Sinabi niya kay Kenjie na nasa resort pa rin siya at matatagalan pa siyang makauwi sa kanilang bayan. Kaya binigyan niya ng suhestiyon ang binata. Hintayin mo akong makauwi pagkatapos ay mag-uusap tayo. - Iyon ang pinadala niyang mensahe rito. Agad naman itong sumagot sa kaniyang text message. - I can't wait that long. Saang resort ka? Natameme si Hiraya at pinikit-pikit ang mga mata sapagkat hindi siya makapaniwala sa nabasa. Naisip niya, "Ganito ba ang nararamdaman ni Kenjie sa mga panahong agresibo ako at parati ko siyang kinukulit?" Parang nais niyang matawa sapagkat nabaliktad na ngayon ang kanilang sitwasyon. Ito naman ngayon ang nangungulit sa kaniya at siya naman ang nawawalan ng pasensya. Seryoso? Pupuntahan mo ako? Oo. Where are you? Noon pa man bata pa lamang ito, mahira

