At kahit ang timbre ng boses nito ay nagbago. Natauhan siya nang marinig ang tinig ng lalaki. Kailangan niyang makipag-usap nang normal at maayos. Hindi niya maaaring ipagtapat dito ang tungkol sa mga tunay na nangyari sa nakaraan, sapagkat hindi naman iyon kapani-paniwala. Anong sasabihin ko?! Hello Kenjie, ako ang babae na nag-back-skip sa katawan ni Aya, 22 years ago? Hindi na niya iyon kailangan pang sabihin. Hindi niya kailangan ng pasasalamat. Noon pa man ay palihim siya kung tumulong. Sapat na sa kaniyang makita na nagtagumpay siyang baguhin ang kapalaran nito. Nahihiyang pinunasan niya ang mga matang basa ng luha gamit ang likod ng mga kamay. "Why you're crying?" tanong nito at tumingin sa puntod na dinadalaw. "Kilala mo ba si Aya?" Nang mahimasmasan ay napatingin din siya sa

