mahalatang galit ito.
“You need to fix this damn thing, Jeyd. You brought it to yourself.”
“Ate, please, I need to talk to her. I’ll explain—”
“She’s scared,” muling agaw nito sa sinasabi niya. “Muntik na siyang mahulog sa hagdan, Jeydon. It was fcking a fifty steps stairs! Ano’ng mangyayari kung tuluyan siyang nahulog at hindi napahawak sa rail? Do you think, Braun and her family will forgive you just because your my brother?”
Napayuko siya ng ulo, nagsimulang mamula ang mga mata niya at ilang sandali lang ay kusa nang tumulo ang mga luha niya. Hindi niya alintana kung naririnig na siya ng kanyang kapatid na umiiyak, sobrang sakit ng puso niya ng mga oras na iyon at ang tanging gusto niya lang ay makausap si Nami.
Pero dahil sa nangyari dito ay imposibleng mangyari iyon. May magagawa pa ba siya para maayos ang gulong ito?
Bakit parang pakiramdam niya ay ang sama naman ng pagbibirong ginawa sa kanya ng tadhana?
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiiyak lang habang hawak niya ang phone niya at nakadikit sa tenga niya, ni hindi niya namalayan na wala na pala siyang kausap sa kabilang linya.
Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na maikita niya at makakausap si Nami ay nagpumilit na lang siya’t hinarap ang galit ng Kuya nitong si Braun . . .
After a week, nalaman na lang niya galing sa kanyang Ate Briella na umalis si Nami. He tried to ask and beg but no one told him where she is.
Mas lalong gumulo ang utak niya at bumigat ang pakiramdam niya sa nalaman, pakiramdam niya ay naisahan siya ng tadhana at pinagtatawanan siya. Gusto niyang magwala at isigaw lahat ng hinanakit at sama ng loob niya ngunit sa huli ay na-realize niyang walang mangyayari kung itatapon niya ang sarili niya at magpapasakop sa galit na nararadaman niya.
He’ll wait, at habang naghihintay siya ay aayusin niya ang lahat ng gusot sa buhay niya. Maghihintay siya hanggang sa pagdating nito at kung sa muli nilang pagkikita, ipinapangako niyang kahit ano’ng mangyari ay mapapasa-kanya si Nami. Kesehodang kalabanin siyang muli ng tadhana.