Mandy POV Hanggang ngayon hindi pa din ako maka-get-over sa sinabi ni James kahapon. Ano bang nakain niya para um-aktong ganon? Mabuti na lamang at dumating na ang katulong non para pagbuksan ang pinto. Hindi ko na siya sinagot. Mabilis akong lumabas ng kwarto niya. Yung puso ko, hindi ko maipaliwanag ang klase ng pagtibok. Hindi madaling magpatawad. Pagkatapos ng mga sakit na naranasan ko sa kanya? Pagkatapos ng mga sakit na pinaramdam niya? Pagkatapos ng ilang beses niyang pambabalewala sa nararamdaman ko? Ano? Gusto niya, papatawarin ko siya agad? Pwes hindi ganon kadali yun. Kaya kung talagang sincere sya sa mga sinabi niya. Gagawa siya ng effort. Ipapakita niya at papatunayan niya thru actions ang mga sinabi niya. Hindi pwedeng sa lahat ng oras, babae ang lalapit sa lalaki.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


