I.
James POV
Boring.
Wala kasi si MyLoves. Mag-isa tuloy akong pumasok. Ayoko sumabay kay Adrian baka pagsamantalahan pa ako nun. Haha. Dejoke.
Kakapasok ko lang dito sa campus ng SWU.
Nga pala, sa mga dipa nakakakilala sakin, ako nga pala si James Patrick Tan Abellano. Astig ng pangalan ko 'no? Pero wag na wag mo akong tatawaging Patrick o kaya JP kung ayaw mong patapon kita sa pluto. Gusto ko James lang tawag saken.
19 years old na ako. Second year na ako sa Shin-Woo University taking up business management. May half brother at half sister ako. Sina Lance Reid Abellano at Fancy Jewel Abellano. Astig ng mga pangalan namen no? Kami pa ba?
Ang Mama ko nasa Korea. Don kasi talaga kami nakatira. Umuwi lang ako dito sa pinas para dito na mag-aral. Jamie Tan pangalan ng Mama ko. Minsan nga, dadalawin ko yun don sa korea. Baka nagpapaligaw eh. Dejoke. Okay lang naman saken kung mag-asawa sya ulit. May sariling pamilya naman na ang tatay ko which is yung pamilya nina Lance.
Doon nga ako pinapatira sa mansyon nila kaso parang naiilang ako kaya sabi ko magcondo nalang ako. Kapatid ko nagrecommend nung condo. Si Adrian may-ari nung building.
I-describe ko pa ba sarili ko? Sige. Jolly akong tao, mahilig mang-asar, mamilosopo, at syempre ang mag-pick-up line. Palangiti din ako at hindi masyadong nagseseryoso sa mga bagay bagay. Mabait naman ako sa mabait sakin. Pero kay MyLoves lang ako sobrang bait.
Si MyLoves ko pala ay yung babaeng gustung-gusto ko. Si Chelsea Torres. Kaklase ko sya sa SWU. Nakilala ko pa yan dahil lang sa coincidence situations. Ang pagkakaalam ko nga destiny kame eh. Isipin nyo ba naman, hindi sinasadyang nagkakilala lang kami sa mall kasi naman nakita ko parang wala sa sarili, yung parang kailangan nya ng makakausap. Parang ganon.
Ako naman, dahil mabait. Kinausap ko sya at sinamahan nung mga araw na yun. Eh kakauwi ko lang din non galing Korea kaya wala pa ako masyadong kakilala dito sa Pinas non.
Tapos nun nalaman ko, kaklase ko pala sya sa SWU at ang malupit pa, magkalapit lang ang condo unit namen at sa iisang building lang. Diba parang destiny? Haha.
Kakarating ko lang dito sa school. Nagtext naman na ako kay MyLoves kanina na mag-ingat sya dahil manyak pa naman si Kyle.
Si Kyle yung lalaking mahal na mahal ni Chelsea. Diko nga alam bat minahal yun ni MyLoves. Mas gwapo naman ako don, mas macho. Ay hindi pala. Wala pala akong ABS. Haha. Basta mas gwapo ako dun tapos mabait pako. Eh yung si Kyle kalahi yun ng kapatid kong si Lance. Masusungit na tao. Mga pinaglihi sa sama ng loob. Dejoke. Haha. Wag nyo ko susumbong.
Si Adrian nga pala na binabanggit ko, isa sya sa karibal ko kay MyLoves. Lamang lang saken ng konting kagwapuhan pero isang ligo ko lang, mas gwapo nako don.
Ayy itetext ko pala si Adrian. Baka isipin pa nun sasabay ako. Minsan kasi nasabay ako sa kotse nya kasi sa kanya nasabay si MyLoves papasok at pauwi eh. Syempre unfair kaya gusto ko kasama ko din sila.
Type
Type
*BOOGSH!*
"Hindi ka ba marunong tumingin ng dinadaanan mo?"
Sa dami-dami ng makakabungo ko. Itong babae pa na'to. Eh mainit ulo ko dyan.
"Hindi ka din ba tumitingin sa daan?" Balik-tanong ko sa kaniya.
Lalaki ako pero mataray din ako. Aish.
"Tumitingin ako sa daan. Ikaw ang hindi tumitingin."
"Talaga tumitingin ka? Edi sana umilag ka nung makikita mong mababangga na kita?" Sabi ko.
"Arrghh! You're ruining my day!"
"Ako pa? Tch. Akala mo di kita papatulan?" Pananakot ko.
"Are you gay para pumatol sa babae?" Tanong nya.
"Bakit, babae ka ba?"
Haha. Aasarin ko lang.
"Of course I'm a girl!" Sigaw nya. She looks frustrated.
"Malay ko ba kung lalaki ka dati tapos nagpa-s*x change at nagparetoke ka lang." Pang-aasar ko pa.
"Arrgghh!" Yun lang nasabi nya saka ayun nag-martsa na palayo sakin.
Akala mo Mandy ha!
Dapat lang sayo yan. Malaki kasalanan mo kay MyLoves kaya bubwisitin kita. Haha.
Tama kayo sa nalaman nyo, si Mandy Aguilar lang naman., Ang babaeng dahilan kung bakit iniwan si MyLoves noon ni Kyle. Obsessed na kasi kay Kyle. Alam nyo bang sinet-up nyang demonyitang babae na yan si Chelsea para mapasama kay Kyle. At si Kyle naman na gago, naniwala sa set-up na yun. Ayun iniwan si Chelsea at pumuntang Korea. Kakabalik nga lang nyan kasama yang Mandy na mukhang bakla na yan. Tch. Kakainit ng dugo pag naaalala ko.
Teka? Bakit pala andito yan sa school?
--
Mandy POV
Nakakainis yung lalaking yun! Aish. If I know, half-brother yun ni Lance Abellano na umaway din sakin nun one year ago dahil sa ginawa ko kay Chelsea.
Oo, tama kayo ng narinig. GINAWA KO KAY CHELSEA. I just set her up lang naman para maghiwalay sila ni Kyle. Like hello, mahal na mahal ko si Kyle at hindi naman ako basta basta papayag na si Chelsea lang na mukhang maid ang ipagpapalit nya sakin samantalang naging famous model ako abroad.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Nagmamahal lang ako at una namang naging akin si Kyle. I’m his first love at alam ko namang ako pa din mahal nya. Nabulag lang sya dun sa babaeng mukhang maid na yun. Psh.
Galit pa sakin si Kyle ngayon dahil nalaman na nya totoong ginawa ko. Naiinis ako sa babaeng yun! Makakaganti din ako. Mababawi ko pa din si Kyle.
By the way, back to topic. Yung lalaki na yun, Aish. Sabihan ba'kong bakla? Arrgh! The nerve of that guy! Kainis.
Dipa pala ako nagpapakilala. I’m Mandy Aguilar. Unica Ija. Maganda, sexy, every man’s dream. Saan kapa? First year palang ako dito sa Shin-woo University. Kasi nga kakabalik lang namin ni Kyle galing Korea. I decided na dito na din pumasok para lagi kong makita si Kyle
Papunta ako sa room ko. Actually, nakakawalang-gana pumasok kasi Kyle is not around. Wala man lang akong balita sa kaniya.
Galing kasi ako sa room nila para silipin sya kaso wala siya.
Honestly after what happen, natakot ako kay Kyle. Galit na galit sya sakin. Masama ba talagang magmahal ng sobra?
Nagawa ko lang naman yun kay Chelsea dahil mahal na mahal ko si Kyle. Siya lang kasi yung lalaking nagmahal sakin ng seryoso.....dati.
I have lots of boyfriend dati when I was in abroad pero it's just, parang flings lang kasi di nila ako sineseryoso.
Nagsisi ako dahil pinagtabuyan ako ni Kyle palayo sa kaniya dahil sa ginawa ko kay Chelsea. Sana kahit papaano, maging friend ko si Kyle o kung maaari, maging kami ulit. I miss him so much.
Hindi naman kasi ako naniniwala sa sinasabi nila na marami namang ibang lalaki dyan.
Kailanman hindi na titibok ang puso ko sa ibang lalaki. Kay Kyle lang.
Wala ng iba.