Episode 1 ( Jemimah Remington)

2282 Words
Special Criminal Investigation Unit Headquarters NAPAANGAT ng tingin si Jemimah mula sa ginagawang report nang maramdamang may lumapit sa unahan ng table niya. Agad niyang nakita ang isa sa mga kasama sa trabaho – si PO1 Douglas Ilagan. Sumaludo sa kanya ang lalaki. Sa pagkakatanda niya ay baguhan pa lang ito sa ahensya. “Inspector, pinatatawag po kayo ni Director Morales sa kanyang opisina,” wika ni Ilagan. Kahit nagtataka tumango na lamang si Jemimah bago nagtungo sa kinaroroonan ng opisina ng Director ng SCIU na si Antonio Morales. Mahigit pitong taon na mula nang magsimula siyang magtrabaho bilang isang Police Inspector sa Philippine National Police. Sa panglimang taon na pagseserbisyo sa police force, na-recruit siya para magtrabaho rito sa SCIU – isang pribadong ahensya ng gobyerno na humahawak sa mga special murder cases. Hindi niya alam ang tungkol sa SCIU hanggang sa kausapin siya ng mga nakatataas sa PNP at ipinaliwanag sa kanya ang purpose ng ahensyang ito sa bansa. It was an honor to work in this special unit. Dahil sa pagkakaalam ni Jemimah ay tanging ang mga ‘best’ lamang sa field ng criminology ang nagkakaroon ng pagkakataong ma-recruit sa ahensyang ito. Kahit tutol ang mga magulang sa kanyang pagpupulis, wala namang nagawa ang mga ito. This was what she wanted. Gusto niyang magkaroon ng parte sa gobyerno at makatulong sa kapwa hanggang sa abo’t ng makakaya. Hindi ganoon kadali ang naging training niya bago makapasok sa police force. Pero dahil simula pagkabata ay sanay na sa pakikipaglaban, naging malaking tulong iyon. She was a black-belter in Taek Won Do. She had learned judo and boxing as well. Natuto lamang siya sa paghawak ng baril mula nang mag-training sa pagiging pulis pero inaaming hindi ganoon kahusay. Inayos muna ni Jemima ang suot na police uniform bago kumatok sa pinto ng Director’s Office. “Come in,” narinig niyang wika ni Director Antonio Morales mula sa loob ng silid. Pumasok si Jemimah sa loob ng opisina, sumaludo. Nasa late forties na nito si Director Morales, simula nang magtrabaho siya rito sa SCIU ay ito na ang nakaupo sa posisyong iyon. “Pinatatawag niyo raw po ako, Sir.” Sa pagkakaalam niya rin, ang pagiging Director ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa ahensyang ito. Ang Chairman ng SCIU ay hindi pa niya nakikilala ng personal. Narinig niya lang ang pangalan nito – Chairman Tony Gonzalvo. Dati itong General ng Philippine Army. Tumango-tango si Director Morales bago tumayo mula sa kinauupuang swivel chair. “Inspector Remington, I know you’re one of the best inspectors around despite being a woman. At iyon din ang dahilan kaya napili kang ma-recruit sa special unit na ito. I really admire you for that, hija.” “Maraming salamat po,” puno ng sinseridad na pasasalamat niya. “Alam mo rin na isang honor ang makapagtrabaho sa SCIU, lalo na ang maging leader ng isang team.” Tumingin sa kanya si Director Morales bago ngumiti. “I’m assigning you to lead a new team for SCIU, Inspector Remington. And it will be under me.” A team? Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Sa pagkakaalam niya, binubuo ng iba’t ibang teams ang Special Criminal Investigation Unit – para na rin mahati ang mga kaso at agad na maresolba. At sa loob ng mahigit dalawang taong pagtatrabaho sa ahensyang ito, tanging ang Chief lamang ang nag-uutos na bumuo ng panibagong team kung kailangan. Hindi niya alam na nakikialam din pala ang Director sa ganoong gawain. “H-hindi po ba mas tamang ibigay `yan sa mga Senior Inspectors dito? I-ilang taon pa lang po akong—” “I’m choosing you, Remington,” putol sa kanya ni Director Morales. Napayuko na si Jemimah. Yes, she felt honored. Hindi ganoon kadaling magkaroon ng sariling team para humawak ng special cases. Pero kinakabahan siya. “H-hindi ko po alam kung magagawa kong abutin ang expectations niyo, Sir,” pag-amin niya. A team? At sa ilalim pa mismo ng Director ng SCIU? Kahit noong nagtatrabaho siya sa PNP ay hindi pa nakawak ng isang team. Mahinang tumawa si Director Morales. “Hindi kita pipiliin kung alam kong hindi ka karapat-dapat.” Lumapit sa kanya ang lalaki para tapikin sa balikat. “Pinag-aralan ko ang mga naging trabaho mo dito, maging noong panahon na nagsisilbi ka pa sa PNP. Sa loob ng pitong taon, maraming kriminal na ang nahuli dahil sa tulong mo, kasama na ang pagkahuli sa isang politician drug lord noon. It was one of the biggest cases solved by the PNP. Humingi ako ng report ng kasong iyon, nakita ko na malaki ang naging kontribusyon mo. Ganoon din ang sinabi ng ilang kakilala ko sa PNP.” Nanatili lamang na nakayuko si Jemimah. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang kaso ng politician drug lord na nahuli nila noon ang isa sa pinakamalaking kaso na nahawakan sa buong career. “And you never took credit for it,” pagpapatuloy ni Director Morales. “Hindi naman po mahalaga sa akin ang credit, Sir,” tugon niya. “Ang mahalaga sa akin ay mailabas ang buong katotohanan at makatulong sa nangangailangan.” Muling tumawa si Director Morales. “That’s why I’m choosing you. Dahil hindi ka katulad ng mga nagtatrabaho dito na ang tanging nais lang ay recognition at kung kailan sila mapo-promote. I want someone who’s not selfish, not arrogant. Isang taong ang tanging nais lang ay magawa ng ayos ang kanyang trabaho. Isang taong mapapagkatiwalaan ko.” Lumakad pabalik sa working desk nito ang lalaki bago naupo sa swivel chair. “Hindi mo ba gustong bumuo ng sariling team?” “Hindi naman po sa ganoon, Sir,” sagot ni Jemimah. “I’m honored. Thank you, Sir.” Sumaludo siya sa lalaki. “Gagawin ko po ang lahat para magawa ng ayos ang lahat ng trabahong ibibigay sa team ko.” Tumango si Director Morales. “Bukas ko ia-announce ang panibagong team.” Kinuha nito ang isa sa mga folders na nasa mesang naroroon, iniaro sa kanya. “Nandito ang mga pangalan ng makakasama mo sa team. You can read this at home. Huwag kang mahihiyang magtanong sa akin kung may gusto kang malaman.” Inabot ni Jemimah ang folder at nagpasalamat. Hindi niya maipaliwanag ang bumalot na pagkasabik sa puso sa kaalamang hahawak na siya ng sariling team. Sana ay maging matatag ang team nilang iyon at makasundo niya ang bawat miyembro. Simula nang pumasok siya sa police force, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makahanap ng tunay na mga kaibigan. At ganoon din naman nang magtrabaho para dito sa SCIU. Halos lahat ng naririto ay naka-focus lamang sa kanya-kanyang trabaho. It was boring for her at first, but she got used to it. “Sa akin ka na magre-report directly ng mga kasong hahawakan ng team mo, Inspector Remington. You can come up with any name you want for your team. I hope your team will be the best in this agency,” wika pa ng direktor. “Makakaalis ka na.” Muling sumaludo si Jemimah sa lalaki bago lumabas ng opisina. Naglalabasan na ang mga kasamahan niya sa trabaho nang mga oras na iyon. Bumalik siya sa sariling mesa para ayusin ang mga gamit. Siguradong bukas ay magkakaroon na rin siya ng sariling opisina para sa kanilang team. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa kaisipang iyon. PABAGSAK na naupo si Jemimah sa couch na nasa living area ng kanyang apartment sa Taguig pagkauwi nang gabing iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na magkakaroon na ng sariling investigation team kinabukasan. Siguradong marami ang magtataas ng kilay pero hindi na niya kailangang pansinin iyon. She was chosen by the Director of SCIU. It was a big honor, a big opportunity. And that was all that matters. Ilang sandali muna siyang naupo at nagpahinga sa couch bago tumungo sa banyo para mag-shower. Maghahanda na sana siya ng sariling hapunan nang marinig ang pagkatok sa pinto ng apartment. Her place was just a typical apartment. Simple lamang at hindi kalakihan. Pero galing iyon sa sarili niyang pagsisikap kaya ipinagmamalaki. Pagbukas ng pinto, agad na sumalubong kay Jemimah ang mukha ng kanyang Papa Chad at Mama Roslyn, nasa likod ang nakababatang kapatid na lalaki na si Marky. Malawak siyang napangiti at binati ang mga kapamilya bago inayang pumasok ang mga ito. “Dumaan kami rito dahil hindi ka na bumibisita sa bahay natin,” wika ng kanyang Mama Roslyn. “Dito na rin kami magdi-dinner.” Tiningnan ni Jemimah ang dala ng mga itong mga paper bags na siguradong may lamang pagkaing niluto ng ina. “Pasensiya na kayo kung hindi ako nakakadalaw, marami kasing reports na kailangan tapusin.” “Simula nang pumasok ka diyan sa bagong pinagtatrabahuhan mo ay naging sobrang busy mo na,” ani naman ng kanyang Papa Chad. “Hindi pa ba sapat ang mapasali sa police force kahit mapanganib? Kailangan bang dagdagan mo pa?” Ipinaikot ni Jemimah ang mga mata. “Here we go again, Papa. Wala namang masamang nangyayari sa akin. At hindi ba mapanganib din naman ang trabaho mo?” Isang lawyer ang kanyang ama at puro malalaking mga tao sa lipunan ang nagiging kliyente nito. Ang kanyang mama naman ay maybahay lamang. “Working for SCIU is a very dangerous job, Jemimah,” patuloy na wika ng ama. “Puro mga mamamatay-tao ang hinahanap niyo. Serial killers, to be exact.” “Hindi pa ako nakakahawak ng kaso for serial killers, ‘Pa,” pagbibiro niya pa. Lumakad siya patungo sa kitchen area para ayusin doon ang mga dalang pagkain ng mga ito. Nakasunod lang naman ang kanyang Mama Roslyn at kapatid na si Marky. “Pagpasensiyahan mo na ang Papa mo, anak,” mahinahong wika ng kanyang ina. “Alam mo namang nag-aalala lamang siya sa `yo.” Tumango-tango na lamang si Jemimah bago kumuha ng mga plato sa cupboard. “Kumusta naman ang pag-aaral mo, Marky?” tanong niya sa nakababatang kapatid nang magpaalam ang kanyang ina na sasamahan ang ama sa sala. Nasa kolehiyo na si Marky at kumukuha ng kursong Computer Science. “Maayos naman, Ate,” sagot ni Marky habang tinutulungan siya sa pag-aayos. “May bago na akong girlfriend.” Tumawa pa ito ng mahina. Tiningnan niya ng masama ang kapatid. “Buwan-buwan na lang `ata ay nagpapalit ka,” naiiling na wika niya. Ngumisi si Marky. “Ikaw ba, Ate? Kailan mo ba balak humanap ng boyfriend? You’re turning twenty-nine this year, right? Baka mauna pa akong ikasal sa `yo?” “I’m happy this way, Marky. Buhay mo na lang ang pakialaman mo.” Tumawa lang naman ang kapatid. “Kumusta naman sa bahay?” tanong niya pa. Naupo si Marky sa isa sa mga dining chairs na naroroon. “Ayos naman. Madalas lang na gabihin uli si Papa nitong nakaraang mga buwan. Trabaho,” nagkibit-balikat ito. Hindi na naman nagawang makapagsalita pa ni Jemimah nang makita ang pagpasok ng mga magulang sa kitchen area. Ilang sandali lang ay nagsasalu-salo na sila sa hapunan. “Kumusta naman ang trabaho mo sa SCIU, Jemimah?” mayamaya ay tanong ng kanyang Mama Roslyn. Napangiti siya. “I’ll be managing my own team starting tomorrow,” masayang imporma niya. Ikinuwento niya sa pamilya ang naging pag-uusap nila ni Director Morales kanina. “Well, that’s... good,” komento ng ina. Tiningnan ni Jemimah ang ama na napabuntong-hininga na lamang. Hindi na rin siya nagsalita. Alam niyang hindi masaya ang kanyang Papa Chad sa napiling career kahit ilang taon na ang nagdaan. Mahigit isang oras pa siguro ang itinagal ng pamilya sa kanyang apartment bago nagpaalam. Nang makaalis ang mga ito, nagpunta na si Jemimah sa sariling kuwarto. Lumapit siya sa installed cabinets na nasa dingding para kunin doon ang itinagong folder kanina – ang folder na ibinigay ni Director Morales na naglalaman ng mga makakasama sa team. Naupo siya sa queen-sized bed para simulang basahin ang nilalaman ng folder. Inisa-isa niya ang mga profiles na naroroon, ang ilan ay mga nakilala na minsan sa mismong headquarters ng SCIU. Mitchel Ramos, male, 29, Profiling Expert. PO1 Douglas Ilagan, male, 26, Police Officer. Mabuti naman at may makakasama siyang parte rin ng police force. Nagpatuloy siya sa pagbabasa. Paul Morales, male, 31, Prosecutor. “Morales,” sambit ni Jemimah sa apelyido ng lalaki. Kamag-anak ba ito ni Director Antonio Morales? Pinakatitigan niya ang larawan ng lalaki. May pagkakahawig nga ito sa direktor ng SCIU. Bakit naman mapapasama ang isang prosecutor sa kanilang team? Ipinilig niya ang ulo. Itatanong niya na lamang bukas kay Director Morales ang mga gumugulo sa isipan. Binuklat niya ang kahuli-hulihang page na naroroon, nagtaka pa nang makitang walang larawan ang huling magiging miyembro ng kanilang team. Ethan Maxwell, male, 33, private detective, ex-commander for Special Forces. Napuno ng curiosity ang puso ni Jemimah para sa lalaki. Isang private detective? Hindi niya alam na maaari palang makapagpasok ng private detective sa SCIU. At ni minsan ay hindi niya pa naririnig ang pangalan nito. He was an ex-commander for the Special Forces. At thirty-three pa lamang ito. Ibig sabihin, hindi basta-basta ang mga kakayanan ng lalaki. Isinara niya ang hawak na folder. Medyo magulo pa rin para sa kanya ang lahat. Hindi niya gaanong kilala ang mga makakasama sa team na hahawakan. At siya lang ang nag-iisang babae doon! Napailing na lamang si Jemimah. Pinagkatiwalaan siya ni Director Morales para hawakan ang team na nakapailalim mismo dito. Kailangan niyang gawin ang lahat para magawa ng maayos ang trabaho. Ipagdarasal niya na maging maayos ang lahat bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD