Pwede ka ba mamaya? Pwede ka ba bukas?Pwede ba tayong magkita ulit? Iyon ang mga paulit-ulit na tanong sa kaniya ni Kenjie. Panay ang pangungulit nito simula nang makuha ang numero niya at nagpalitan pa sila ng social media account. Datapuwa't ang lagi naman niyang sagot ay pagtanggi. Hindi ako pwedeng ma-attached sa kaniya, lalo na at may girlfriend pala siya. Ibinaba niya ang hawak na phone at nagpalumbaba sa bintana ng beach house. Isang linggo nilang nirentahan ang bahay na ito. Kasalukuyan pa rin siyang nasa pribadong resort na matatagpuan sa Zambales. Kasama niya rito ang mga magulang at mga pinsan. Nandito rin ang kaniyang Ate Loti at magkasama sila sa iisang kuwarto. Sa gitna ng pagmumuni-muni at pagtingin sa kumukutitap na mga bituin sa kalangitan, nagsalita ang kaniyang kapati

