III.

2088 Words
Ynna POV Ang gwapo nung nakabangga ko kanina. Hehe. Ang cute pa. Diko siya kilala pero parang nakikita ko na din sya sa campus. "Hi Ynna." Psh. Ayan na naman si Drei. Kinukulit ako. Si Drei na isa sa Tigers. Playboy yan eh. Classmate ko kasi yan. Lagi nagpapapansin sakin. Psh! Ako nga pala si Ynna Mejia. Matalino, mabait at masipag mag-aral. Syempre friendly din ako. Yun nga lang clumsy lang talaga ako. Dito din ako pumapasok syempre sa SWU. Ewan ko ba. Inborn na yata akong ganun. Nakakahiya tuloy kay cutie guy. Pamilya ko ang may-ari ng isa sa malalaking restaurant dito sa Pilipinas. Marami din kaming business abroad.  Ay anubayan. Kinikilig ako. Ano kayang name nun? Hehe. Nakerengkeng ako. Psh. Pero kelangan ko malaman name nya. Crush ko talaga sya. Para tuloy akong na-love at first sight. Tapos mukha pa syang mabait kasi tinulungan nya ako kanina kahit napaka-clumsy ko. "Papansin ka na naman Drei." Sabi ko. "Si Ynna di na mabiro. Ang ganda mo talaga." Lakas maka-bola si Drei. Gwapo din yan. Kaso nga lang, diko lang talaga sya feel kasi nga playboy. Ayoko sa mga playboy. "Psh. Tigilan mo nga ako Drei." "Nagpapa-cute lang eh. Ynna naman di ka ba naga-guwapuhan sakin?" Lakas maka-trip pa. Sa araw-araw na may pasok, wala yan alam kundi buwisitin ako.  "Ewan sayo!" Iniwan ko na sya. Nagpunta nalang ako a library. Aish. Panira ng araw 'to. Pero pag nagpa-flash sa isip ko yung mukha ni cutie guy, kinikilig ako. Hehe. Sana makita ko ulit sya. Hehe. -- James POV Wala akong magawa dito sa condo ko. Umuwi kaya ako sa mansyon? Matext nga si Lance. Tenenenenen! From: Lance Yup. Papunta rin si Yumiko dito. Magkikita na kami. Tapos na exams ko. Ayun! Buti naman magkikita na ulit sila ni Yumi. Miserable buhay nyang si Bro nung biglang umalis si Yumi papuntang japan one month ago. Buti na nga lang bumalik na dito sa pinas. Nagreply ako. To: Lance Yes! Sige punta ako ngayon na. Ipaghanda mo ako maraming pagkain. Sent! Tenenenenenen! From: Lance Takaw mo. Magluto ka. Bilisan mo. Nasabihan pa ngang matakaw. Yang si Bro sweet talaga yan sakin. Haha. Nagcheck muna ako sss at nakita ko post ni Mandy. Mandy Aguilar Pustahan may gusto si James Abellano sakin. basta basta nanghahalik! BAKLA. 525 likes • 384 comments • Share Ang kapal ng mukha ng babaeng 'to. Siya nga dyan mukhang bakla. Psh. Nagcomment ako. James Abellano Kapal lang ha! Akala nya. Akala mo napakaganda. At akala ba nya gusto ko yung halik na yun? Nagmumog pa nga ako ng sampung galon na alcohol. Tch. Lakas din ng bilib sa sarili ng Mandy-monyitang yun. Nakakapang-init ng dugo. Lalo tuloy ako nagiging eager na asarin pa sya lalo. Bwisit na yan. Makapunta na nga sa mansyon. Naghanda na ako. Para makapunta ng mansyon. Kakain nalang ako ng kakain dun. Badtrip ako sa Mandy na yan. - Sa mansyon.. "Bro!" Sigaw ko. Nasaan naba yung si Bro. May pagkain na kaya? Gusto ko na kumain eh. Napatingin ako sa hagdan kung saan pababa si Spiderman. Dejoke. Si Lance pababa. Wala pa siguro si Yumi. "Kanina kapa?" Tanong nya sakin. "Kararating ko lang. Si Yumi?" Tanong ko. "Tch. Sya talaga agad hinahanap mo?" Nakasimangot na tanong ni Lance. Hanggang ngayon ba pinagseselosan pa din nya ako? Nako naman si bro. Past is past na. "Siya kasi yung wala. Kaya sya ang hinahanap ko. Alangan namang ikaw ang hanapin ko Bro, eh andyan ka sa harap ko." Nakakapamilosopo ako ng wala sa oras. May mga ganong tao. Hanapin mo lang si ganito, bibigyan na ng kahulugan. Tch. "Pwede namang si little devil diba?" Speaking of the little devil. Yung bubwit na yun na-miss ko na din yon. Sa condo ko na kasi ako nakatira. Dati kasi tumira ako dito sa mansyon kaya nakakabonding ko pa yun. Si Fancy Jewel Abellano, bunsong kapatid namin. Kung maloko ako, triple yun. Babae man yon, di sya dapat maliitin dahil napakaraming alam na kalokohan non. Pag ikaw napag-trip-an nyan, humanda kana. Si Fancy nga pala half-sister ko lang kasi diba half-brother ko lang si Lance. Sila yung totoong magkapatid. "PATRICK!" Speaking of the devil. The devil is coming. Ayan tumatakbo pababa ng hagdan. Nga pala. Patrick tawag nyan sakin. Walang galang na bata. Kung ano pa yung ayoko itawag sa akin, yun tinatawag nya. Pasaway talaga. Nang makababa sya, yumakap agad sakin. Sweet din naman yang bubwit na yan. Pasaway lang talaga. "Balita sayo bubwit?" Tanong ko. She pouted her lips. "I'm still maganda naman Patrick. Err! Why you're here! Dito kana ulit mag-stay? Yaaa! I like you here Patrick because Yumi will be going home na! We need to make kalokohan again!" Na-e-excite na sabi nya. Parang wala si Lance ah. Haha. "Manahimik ka nga bubwit. Hanggang ngayon ganyan kapa din magsalita. Why don't you try to speak straight tagalog or english? Why do you need to mixed it? Nakakabobo kaya." Reklamo ko. "You're so GRRR! Don't make pakialam nga my language. It's so unique ever kaya!" Conyo na maarte kasi magsalita yan pero nasasanay na din ako. Nakakabobo lang talaga minsan. "Tumahimik na nga kayo dyan. Nagpa-deliver nalang ako." Sabi ni Lance saka ayun naglakad na papuntang salas. Yang si Bro cold at masungit talaga yan pero deep inside alam kong excited na yan sa pagdating ni Yumiko -- ang fiance nya. Siguradong mas gumanda at sumexy yung si Yumiko. Tulo laway na naman yang si Bro. Haha. Sumunod kami ni bubwit kay Bro sa salas saka naupo. "What are the pagkains you order Reid?" Tanong agad ni bubwit. Reid tawag nya kay Bro. Tulad sakin, yun yung ayaw din nyang itatawag sa kanya. Hindi kasi takot samin yang si bubwit. Saka natawag lang yan ng 'kuya' pag may hihilinging favor. "Lot of foods." Matipid na sagot ni Lance. Seryoso pa din sya habang nakatingin sa phone nya. Hinihintay siguro tawag ni Yumiko. "I make hula! I know you order all the favorite foods of Yumiko. Am I right? It's okay with me. We have commons naman ni Yumi when it comes to pagkain." Sabi ni bubwit. Krrrrriiiiiinnnnggg! Napatingin ako kay Bro. Tumunog kasi phone nya. Sinagot nya yon. "Babe." Si Yumiko ang tumawag kay Bro. Pero hindi yun ang dahilan ba't nandilat ang mata ko. Yung kaninang seryosong mukha ni Lance, nagyon ayan, halos mapunit ang bibig sa lapad ng pagkakangiti. Iba talaga impact ni Yumiko dyan. "Okay. I love you babe." Sabi ni Bro sa kausap nya sa phone. "Like errr! So sweet that can make Reid ngiti so lapad. So harot Reid ha!" Sabi ni bubwit. Tumayo na si Lance. Tumingin sya samin ni bubwit. "She's here." Sabi nya saka ayun dumiretso sa main door. Lumabas. Andyan na nga si Yumiko. "Omo! I'm really excited to see Yumiko na. I bet she's still gorgeous and sexy!" Nagniningning pa mata nyan ni bubwit. Nakakatuwa lang na nagkasundo sila ni Yumiko. Isa pa, idol na ni bubwit si Yumi kasi nga daw ang ganda at sexy nu Yumi which is true. "Yumi!" Sigaw ni bubwit. Nagtatakbo sya papuntang main door. Napatingin ako at.. Shit. Ang ganda at sexy nga talaga ni Yumi. Pati ako natutulala eh. Nagka-feelings ako sa kanya dati pero mababaw lang. Di naman natulog yon dahil mas nagustuhan ko nga si MyLoves. "Namiss kita bubwit!" Nakangiting sabi ni Yumi. Sinalubong ko na rin sya. Si Lance, makangiti wagas. "Hi James!" Bati nya sakin. "Long time no see. Huwag mo na ulit iiwan si Bro. Kumain pa naman yan ng isang saking bubog nung umalis ka bigla." Biro ko. "Haha! I can't imagine Reid eating that bubogs!" Sabi ni bubwit. "Bubogs? Bubog! Walang 's'." Sabi ko. Mga salita kasi nitong si bubwit. "Like hello! Patrick. Isang sako yung bubog right? So it means, its so madami. Diba we should put 's' kapag marami? That's why I called it bubogs. Don't make me pakialam nga! Hmp!" Paliwanag ni bubwit. Oo nalang. Dami talagang alam. Awas na ang utak nyan sa dami ng information nyan. "Tch. Tara na sa loob. Pagod si Yumiko. Wag nyo muna syang guluhin." Sabi ni Lance saka tumingin kay Yumiko. "Let's go babe to my room." Pasimple pa si Bro. Gusto lang ma-solo si Yumi eh. "You're so epal talaga Reid. You want to make solo lang si Yumi eh. You want to go to your room with her para ma-kiss mo sya ng torrid. Haha! It's so gross kaya!" Sabi sa inyo madaming alam yang si bubwit. Highschool student lang yan pero walang awkward na salita dyan. Lahat alam nyan. Hindi yan pa-inosente. "Shut up little devil." Suway ni Lance na ikinangiti lang ni Yumi saka ayun nahila na si Yumi pataas. Pero bago pa sila makataas ng tuluyan. Lumingon ulit si Bro. "Parating na yung pinadeliver ko. Ayusin nyo! At tumawag kayo sa intercom ng kwarto ko! Tch." Masungit na sigaw nya. "See! I know right. They will make some milagro Patrick! Haha. I want triplets talaga!" Malawak ang imaginations. Wag na kayong magtataka kung madaming alam yang si bubwit. Uulitin ko lang, hindi yan pa-inosente. "Manahimik ka nga bubwit. Tch tagal ng pagkain!" Sabi ko. "You're so inggit lang eh. Why don't you make ligaw to others? You're still hoping that Chelsea will love you? Like hello? Isn't obvious how she loves Satan?" "Satan? Sinong Satan?" "Satan. Twin ni Reid. Si Kyle. They are both like Satan kaya lalo na when they are mad. Haha." Baliw talaga. Satan daw si Kyle. Lagot. Haha. "Shut up." Sabi ko. May pag-asa pa naman ako kay MyLoves! Tch. "Why don't you make ligaw to others nalang Patrick? Basta you choose sexy and beautiful like Yumi ha? Don't make pili the girls who's really alike with bakekang or something panget." "Hindi ako manliligaw sa iba. Si MyLoves lang gusto ko. Wala akong ibang magugustuhan." Sabi ko. "Really? Baka someday, you will lunok what you've said." "Baka ganito, someday baka kainin mo ang sinabi mo. Ganon!" Diba ganyan yung phrase na kasabihan na yan. "Like hello! When we kain, the next is diba we lunok. So that's it." Dami talagang alam. Diko kakayanin makasama 'tong kapatid ko ng isag buong araw. Tch. "Oo nalang." Suko nako. Naupo nako ulit sa sofa dito sa salas. Whoo! Sakit sa ulo. Pumikit ako saglit pagkasandal ko sa sandalan ng sofa. Teka.. Bakit pumasok sa isip ko yung hinalikan ko si Mandy-monyita kanina? Amputek! -- Mandy POV Wala akong magawa. Grabe ang boring ng buhay ko. Gusto ko lang naman makita si Kyle pero.. Sad to say, wala akong dahilan para makita sya saka ang laki pa din ng galit nya sakin. Pero minsan nagtataka ako. Bakit parang natutuwa na ako sa James na yun. Kaya nga kanina nagpost ako sa sss. Parang ang sarap nya asarin. Saka yung kiss.. Waaa. Pag naiisip ko yun parang napapasigaw ang isip ko na hindi ko maintindihan. Bakit ganito pakiramdam ko. Diba dapat galit at buwisit ang nararamdaman ko sa mukhang bakla na yun? Pero bakit.. Waaaa! Ayoko na nga isipin! Bat ko nga ba sya naiisip. Tseee! I check my sss again. I check who's online. At ayun online si Kyle. Nag-chat ako. Mandy Aguilar: Hi Kyle. Are you okay? How are you? I miss you. Kyle is typing.. Ayan na. Rereply sya. SEEN Takte! Na-seen zoned ako? Kainis! Yang typing typing na yan, paasa talaga! Arrghhhh! Makacheck na nga lang ng wall. Scroll.. Scroll.. Nakakita ako ng post.. James JP Abellano I kissed a girl but I don't like it! Magli-lipstick nalang, wala pang flavor. Nakakasuka tuloy lasa ng lips nya. Tch! Kahit di nya nilagyan kung sino, alam kong ako binabanggit nya. Nakakainisss! Teka, wala ngang flavor yung lipstick ko. Nakakasuka daw lasa? Waaa, nakakainis naman. I grabbed my phone ang call my beauty products seller. "Hello? Send me your make-up brochures." Sabi ko saka pinatay na tawag. O-order nga ako ng may flavor na lipstick! What did I say? What did I do? Oorder ako ng may flavor na lipstick?? Bakit? Waaaa! Dahil sa sinabi ng baklang yun? Waaa! Bakit bako affected. Kainis talaga. Nagcomment nga ako. Mandy Aguilar Ang kapal lang talaga ng mukha. Wala pang ilang seconds. May comment back agad. James JP Abellano Maka-react ka Mandy-monyita, akala mo ikaw? Ikaw lang ba hinalikan ko? Basag ako don ah. Arrrghhh! Sa inis ko inihagis ko nalang yung ipad ko. Nakakainis na yung lalaki na yun. Hindi, bakla pala. Baklaaaaa! May araw ka din sakin. Makakaganti din ako sayo James Abellano!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD