II.

2621 Words
Mandy POV I'm here on my room. First year palang ako and it so damn bored. Like hello? I don't want here. Mas gusto ko don sa room ni Kyle. I want to see him. I'm badly missing him. Mahal na mahal ko si Kyle. Isa pa, kaya ko sya gustong mabawi kasi natapakan din yung pride ko noon. Kasi naman isa akong famous model then ipagpapalit lang ako ni Kyle sa mukhang maid na yon? Nasaktan ang pride ko that time kaya nagawa ko yung pagkakamali ko. Yan tuloy, galit si Kyle sakin. Ang saya pa naman namin sa Korea kasi close kami don. Hinahayaan nya akong ipakilala syang boyfriend ko sa mga nakakasalamuha namin. Tapos mabait naman sya sakin. Kumakain kami sa labas, namamasyal at hinahayaan nya akong puntahan sya sa hotel kung saan sya nag-stay. Para na nga kaming totoong magboyfriend/girlfriend nun. Pero wala na. Ngayong umuwi na kami ng Pinas, diko din naman inasahan na malalaman pa ni Kyle yung totoo. Yung ginawa kong set-up. Ako tuloy masama ngayon. Ako ang kontrabida. *krrrinnnnggg* Hay salamat break time na. Gusto ko ng makabili ng food sa canteen para makita ko pa si Kyle ngayong breaktime. Tumayo nako at binilisan kong pumunta sa canteen. -- James POV Breaktime na. Sabi nina Janna mauna na ako dito sa canteen. Syempre may sarili kaming mesa. Haha. Kami pa ba? Si Janna nga pala bestfriend ni myloves. Naging close ko na rin sya. Lagi ba naman kami magkakasama. One year din yun. Yung iniwan ni Kyle si MyLoves. Kami naging sandalan nya. Halos lagi kami sa condo unit nya at nagba-bonding.  Kaya nga pala ako nauna kasi si Janna at Adrian may hiniram na libro sa library para sa exams next week. Ako diko na kelangan mag-aral. Likas na ang pagiging matalino ko. Nakapila na'ko. Ako na sunod. Ayos. Syempre goodboy ako. Di naman ako tulad nina Lance na dinadaan sa sama ng tingin yung mga nakapila kaya nauuna sila lagi. Ako hindi. Isa ako mabuting mamamayang pilipino. "Ah, Miss.." Kinalbit ko yung babae, sumingit kasi sa unahan ko. Pagtingin niya, "IKAW NA NAMAN!?" Sabay naming sabi sa isa't isa. "Umalis ka nga dyan, nauna ako sayo!" Sabi ko. "Like duh! Nagmamadali ako." Sagot niya. "Kahit na. Nauna pa din ako. Pumila ka nga!" Sigaw ko. "You don't know me." "Kilala kita. Ikaw yung magaling na nag-set-up kay Chelsea para paghiwalayin sila ni Kyle! Tch." "Could you please shut up? Ang daldal mo masyado. Para kang babae!" Sabi nya. Aba, aba. Sinusubukan talaga ako ng demonyitang babae na'to. "Okay lang. Kesa naman sayo mukhang bakla." "Arrgh! Nakakainis ka na ha!" Kitang-kita sa mukha nya ang pagkairita. Nakakatawa. Haha. Sarap lalo asarin. Haha. "Umalis ka na dyan. Gutom na'ko." "I don't care." Sabi nya saka tinalikuran ako at umo-order na. Talaga nga naman. "Tch." Sinusubukan ako ng babaeng 'to ha. Hinawakan ko sa braso si Mandy. "Tulungan niyo ako! Pinagsasamantalahan ako ng babaeng 'to. Wag naman ako. Grabe ka Miss." sigaw ko. Tinginan mga student sa canteen. "What did you say?" "Tch. Kunwari pang walang alam. Pagkatapos mong haplusin ang ma-muscle kong braso. Aish." Haha. Kala mo ka ha. Ako pa kasi sinusubukan mong kalabanin. "Arrrggghhh!" Nag-walk-out si Mandy. Di kinaya yung mga students na kakaiba na ang tingin sa kaniya. Akala nya ha. Haha. Ako pa ba? Haha. Mala-demonyita ugali pero pikunin naman. Para tuloy lalo akong natutuwa sa kanya. Nakaka-enjoy pala sya pagdiskitahan. Haha. Wag na wag nya lang ako makakabangga ulit. Malalagot ka talaga sakin MANDY-MONYITA Tch. *grins* -- Mandy POV The nerve of that guy? Nakakainis sya! Ipagsigawan ba namang pinagsasamantalahan sya? Nakarating tuloy ako dito sa room ng wala sa oras. Hindi man lang ako nakabili ng pagkain. Hay! Ang kapal ng mukha talaga ng lalaking yon. At ma-muscle daw ang braso nya? Wow ha! Ni wala nga akong nakitang muscle. Mas macho pa sa kanya si Palito eh. Psh. Para syang bakla sakin eh mas mukha naman syang bakla. Alam kong malaki din galit nya sakin dahil sa ginawa ko kay Chelsea. Hello, isa rin kasi yata yung hooked masyado kay Chelsea. Pero bakit ba ganoon yun kalakas mang-asar sakin? Grabe! Hindi porket cute siya eh pwede na nyang buwisitin ang araw ko! What did I say? Cute yung lalaking yun? NO!! Erase, erase! Hindi sya cute! Ang panget panget nya! Maputi lang sya pero di sya gwapo! Mukha syang.. Mukha syang.. Mukha syang kalapati! Oo kalapati. Arghhh! Punta na nga lang ako sa building nina Kyle! I want to see him. Para naman ma-goodvibes ako at mawala pagkasira ng araw ko dahil sa mukhang kalapati na yun. Psh.   -- James POV  Hagalpak ako ng tawa nung nawala na si Mandy-monyita. Akala nya ha. Dito pa kasi pumasok. Ako tuloy makakabangga nya. Buti nalangp pala di namen yun kaklase dahil kung nagkataon, lalo syang lagot sakin. Haha. Taos sa puso ko na sirain lagi ang araw nya. Nyahaha. Naka-order na ako pagkain. Umupo nako dito sa mesa namin nina Janna. Maya-maya, dumating na din si Janna. Gusto kong matawa sa itsura nya ngayon. Paano, parang natataranta na pumunta dito sa canteen. "Hoy Janna! Okay ka lang ba?" Tanong ko. "O-Oo.." Tch. Natataranta nga. Napatingin ako sa papalapit sa table namin. "Uy Adrian. Ba't hindi pa kayo sabay na pumunta dito sa canteen?" Kasi ang pagkakatanda ko magkasama silang nagpunta sa library tapos di sila sabay ngayon?  Umupo lang si Adrian. Tahimik lang. May nararamdaman ako sa dalawang 'to. "Ano bang nangyari sa inyo?" Tanong ko. "W-Wala!" Napangiti ako nang sabay silang sumagot. "Ehem! Aminin. Anong nangyari?" Pang-iintriga ko sa kanila. Malakas ang antenna ko. Malakas ako makiramdam. "W-Wala nga!" "W-Wala nga!" Sabay na naman sila. Haha. Ano kaya yun. "Hey. It was an accident." Parang bulong ni Adrian kay Janna. Si Janna nakasimangot lang pero nagba-blush. Masubukan nga. Kakaiba talaga kinikilos ng dalawang 'to eh. "Did you two... kiss?" Hula ko lang. Haha. Itsura nung dalawa. "It was an accident!" Sigaw ni Adrian "I know!" Sagot naman ni Janna. Nahuli ko sila. Teka.. Nag-kiss sila? Pffftttt. "Hoy Adrian nag-kiss kayo? Wala ka. Disqualified ka na kay MyLoves! Hindi ka pa man nasasagot, nanloloko ka na!" Sabi ko. Kasi nanliligaw din yan kay myloves. Hindi tama yung nanghahalik sya ng iba. Salawahan yun. "Shut up." Sabi ni Adrian "Accident nga diba?" "Accident nga ba? Manyak ka pa naman Adrian." Pang-aasar ko. "Hoy! Loko ka ha!" Sigaw ni Adrian pero yung itsura nila ni Janna di maintindihan. Haha. Epic 'to. Nag-kiss na pala ha. May pang-asar na'ko kay Adrian. Bwahaha. "Tama na nga yan. Diko naman pagsasabing nag-kiss kayo." Pang-aasar ko. "James!" Si Janna asar na asar na. Haha. "Ikaw James nakakapuro kana.." Si Adrian. Haha. Laughtrip ako sa dalawang 'to. "Titigil nako. Kain na tayo. Nakakagutom na eh." Sabi ko saka nagsimula ng kumain. -- Sa room.. Boring sa klase. Wala kasi si MyLoves. Tch. Itong prof pa namin sarap patapon sa pluto. Ang boring magturo. Ting! Bright idea! Tentenentenen! Haha. Tutal wala sa tabi ko si MyLoves, umupo ako dun sa pinakagilid sa may pader tapos.. "Janna.. Pahirap pentel pen." Bulong ko kay Janna. Inabot naman nya agad. Tch. Masyadong seryoso. Nakikinig sa prof. Kakaantok kaya. Haha. *evil smile* Binuksan ko pentel pen at.. After 123456789 minutes.. Dyaran! Tapos! Nagdrawing lang naman ako sa pader. Hulaan nyo drawing ko? Hahahahahaha. Ganito nakasulat sa pader. Imagine nyo nalang malaki ang pagkakasulat. PRESS THIS BUTTON TO EJECT THE PROFESSOR           Θ Hahahaahhahahaha. Gusto ko talaga mapatapon sa pluto professor sa sobrang boring nya. Dahil nakatayo ang prof at nakatalikod samin dahil may sinusulat sa board, tumayo ako at tahimik na kumaway-kaway para makuha ang atensyon ng klase. Tinginan naman sila at sakto, pinindot ko yung drawing kong bilog at nag-act na parang nangingisay. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Makatawa 'tong mga kaklase ko. Hahaha. Natawa din naman ako sa sarili ko. "What is the meaning of that Mr. Abellano?!" Patay tayo dyan. Nahuli ako ng prof. "Art Ma'am." Nakangiting sagot ko. Ahehehe. Baka makalusot. "So that's what you know about art? Go to guidance office now!?" Haha. Lagot na. "Bye fans!" Sigaw ko saka tumakbo palabas ng classroom. Na-guidance pa tuloy ako. Ayos nga yung sinulat ko eh. Ayos naman diba? Sana nga may button talagang nag-e-exist na ganon. Yung tipong pag ayaw mo sa prof pipindutin mo lang then poof! Mawawala ang prof. Haha. Dejoke. Patay pala ako dahil disciplinarian action. Aish. First time ko. Bahala na. Mahalaga, gwapo pa din ako. Tch. --  After an hour.. Nakalabas din ng guidance. May record na tuloy ako. Aish. Lagot sakin yung prof na yun. Nagdrawing lang, guidance agad? Di ba pwedeng kausapin nya lang muna? Kakasira ng araw yon. Bumalik nako room. "Hi Ma'am." Sarkastikong bati ko sa prof. Bagong prof na'to. Hindi yung kanina. "James okay kalang? Baliw ka talaga. Haha." Itong si Janna makukutusan ko na. Nang-asar na tinawanan pako. "Kiss." Sabi ko. Magic word. Haha. "Psh. Kainis ka!" Haha. Kala mo Janna. "Hoy James! Bakit kaba nagdrawing nyan?" Tinuro nya yung drawing ko. Natural andito pa din. Pentel pen ginamit ko. Di naman agad agad mabubura yan. Haha. Nai-inspire kaya ako pag napapatingin sa pader. "Boring eh." Sagot ko. "Bat kelangan yan pa drawing mo? May nalalaman kapang button dyan." "Haha. Astig nga eh." Sabi ko. "Oo astig nga may record kana sa guidance." "Tch. Ikaw Adrian nang-aasar kapa ha?" Sabi ko. Tumawa sya. "Di ako nang-aasar. I'm just stating the fact. Kami nga nina Lance at Kyle walang ka-record-record sa guidance." Si Bro walang record sa guidance? Eh mas matindi pa nga yun sakin. "Panong wala?" "Connection? Alam mo namang takot samin mga professor. Haha." "Madaya. Bakit sakin di sila takot?" Tanong ko. Si Kyle maiintindihan ko kasi sya may-ari ng school pero itong si Adrian pati si Bro. Aba, aba. "Hindi ka kasi macho." Hanep sumagot si Adrian. "Manahimik ka Adrian. Pagkakalat ko yung kiss nyo ni Janna, sige ka." Macho naman ako ah. Wala lang ABS at muscle pero macho. Wag nga kayo. "Tch." Tahimik si Adrian. Yun pala magic word ko sa kanila ni Janna, kiss. Haha. Nakinig nako sa klase. Tutal trigo naman. Favorite ko 'to eh. Genius ako sa subject na yan. Ewan ko nga bakit ganito ako katalino sa mga numbers. Tch. Sisiw na sisiw. "Mr. Abellano, can you solve this problem on the board?" Langyang prof 'to. Bat ako. Sige na. Aamin nako. Mahina ako sa math. Di naman ako genius dyan eh. Bat ba ako tinatawag. "Aaahhhh!" "What happen Mr. Abellano?" "Ang sakit po ng tiyan ko! Aahhh! Gustuhin ko man sagutan yan hindi kopo kaya tumayo. Ahhh!" Takte hirap um-acting. Haha. Hindi na nga ako magyayabang sa susunod. Napapahamak ako eh. "Baliw ka talaga James." Sabi ni Janna. "Tch." Ayun iba na tinawag. Ayos. Haha. Nakaligtasa. Mapapahiya ako ng wala sa oras pag nagkataong ako sumagot sa board. Sayang ka-gwapuhan ko. Nakinig nalang ako. Tatahimik nako. Kung ano ano pang tinuro ng prof na diko naman maintindihan. Kainaman naman! Bat ba kelangan pa mag-aral? Gwapo naman ako. Pwede naman ako mag-artista nalang kaso strict parents ko eh. Haha. Dejoke. Makapag-aral na nga! Seryoso nako nakinig sa mga lessons hanggang sa last subject. Krinnngggg! Uwian na din sa wakas. Mas may gana ako makinig sa lessons pag andito si MyLoves. Aish. Bakit kasi sa Tagaytay pa napa-ospital si Kyle. Layo tuloy. "Adrian! Una na ako. May pupuntahan pa ako." Lumabas na ako ng room. Diko na hinintay sagot ni Adrian. Wala naman akong lakad. Gusto ko lang sila mag-solo ni Janna. Haha. Parang timang yung dalawang yun. Kanina pa. Lakad nako pababa ng hagdan kaso.. *BOOGSH* "Oops, sorry." Tinulungan ko yung babae na pulutin yung nahulog niyang libro. Mukhang nagmamadali. "Salamat!" Sigaw nya saka tumakbo na ulit. Ano kaya yun? Tumuloy nako bumaba at doon nakita ko ang mortal enemy ko. "Hinihintay mo ba ako?" Tanong ko kay Mandy. Inaasar ko lang. Nakaupo kasi sa bench sa may pagbaba ng hagdan. "Duh! Ang kapal naman ng mukha mo. Nakaupo lang dito, hinihintay ka na ganon? Psh. Feeling mo naman." Sabi nya. Aba. "Feeling mo din." Aalis na sana ako ng.. *BOOGSH* Eto yung babaeng nakabangga ko din kanina sa taas. Tinulungan ko siyang pulutin libro nya. "Ikaw na naman?" Sabi ko sa babae. "Napaka-clumsy mo naman yata." "Naku, sorry. Thank you din. Nagmadali lang ako kanina. Ngayon naman, nagkamali lang ako ng apak sa hagdan." Paliwanag nung babae. "Disgusting! Makaalis na nga." Mataray na sabi ni Mandy saka nag-walk-out. Yung babaeng yun talaga. "Sorry talaga! Naabala ko pa yata kayo ng girlfriend mo." "What?" Si Mandy girlfriend ko? Asdfghjkl. Over my dead nail. Nababading tuloy ako eh. "E-Eh.." "She's not my girlfriend. Next time nga mag-ingat ka. Masyado kang clumsy." "Sorry ulit. Akala ko kasi girlfriend mo sya." "Tch." "Aalis na'ko. Sorry ulit." paalam nung babae. Paatras syang lumakad habang nakatingin sakin at sumisigaw ng sorry. Kaso.. *BOOGSH* Nakabangga na naman sya ng student. Ayun nahulog mga dala nyang libro. Aish. Napaka-clumsy. Supposed to be, wala naman dapat ako pakialam dyan. Sumobra lang talaga ang ka-clumsy-han sa katawan. Tch. Hindi ko naman matiis na di tulungan. Aish. "I said be careful." Sabi ko habang tinutulungang magpulot ng libro nya yung babae. Alanganin syang ngumiti. "S-Sorry ulit.." "Puro ka sorry." Sabi ko saka inabot sa kaniya yung huling librong nasa lapag. Napatingin pa ako sa cover kasi may nakadikit na lettering. -- YNNA Maybe her name? Ewan. "I'll leave first." Sabi ko saka iniwan sya dun. Lakad nako. Hanggang sa makarating ako sa coffee shop sa may labas ng SWU. Dumaan muna ako dito para tumambay muna. Tahimik kasi ng mundo ngayon. Pagka-order ko, naupo ako sa bakanteng mesa sa dulo. I zip my coffee while surfing the net on my iphone. Free wifi dito sa SWU eh. Haha. Kumunot noo ko ng makabasa ako ng status sa twitter. Yumiko Hayashi @YumikoHWattpad I know he's busy. I really miss him. Psh. Nagda-drama si Yumi. Sabagay busy naman kasi talaga si Lance ngayon. Paano ba naman, nagte-train na sa kompanya. Buti nga di pa ako napapansin ni Papa kundi, lagot na. Ayokong maging busy. "Can I sit here?" Napatingin ako sa nagsalita. Nakatungo kasi ako. Pagtunghay ko.. "IKAW?" Sabay na naman kami. Bakit ba lagi kong nakikita tong babaeng to? "Never mind. Sa iba nalang. I hate gays." Sabi ni Mandy at naghanap ng ibang pwedeng tabihan. Paano ba naman wala ng bakante. Pero teka. Anong sabi nya? She hates gay? "Ikaw na babae ka nakakapuro ka na sakin. Papatulan na talaga kita." Sigaw ko. Tiningnan nya ko masama. Yung mga students dito nagtitinginan na din. Paki ko naman. "What? Tinatamaan ka ba?" Pagtataray ni Mandy. Talaga namang nag-iinit ang dugo ko. Sabihan mo na akong walang muscle, wag lang bakla. Tumayo ako at nilapitan sya. Nakatayo siya sa may gitna. I grabbed her head and.. Itsura ni Mandy "Don't dare to say that again. Kung ayaw mong mahalikan." Sabi ko saka umalis na ng coffee shop na yun. Pwe! Lasang lipstick labi ni Mandy. Kainaman naman. Diba sya bumibili ng lipstick na may flavor? Tch. Nakahalik pa ng wala sa oras. Uuwi na nga ako. -- Mandy POV Did he.. Kiss me? Oh my God. He kissed me!  "Aaaahhhh!" Napasigaw ako. Huli na bago ako nakapag-react dahil lumabas na ng coffee shop si James. Yung lalaking yun.. Arrrgghhhhh! Nakakainis sya!! How could he kiss me in front of madlang people? Napatingin ako sa paligid at halos lahat sila nakatingin sakin. Ang iba nagbubulungan. Ano bang malay ko na halikan nya ko pag sinabihan ko syang bakla? Ako nga sinasabihan nyang bakla! Aish! That kiss.. Aaahhhhh! Disgusting! Magmumumog agad ako ng alcohol pag-uwi! Arrrghh! Can't believe it! Shocks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD