Prologue (Killer)

305 Words
“Monsters are not born. Monsters are made.” “ALAM MO ba na tuwing haharap ako sa salamin... hindi ko magawang makita ang sarili ko. Ang nakikita ko lang ay kayo... ang mga taong gumawa sa akin ng kasamaan... sumira sa buhay ko.” Galit na galit na tiningnan ng killer ang lalaking nasa harap. “Kayo ang unang naging halimaw.” “T-tigilan mo na `to... p-parang awa mo na,” pagmamakaawa pa ng lalaki. “Walang mangyayari sa ginagawa mong `to. Sa tingin mo ba may mababago pa? Isa kang mabuting tao simula pa noon... a-alam ko `yon.” Tumalim ang kanyang mga mata. “Hindi mo ako kilala…” malamig na wika ng killer. “Hindi mo alam ang sakit na pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang galit na nasa puso ko! Wala kang alam!” Nanginig ang buong katawan ng lalaki nang makitang itinaas niya ang hawak na baril para itapat sa sentido nito. “H-huwag... h-h-huwag...” garalgal na pagmamakaawa nito. “Hindi mo pa rin ba sasabihin kung nasa`n ang hinahanap ko?” mayamaya ay tanong ng killer. “Papatayin mo pa rin ako kapag sinabi ko, hindi ba?” tanong nito, may galit na ang mga mata. “Mahuhuli ka rin balang-araw. Sigurado akong makikita ng mga taong naghahanap sa`yo ang iniwan kong mensahe kung sakaling mangyari `to.” Nag-igting ang kanyang mga bagang, higit na idiniin ang ulo ng baril sa sentido ng lalaki. “Kaya kong idamay ang kahit na sino…” mariing wika ng killer. Akmang magsasalita pa ang lalaki nang iputok niya na ang baril kasabay ng malakas na putukan sa labas ng iba’t ibang mga paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Pinagmasdan niya lamang ang lalaking wala nang buhay at ang dugong umaalpas mula sa sentido nito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD