Mandy POV
As always, ang boring ng araw para sa’kin. Bukod sa mag-isa lang ako dito sa kwarto sa mansyon namin, wala pa akong friends talaga sa SWU. Nakaka-imbyerna ang mga students dun, mga feeling maganda. If I know, wala silang binatbat sa’kin. Psh.
Naalala ko yung nangyari sa engagement party namin ni Kyle. Oo, di ka nagkakamali ng basa, si KYLE SHIN-WOO nalaman kong fiance ko. Ipinagkasundo kami ng mga Papa namin. I’m lucky isn’t it? Kahit pa sabihing si Chelsea ang mahal nya, sa’kin pa rin ang huling halakhak.
Pero ba’t ganon, parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Kyle nung engagement party.
*Flashback*
“Kyle..” Tawag ko kay Kyle nang lumapit ako sa kanya.
“Anong kailangan mo?” tanong nya nang hindi tumitingin sakin.
“Small world talaga ‘no? I didn’t expect na hanggang sa huli, tayo pa rin pala. True love huh!” sarkastikong sabi ko.
“Tch.”
“Ang daming bisita ‘no? I’m sure excited silang lahat sa engagement natin. Halos lahat sila, sinabing bagay daw tayo. And oh by the way, pwede mo ba akong samahang bumili ng isusuot ko sa engagement party natin?” Nae-excite na tuloy akong ikasal kay Kyle.
“Stop that crap Mandy. Hindi ko ginusto ang arrange marriage na’to. Kaya pwede bang huwag mo na akong kausapin?”
Huh? Now, he’s shouting at me? “Bakit ba ang init ng ulo mo?” tanong ko.
“Dahil ayoko sa’yo! Ayokong makasal sa’yo.”
Tumawa ako pero deep inside, nasaktan din ako. “As if naman may magagawa ka Kyle? Kawawang Chelsea. Nasa akin talaga ang huling halakhak.” Sabi ko nalang.
“Matuwa ka hangga’t malagutan ka ng hininga ha? Tch.” Sabi nya saka akmang iiwan ako dito sa may garden pero hinawakan ko sya sa braso nya.
“Napaka-harsh mo naman magsalita sakin? Parang hindi mo ako minahal dati ah?” tanong ko. Dati ako ang mundo nya. Mahal na mahal nya ako. He did everything for me tapos ganito sya sakin ngayon?
“Partly, yes. Noong minahal ko si Chelsea, doon ko na-realize na hindi naman pala talaga kita minahal dati. Infatuation lang siguro yun dahil bata pa tayo nun
“Your unbelievable Kyle!” sabi ko. Why so rude?
“Yeah. Alam mo sa totoo lang? Naaawa ako sa’yo ngayon. Alam mo kung bakit? Dahil ikakasal ka sakin.”
“Paano naman ako naging kawawa? Okay nga yun eh. Pabor sakin.” Sabi ko. Sabi ko naman nasa akin ang huling halakhak. I don’t think na kawawa ako.
“Tch. Sa tingin mo ba kapag naikasal na ako sayo, mamahalin kita? Kahit pa makasal tayo, si Chelsea pa din ang mahal ko at nag-iisang laman ng puso ko. Kawawa ka dahil hindi ka man lang kayang mahalin ng magiging asawa mo.”
I admit, tinamaan ako sa sinabi nya. Tagos na tagos. Mahal nya ako eh! At hindi yung Chelsea na yun. Aish! “Argh!” sigaw ko sa nag-walk-out nalang.
*end of flashback*
Ayoko na ulit isipin yun dahil nasisira ang araw ko. Bakit kailangang mangyari sakin 'to? Bakit kelangang ipagkalandakan sa'kin ni Kyle na ayaw na nya sa'kin?
Bzzzt.
Sino namang nasa labas ng pinto ng kwarto ko? Tumayo ako para pagbuksan kung sinumang kutong-lupang magbabalak na mang-istorbo sa’kin. Pagbukas ko, bumungad lang naman ang magaling naming butler. “Why?”
“Pinapapunta po kayo ng Papa nyo sa library.” Sabi niya.
Sumimangot ako. At bakit naman kaya? Wala akong panahon. “Why?’
“Importante lang po.” Sabi ni butler na nakatungo. Medyo takot kasi sa’kin yan. Or let say lahat ng tauhan dito sa mansyon takot sakin dahil sa katarayan ko. Aminado naman ako. Like hello? I dont have to change for the. Eto nako eh.
“Fine. Susunod na’ko.” Sabi ko. Psh bakit ba ako pinapupunta ng matandang yun? By the way, wag na kayong magtaka kung bakit ganito ang ugali ko. Di kami ganon ka-close ng Papa ko. Galit ako sa kanya dahil niloko nya dati si Mama. Lumabas na din ako ng kwarto ko para pumuntang library.
Pagkarating ko dito sa harapan ng pinto ng library, agad ko itong binuksan at pumasok. Walang katok, katok. I admit, wala talaga akong galang sa Papa ko. "Anong kailangan mo sakin tanda?" tanong ko nang makapasok ako.
"CHELSEA?"
"MANDY?"
Bumungad sakin si Chelsea at sabay pa kaming napasigaw.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Papa.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Wala akong maisip na rason why she’s here.
"Magkapatid kayo." Sabi ni Papa na nakapagpalaki ng mata ko.
"What did you say?" Iritableng tanong ko.
Si CHELSEA TORRES na kaagaw ko kay Kyle kapatid ko? WHAT THE HELL.
"Parang gusto kitang maging kapatid ah?" Sabi ni Chelsea. Wow! Same as mine. Anong akala nya, gusto ko syang maging kapatid?
"Teka nga mga anak, magkakilala na kayo?" Naguguluhang tanong ni Papa.
Hindi ko na alam ire-react ko. "I can't believe this!" sigaw ko saka tuluyang nag-walk-out.
DAMN IT! Bakit ko siya naging kapatid? Sa dinami-dami, siya pa? WHAT THE HELL! She’s like a maid to me. Waaa. I’m going crazy! I hate the fact that she’s my HALF-SISTER? Hell.
Sa sobrang inis ko, dumiretso ako sa kwarto ko. Kumuha ng damit sa closet at dumiretso sa banyo. I need tol take a bath para lumamig ang ulo ko. And I want to go to bar. Psh.
-
Kinagabihan..
Andito ako sa may entrance ng bar. Gusto kong magpakalasing dahil sa nalaman ko. Diko pa din matanggap na kapatid ko ang Chelsea na yun.
No. Ayoko.
Pagpasok ko sa bar, naupo agad ako sa bar counter. May nakatabi pa ako, nagpapaka-lasing din. Para ngang pamilyar sakin 'tong haponesang babae na'to. Parang nakita ko na siya somewhere.
Ah ewan. Um-order ako ng alak. Kasi naman ayoko talagang isipin na half-sister ko si Chelsea. Hindi ko pa natanong si Tanda kung sa mansyon titira ang mukhang maid na yun. Never akong papayag.
"Yumi tara na. Iuuwi na kita sa mansyon."
Pamilyar sakin yung boses nung lalaki. Kausap yung haponesa sa katabi ko. Tumingin ako.
"James?"
Napatingin naman ang lalaking 'to sakin. "Bakla? Ay Mandy pala."
Psh. Nakakabuwisit talaga 'tong lalaki na'to. Girlfriend niya ba 'tong haponesa na yan? Psh.
Inirapan ko nalang siya at tinungga yung alak ko. "Sige na James. I can manage. Pupunta dito si Oliver para maki-join sa'kin." Sabi ni haponesa.
"Aish. Ang kulit naman ng lahi mo. Kung mag-aaway kayo ni Bro, wag niyong idaan lagi sa inom. Mag-usap kayo."
"Paano ko kakausapin yun? Mas pipi pa yun sa pipi. Saka masaya na yun ngayon.."
"Di ka na nasanay sa kapatid kong yun. Sige na umuwi na tayo. Hahatid na kita."
Grabe lang. Nagiging tsismosa na'ko dahil nakikinig ako sa usapan nina James at nung haponesa.
"Kung ayaw niya, wag mong pilitin." Sabi ko. Hindi ko na natiis maki-sabat eh.
"Hoy bakla. Di kita kinakausap. Wag ka sumabat. Bakit ka ba nagpapaka-lasing dyan? Dapat nagsasaya ka kasi ikakasal na kayo ni Kyle." Sabi nya.
"Psh. You don't care." Sagot ko.
Naiinis ako pero parang may bahagi sa puso ko na nagagalak na makita sya o makaharap sya ngayon. Ewan ko ba.
"Fine." Sagot nya. Sungit. Kainis lang. Makainom nalang. Bahala sila sa buhay nila.
-
James POV
Coincidence. Nakita ko pa ang baklang 'to dito sa bar. Yang Mandy na yan kainaman naman ang katarayan.
Aish. Si Yumi at Bro nag-away kasi naman si Yumi nag-i love you sa'kin. Biro lang anman yun. Akala tuloy ni Bro nagtataksil kami sa kaniya. Tch. Kaya eto si Yumi nagpapakalasing.
"Guys!"
Napatingin ako sa dumating. Si Oliver ng tigers.
"Yumi okay kalang?" Tanong agad ni Oliver kay Yumi.
"I'm okay." Sagot ni Yumiko.
Hays. Kulit talaga nito. Si Bro naman ayun walang pakialam. Kunwari pang hindi nag-aalala. Psh. Pataasan kasi ng pride. Ako ang nasakit ulo eh.
"James, ako na bahala kay Yumiko. Hatid ko siya sa mansyon niyo."
Mapagkakatiwalaan naman 'tong ugok na'to eh. "Sige, sige." Sagot ko.
Napatingin ako kay Mandy. Mukhang may tama na'tong babae na'to. Lakas mag-inom eh.
"Brad. Sunod nalang ako." Sabi ko kay Oliver na inaalalayan si Yumiko. Palabas na sila ng bar. Ewan ko pero parang may pumipigil sa'kin na umalis dito sa bar nang makita ko si Mandy.
Umupo ako sa stool na inupuan ni Yumiko kanina. Bale katabi ko na si Mandy. "Problem?" Tanong ko.
Tumingin sya sakin. Mapungay na yung mata niya. Lasing na nga. Mukha pang tanga dahil inaaninag ang mukha ko. "J-James..?"
"Hindi. Si Kyle 'to. Tch. Malamang ako 'to!" Sigaw ko. Baliw na babae. Nalalasing lang, hindi na nakakakilala.
Magsasalita pa sana ako ng..
Diko inaasahan ginawa niya.
She kissed me. Torridly.
At ako?
Hindi ako nakapalag. What will I do? Tinugon ko ang halik niya. Anong nangyari sa babaeng 'to? Akala ba niya ako si Kyle para halikan?
Tumigil siya sa paghalik sakin. "James.."
Pangalan ko naman binabanggit niya? Edi alam niyang ako 'to.
"Mandy al--"
She kiss me again. Sh*t. Anong gagawin ko sa babaeng 'to? I can't resist her.
Maya-maya bigla nalang naghiwalay labi namin dahil..
Tumba si Mandy. Napayakap sya sakin. Nakatulog na pala. Baliw talaga babaeng 'to. Lasing na lasing kasi. No choice. Alangan namang iwan ko dito. Binuhat ko sya palabas ng bar. Iuuwi ko nalang 'to sa condo ko. Tch.
-
Mandy POV
Nagising akong masakit ang ulo. Grabe nalasing yata ako kagabi. Babangon na sana ako ng may mapansin ako.
Kaninong kwarto 'to? Panlalaki? Amoy lalaki? Hanla.
"Gising ka na pala. Pinagtimpla kita ng hot milk para mabawasan sakit ng ulo mo."
"What the hell are you doing here?" Sigaw ko.
"Psh. Malamang condo ko 'to. Ikaw na bakla ka, sakit mo sa ulo." Sabi ni James. Sya pa galit? At bakit ako nandito sa condo nya?
"Paano ako napunta dito?" Tanong ko.
"Malamang dinala kita dito." Sagot nya.
Piliosopo. "Bakit mo'ko dinala dito?" Tanong ko ulit.
"Wala ka naman kasama sa bar. Nagkataong andun ako kaya inuwi muna kita. Lasing na lasing ka." Sabi nya.
"Edi sana hinayaan mo nalang ako dun sa bar!"
"Paano kita hahayaan eh hinalikan mo ako? Hindi lang basta kiss! Torrid kiss. Ayaw mo pang bumitaw sakin hanggang makatulog ka ng nakayakap sakin! Tch."
No. I can't believe it. Hindi yun totoo. "Liar!"
"Edi wag kang maniwala. Sinabi ko lang totoo." Ayun lumabas ng kwarto. Nagalit yata?
Pero totoo ba yun? I kissed him last night? Shemay! Bakit? Pero bakit wala akong nararamdamang pagsisisi? Bakit parang natutuwa pa'ko sa naiisip ko na hinalikan ko sya kagabi? Pati ang pagdadala nya sakin dito sa condo niya, bakit sa halip na mag-hysterical ako, kalmado lang ako? Gusto ko ba ang nangyayari? Lumabas ako ng kwarto, naabutan ko sya.
"Uuwi na'ko!" Sigaw ko pagkalabas ng kwarto ni James.
"What do you think you're doing?" Tanong ni James.
"I said uuwi na ako!" Sigaw ko pa din.
Hinawakan nya ako sa braso. "Hindi ka man lang magpapasalamat?"
"For what?"
"Dahil inuwi kita dito galing sa bar." Sabi nya.
"Bakit ako magte-thank you sa'yo? Inutusan ba kitang iuwi ako dito?"
"Hindi moko inutusan pero hindi ko naman makayang hayaan kalang sa bar dahil alam kong lasing kana at mag-isa ka lang!" Sigaw nya.
W-What did he mean?
"Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko?" Sigaw ko.
"Hindi ako nakikialam! I care for you kaya kita inuwi dito. Mahirap ba intindihin yun? Ha?"
I care for you..
I care for you..
I care for you..
Natigilan ako. "Y-You care for me?" Tanong ko. Naguguluhan ako.
"Oo Mandy! Alam mo bang inis na inis ako sayo pero may pakialam naman ako sayo! Hindi kita kayang hayaan lang basta-basta! Dahil ayokong may mangyaring masama sayo dun sa bar!"
He cared for me dahil ayaw nyang may mangyaring masama sakin. So it means. May gusto ba sakin si James? "Pero bakit?"
"Bakit?"
Pagkasabi na yun, hindi ko inasahan ang biglang paglapat ng labi ni James sa labi ko. He kiss me. Kahit ilang seconds lang yun, na-starstruck pa rin ako sa ginawa nya. Grabe lang.
What's going on? Hindi ko na maintindihan sarili ko. Bumitaw ako sa kanya at mabilis na tumakbo pababa ng salas saka dumiretso palabas ng pinto ng unit nya.
"MANDY??"
Literal na nanlaki ang mata ko ng biglang makasalubong ko si Chelsea paglabas na paglabas ko.
"Hoy Mandy ano ba sa tingin mo ang ginagawa m—Oh! myloves!" Sabi ni na james na lumabas din ng unit nya.
"B-Bakit.." Palipat-lipat ang tingin nya sa amin ni James. Sh*t. Bakit ba sya narito?
Nagulat ako ng sabay kaming hinila ni Chelsea ni James papasok sa loob ng unit nya.
"Kung anumang iniisip mo, mali yan!" Dipensa ko. Totoo naman. Wala akong alam at hindi ko ginustong mapunta dito sa unit ni James. Lasing lang ako kagabi.
"Wala pa akong sinasabi." Sabi nya na anka-poker-face pa. Psh. Sabunutan ko kaya ‘tong si Chelsea.
"Inuunahan na kita kasi baka kung anong isipin mo!" Sigaw ko. Ayoko lang na pag-isipan nya ako. Like duh. Si Kyle lang ang gusto kong pakasalan.
"Pero bakit ka andito sa unit ni James? Did you.." Palipat-lipat ulit tingin nya sa aming dalawa ni James. Ankakaasar na’tong si Chelsea talaga.
"Hindi kami nag-kiss! Nalasing lang ako kagabi!"
WTF. What did I say? Bakit ko nasabi yun? WAAAAAAAAAA! Nakakainsi na talaga! Natakpan ko yung bibig ko. Bakit kasi nadulas ako.
"Tch. Daldal." Sabi ni James. Ako pa sinisi?
Napahawak ako sa pisngi ko. Feeling ko ang pula-pula ng mukha ko. Wala akong ibang masabi kung hindi. NAKAKAINIS TALAGA!
"Ikaw ha. Nag-kiss pala kayo ha! Wag ka na ngang magpakasal kay Kyle! Taksil ka!" Sigaw ni Chelsea sa’kin pero parang medyo nagbibiro sya. b***h. Anong akala nya, maaagaw nya sakin si Kyle? Ako pa din ang pakakasalan ni Kyle at wala na syang magagawa dun.
"Myloves, it's not what you think. Inuwi ko lang sya dito kasi lasing na lasing sya kagabi at nakita ko lang sya sa bar." Paliwanag ni James.
"May nangyari ba sa inyo?" Diretsahang tanong ni Chelsea.
"WALA!"
"WALA!"
Sabay na sigaw namin ni James.
"Wala talaga? Ikaw Mandy, dahil nandito kana, kakausapin kita. Balak ko talagang puntahan ka sana sa mansyon niyo para makausap ka eh. Tapos andito kalang pala at..."
"Wala sabing nangyari samin!" Sigaw ko., Halatang nang-aasar sya eh. Psh!
"Defensive ka. Psh. Basta, kakausapin kita dito na." sabi nya. Ano pa bang gusto nyang pag-usapan?
"About what?" Mataray na tanong ko
"Ikaw Mandy, wag mo akong tarayan kung hindi isusumbong kita kay Papa na dito ka natulog sa unit ni James at may nangyari sa inyo." Natatawang sabi nya.
"Pinaglololoko mo ba ako ha Chelsea? Patawa-tawa ka pa dyan. Psh." Sabi ko. Nananadya na talaga sya promise. Makakasabunot na talaga ako. Konti nalang.
"Kung mag-uusap kayo, sige. Tutulog muna ako. Pinuyat ako ni Mandy. Ge. Pakisara nalang pinto pag-alis nyo." Sabi ni James saka umakyat na sa kwarto nya.
Anong sabi ni James? Pinuyat ko sya kagabi? Ano bang nangyari? Psh. Imbyerna yang si James. Kainis.
"Hoy Mandy ano nangyari sa'yo?"
"WHAT?"
"Ang pula kaya ng mukha mo."
Napahawak ako sa mukha ko. BWISIT! "Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na!" Sigaw ko. Nakakapuro na sakin ang babaeng ‘to.
"Umurong ka na sa kasal nyo ni Kyle." Diretsahang sabi nya.
"WHAT?" Like duh. Sino sya para utusan ako? Akin si Kyle.
"Uulitin ko paba? Sabi ko umurong ka na sa kasal."seryosong sabi nya.
"Who are you para utusan ako ng ganyan?" Pagtataray ko. Kahit pa anong gawin nya, di nya maaagaw sakin si Kyle.
"Ako lang naman yung mahal ni Kyle."
"You must be kidding. Kahit pa ikaw ang mahal nya, wala akong pakialam. Basta magpapakasal kami. Wala ka ng magagawa." Sabi ko. Mahal din ako ni Kyle alam ko. Ako ang first love nya. Imposibleng mawala agad ang nararamdaman nya sakin.
"Ah ganon? Wala kang pakialam kung makasal ka sa lalaking wala namang nararamdaman sayo? Hindi ba mas masarap makasal sa lalaking mahal ka talaga?"
Natigilan ako. Inaamin ko, tagos sa puso ko yung sinabi nya. "A-Ano naman ngayon? Ewan sayo! Basta hindi ako uurong sa kasal!" Sigaw ko nalang saka nag-walk-out. Ayoko ng makipag-usap sa Chelsea na yan. Nakakasira siya ng araw.
Pagkababa kong building, pumara agad ako ng taxi at sumakay ro’n. Yung kotse ko for sure, andun sa bar na pinuntahan ko kagabi. Aish. Bibili nalang ako ng bago. Mayaman naman kami.
Naiisip ko na naman ang nangyari, At ‘pag naiisip ko yung kanina, umiinit ang dugo ko kay Chelsea.
Honestly, naiinis ako sa kaniya hindi dahil inuutusan nya akong umatras sa kasal kung hindi dahil dun sa pang-aasar nya samin ni James.
Argghh! Nakakahiya. Nasabi ko pa tuloy na nagkiss kami kagabi. Kasi naman! Nadulas lang ako. Aish. Pero bakit ganun? Parang diko pino-problema at iniisip yung sinabi ni Chelsea na umurong na'ko sa kasal namin ni Kyle. Bakit mas iniisip ko yung sinabi ni James kanina bago ako lumabas ng unit nya at makita ni Chelsea.
Kinikilabutan ako 'pag naaalala ko yun. Bakit may something dito sa dibdib ko 'pag nandyan si James. Waa. Diko na alam iisipin ko. Diba dapat mas iniisip ko yung engagement namin ni Kyle? Pero bakit si James lagi yung pumapasok sa isip ko?
I'm going crazy.