James POV "Marry Ynna." ANO!? "Mama naman! Bata pa'ko." "Sinabi ko bang ngayon ka na magpakasal? I just want to arranged a marriage between the two of you." Fvck. Wala naman akong gusto kay Ynna. "Pero 'Ma. Ayoko sa lahat ina-arranged marriage ako. Alam nyo 'yan." "Ikaw talaga. Gusto mo naman si Ynna diba?" Tanong ni Mama. Umiling ako. "Hindi 'Ma. Kaibigan lang turing ko sa kanya. Minsan, naaawa lang ako sa kanya kase wala siyang masyadong kaibigan." "Hindi yan awa, pagmamahal 'yan iho." "Hindi nga 'Ma. Basta hindi pwedeng magkaroon ng arranged marriage sa pagitan namin. Alam niyo namang si Mandy ang mahal ko. Ayun, kami ang i-arranged nyo." "Hindi! I better choose Ynna over that Mandy. Hindi ko gusto ang ugali ng malditang babae na yun." Tch. "Ma! Hindi lang siya basta babae! Si

